Chapter 3: Alexi's POV

94 57 0
                                    

*FLASHBACK 5 YEARS AGO*

"Sa taas naman ako ngayon twinnie ha?" Sabi niya sabay ngiti sa akin. Double deck kasi kama namin and yes, iisa lang ang kwarto namin kasi kambal kami.

Pero yung ate ko may sariling kwarto na magdadalawang buwan ng walang tao. Wala na siya sa TFHOR  at sa pagkakatanda ko 3rd to the last siyang natanggal so bali dapat ilang days na siyang nandito sa bahay. Miss ko na rin naman si Sermon Boss.

*BOOOOOGSH!*

Napatigil ako sa iniisip ko ng biglang may teddy bear na lumipad sa pagmumukha ko. Pagmumukha kong maganda.

"Twinnie baka gusto mo muna sagutin yung tanong ko kasi nangangalay na ako oh." Sabi niya sabay irap. 360 degrees ikot ng mata. Pabebeng baklita na to. Oh wait. Tama yung nabasa mo. He's a gay.

"Oo na Alexander Bruttus Crisostomo Dimagiba Jr., ikaw na sa taas" sagot ko sakanya sabay hagalpak ng tawa.

"Hoy Alexi Brionnella Crisostomo Dimagiba, kung makatawag ka naman ng full name diyan oh! Porket maganda yung sayo. Dapat akin name yun e. Hmp." Sabi niya sabay balibag ng mga gamit niya sa taas ng double deck na kama. Nagsmile lang ako ng mapang asar bilang sagot.

"Dapat kasi twinnie nalang din. Gosh! So haba ng names! Tsaka Xandie tawag sakin no! X-A-N-D-I-E. Duuh! Ay teka twinnie, ano nga pala iniisip mo kanina?" Sabi sakin ng kambal ko. Concern pala sakin tong baklitang to.

"Wala yun twinnie. Namiss ko lang si Sermon Boss!" Sabay ngiti ng may halong lungkot sakanya.

"Ay bongga! Akech din no! Waley si sisterette na majutak! Pero don't worry tinanong ko na si mudrakels kanina. Nagcall daw yung tauhan nung Rodericka. May special task pa daw si Sermon Boss." Sabi sakin ni Xandie.

"Uuwi din yun twinnie! Wag mong mamiss masyado baka di yun makatulog ng maayos. Sige ka" sabi niya at nginitian ko nalang siya at niyakap.

*END OF FLASHBACK*

It's been 5 years since the first batch of The Famous House Of Rodericka and still, di ko parin nakikita, nahahawakan, nayayakap, or kahit nakakausap man lang sa phone si Ate. Miss ko na rin kaya siya.

Nung minsan tinanong ko si mom about dun pero ang weird kasi ngingiti lang siya at sasabihin niya "Okay lang ang ate mo" at mag-iiba na siya ng topic kaya kinausap ko si Twinnie.

"Twinnie" tawag ko sakanya.

"Yes?" Maarte at pabebeng sagot niya habang busy sa pagla-laptop.

"Dimo ba napapansin na parang.. Parang may mali?" Tanong ko sakanya.

"Mali saan?" Patay malisya niyang sagot.

"Please don't act like you don't know what I mean." Sagot ko sakanya at napabuntong hininga siya.

"Napapansin ko yun twinnie." Sabi niya sabay sarado ng laptop.

"Narinig ko ang pag-uusap niyo ni Mom kanina. Kahit ako nagtataka na din kaya. Nagbibigay siya ng pera pero siya di natin makasa-kasama." Malungkot na wika niya.

"Alam mo Twinnie, ang weird kasi naiisip ko to pero.." Naghehesitate kong sabi sakanya.

"Tuloy mo na. Malay mo parehas tayo ng iniisip." Sabi niya.

"Feeling ko may kinalaman ang TFHOR diyan e. There's something weird about that show." Sabi ko sakanya habang nag-iisip.

"You know twinnie, marami na rin akong naiisip eh. Pero mahirap mambintang lalo na wala tayong alam." Sabi ni Xandie sabay irap.

"Twinnie alam mo isa lang yung way eh." Sabi ko at tinignan ko siya ng diretso sa mata. Napatingin siya sakin at nagtaas dalawang kilay na parang naghihintay ng sasabihin ko.

"Sasali tayo sa TFHOR." tinitigan niya ko ng parang nagtatanong ng "seriously twinnie?" Nagsmile lang ako sakanya at binuksan ko nga laptop niya. Puro pictures ni Zac Efron. May topless pa. Grabe talaga tong baklita nato.

"Ano naman to Alexander Bruttus?" Tanong ko sakanya ng mapang-asar

"Ih twinnie stop na." Inirapan niya ko at inagaw sakin ng laptop. Inopen niya yung web browser tsaka niya binalik sakin.

"Ayan diyan ka magfocus! Kalerki to!" Sabi niya sabay irap.

In-enter ko naman kaagad yung site kung saan nakalagay ang requirements at kung saan ito ipapasa

TFHOR.com.ph

[must be 18-30 years old, Filipino citizen, and can stay for 2 months]

[a 3 minute video that contains personal information, talent/s, and reason why you want to enter The Famous House of Rodericka]

{ Click here to submit }

Tinignan ko si Twinnie pero wala na pala siya sa pwesto niya kanina. Kinabahan ako kaya patayo na sana ako para hanapin siya kaso bigla siyang sumulpot sa likuran ko hawak ang pang-fire dance namin at may costume pa ha!

"Narinig ko kasi sa whispers mo yung word na talent e. Oh yan! Pak ganern! Tara bihis na us." Inabot niya na sakin yung costume ko at tumango lang ako. Pagkatapos, dumiretso na siya sa banyo at ako naman ay dito na sa kwarto nagbihis. Mas conservative siya e. Bakit ba.

Nang makalabas na siya sa banyo, mga 10 mins ako naghintay. Nagcontour pa pala ang loka! Haaay. Lumabas kami sa may garahe para iwas sunog sa bahay. Mas malaki kasi ang garahe kumpara naman sa space ng kwarto or kahit ng sala namin.

Sinet na namin ang laptop at nagsimula na kami.

"Hello Everyone! Hello Mrs. Rodericka!" Ani ko.

"My name is Alexander Bruttus C. Dimagiba aka Xandie and she's Alexi Brionnella C. Dimagiba aka Lex, my twin." Wika ni Twinnie.

"We are 23 years old, Filipino citizens, and our talent is fire dancing." Sabi ko at pinatugtog ni Xandie ang Timber na sinayaw/pinerform namin nung birthday ni Sermon Boss. Sinayaw lang namin yung kalahati tapos nagstop na din kami.

"Hope you liked it po." Sabi ni Xandie habang ako naman ay nakasmile lang.

"Ang reason po namin kung bakit namin gusto sumali ay dahil po nais namin ng maraming challenges and we want to explore and experience different things." Sabi ko.

"At gusto ko rin patunayan na hindi salot sa lipunan ang mga bakla." Sabi ni Xandie. Go twinnie!

"Yun lang po. Thank you so much!" Sabay naming sabi at nagflying kiss kami bago pinatay ang pagkakarecord at sinend na ito sa site.

9% of your video is sending..

23% of your video is sending..

47% of your video is sending..

78% of your video is sending..

99% of your video is sending..

100% sent.

Good luck satin Twinnie. Kung matanggap man tayo sana malaman nating dalawa ang lahat ng katotohanan..

•Alex Gonzaga as Lex Dimagiba and Fifth Solomon as Xandie Dimagiba.
(Photo not mine | credits to the owner)•

TFHOR: The Famous House of Rodericka (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon