Chapter 1: Sabrina's POV

143 56 2
                                    

"Who will be this batch's grand winner?"

"Who will be the 15 persons qualified to enter The Famous House of Rodericka for the next batch? Abangan sa mga susunod na update!"

Pinatay ko na ang tv namin after ng update sa TFHOR. Eto lang naman kasi yung matinong reality show sa channel 3. Puro pagpapanggap lang naman yung sa iba.

Papasikatin yung love teams na di naman talaga bagay, walang chemistry, at walang interes sa isa't isa. Ughhhh

"Sali kaya ako ng TFHOR? Mukhang maganda to ah?" Ani ko sa sarili. Di ko alam anong espiritu ang sumanib sakin at naisip ko yun.

Pinuntahan ko si mama na busy sa paggagantsilyo at si papa na busy sa pagbabasa ng diyaryo. Ganyan routine nila araw araw. Kanya kanyang ginagawa pero magkatabi padin.  Simple lang kasi kami. Di mayaman, pero di rin mahirap.

Di ko tuloy alam kung sweet sila o ano.

Lumapit ako sakanila ng todo ngiti. Alam na nila na may gusto akong sabihin kaya napatingin sila ng sabay sakin at nagtinginan din sila katapos.

"Sabrina anong ngiti yan?" Tanong sakin ni Papa.

"Hehe" sagot ko naman.

"Nako pasuspense kapa nak. Ano ngang gusto mo?" Dugtong naman ni mama

"Ma, Pa, kung sasali ba ako sa isang reality show papayag kayo?" Tanong ko habang nakayuko

"HAHAHAHAHAHAHA" narinig ko na yung tawa ni kuya na ayaw na ayaw kong naririnig. Pangaasar nanaman aabutin ko nito.

"Gusto mo ba talaga sumali anak?" Sabi ni papa

"Opo pa. For something new po? Hehe" sagot ko na medyo awkward. Si kuya kasi nakatingin sa akin habang nakasmile ng nakakaloko.

"Sige nak, wala naman masama kung susubukan diba?" Sabi ni mama at ngumiti sakin

"Tama ang mama mo nak. Susuportahan ka namin. Talented ka naman e. Mana yata sa papa? Hehe" sabi ni papa.

"Sakin kaya nagmana si Sab, sweetheart." Sabi ni mama kay papa.

"Oh para walang away sakin nalang!" Singit ni kuya tsaka tumabi sakin at ginulo ang buhok ko. Tapos nagtawanan kami. Ang swerte ko talaga sa pamilya ko.

Pagkatapos ng lambingan ng pamilya, nagpaalam nakong pumunta sa kwarto ko at naalala ko na sinulat ko pala sa isang papel yung requirements para makapasok sa TFHOR. Mahanap nga.

Kinalkal ko yung bag ko at pak! Andun padin yung listahan requirements na hinahanap ko. Phew!

"Must be 18-30 years old" check ✔️

"Pure Filipino/Filipina" check ✔️

"Can stay for 2 months" syempre naman check! ✔️

Binasa ko kung paano magaudition at kailangan lang pala ng 3 minute video na naglalaman ng personal info, talent, at reason kung bakit gusto maging home buddy sa TFHOR. Hmm. Makapagsimula na nga!

"Hello po! Ako po si Sabrina Jaelle Ibarra. 19 years old from Tarlac. Pure Filipina po ako at sa pasukan po ay 3rd year napo ako sa nursing. Ang talent ko po ay singing."

Pagkasabi ko noon ay nagsimula nakong magperform. Kinanta ko ang Chandelier by Sia simula umipisa hanggang chorus lamang.

🎵Party girls don't get hurt

Can't feel anything, when will I learn

I push it down, push it down

I'm the one "for a good time call"

Phone's blowin' up, ringin' my doorbell

I feel the love, feel the love

1, 2, 3, 1, 2, 3 drink
1, 2, 3, 1, 2, 3 drink
1, 2, 3, 1, 2, 3 drink

Throw 'em back, till I lose count

I'm gonna swing from the chandelier,

from the chandelier

I'm gonna live like tomorrow doesn't exist

Like it doesn't exist

I'm gonna fly like a bird through the

night, feel my tears as they dry

I'm gonna swing from the chandelier, from the chandelier 🎵

"Gusto ko pong sumali dahil I'm looking for more challenges na magpapatibay sa akin at gagawin ko po yung best ko para magstay hanggang dulo. Maraming salamat po" Ngumiti ako pagkasabi nito at pinatay ko na ang pagkakarecord.

Sinilip ko ang deadline ng pagpasa at mamaya na pala ang deadline! Nagmamadali akong pumunta sa may PC at ni-connect ko kaagad ang memory card na naglalaman ng video audition ko.

At kapag nga naman minamalas ka, nagbrown out pa! Boyset.

Sa sobrang pagkainis ko, di ko namalayan na nakatulog na pala ako.

"Sab, gumising ka dyan. Baka matuluan ng laway yung keyboard hoy" sabi ng napaka sweet kong kuya. Tiningnan ko ang orasan at narealize ko na 3 oras na pala akong nakasandal sa keyboard.

Napatingin ako sakanya ng matalim at napalingon ako sa may sala dahil naririnig ko ang boses mg female host sa TFHOR. At saktong nagkacount down na sa screen para sa deadline ng pagsend ng audition video!

Dali dali kong in-on ang pc at buti naman nakikisama siya ngayon..

"2 minutes left" 43% of your video is sending..

"1 minute.." 72% of your video is sending..

"10 seconds left!" 99% of your video is sending..

"5 seconds.." SENT.

Kyleng's note:
Halu everyone! Bago ako magstart ng chapters sa loob ng TFHOR, uunahin ko muna stories ng bawat character before sila makapasok. Sana magustuhan niyo to ng bonggang bongga! Yan po, naintroduce ko na ang first character natin! Sabrina Jaelle Ibarra aka Sab. Hehe. Lablab. Thank you po! Keep reading. God bless! 🙌

•Maris Racal as Sabrina Jaelle Ibarra.
(Photo not mine | credits to the owner)•

TFHOR: The Famous House of Rodericka (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon