Chapter 4

121 24 7
                                    


Shawn Kaizer Evangelista on the multimedia.


Chapter 4



SHAWN'S POV


GALING kami nila Seb, Sixxe at Dale sa bar ni Mixx. Doon kami tumatambay minsan ng gang tuwing walang laban. Nagditch kami ng 4 sa klase ngayon, who cares? Anak ng may-ari ng school itong kasama ko.

Kakapasok lang namin sa school ngayon, hindi na kami pumasok kasi club hiring lang naman. Wala naman kaming ibang club kun'di yung sa Basketball team namin. Besides, kahit hindi naman kami magregister ay automatic ng nakalista kami doon.

Naglalakad na kami ngayong apat sa corridor ng school at s'yempre pinagtitinginan na naman ako. Grabe ang gwapo ko talaga! Kakaiba ka talaga Shawn! Ang gwapo mo!

Habang naglalakad kami, nakasalubong namin si Daine kasama yung dalawa niyang kaibigan.

"Saan kaya 'yun galing?" Bigla kong tanong.

Galing kasi sila sa way papunta doon sa room namin.

"Shit. Ang ganda no'ng isa oh! Yung nakashoulder bag!"

"Gago! Yung may hawak ng libro yung maganda!"


Aba't hindi ako pinansin ng dalawang 'to ah!

*plok!*

Binatukan ko silang dalawa. -__- Wala lang, trip ko lang mangbatok. WAHAHAHA.

NANG nakarating na kami sa room ng grupo namin, naabutan namin sa loob yung kambal na si Jerrymayah at Jeyniyel, si Yhonelython at Si Iverson.

Binati ko sila, "YOOOOOW!" Pagkatapos ay nakipag-fist bomb ako. Ganoon din naman ang ginawa nina Sixxe at Seb sa kanila.

"Saan kayo galing?" Tanong ni Jeyniyel sa amin. Sumagot naman si Sixxe, "Sa bar ni Mixx."

"Daya. Hindi nagsama!" Sabat ni Yhonelython. Kahit kailan talaga 'tong si Yhone basta alak eh.

"Hindi pa ba sapat yung mga alak dito sa room?" Tanong sa kanya ni Sebie.

"Hindi masarap 'pag walang music at chicks."

"Gago hindi ka pa ba nakontento kay Mint? Akin nalang!" Pang-aasar na sabi ni Jeyniyel.

"Namo Jeyniyel walang sulutan! Akin 'yon! Mahal ko 'yon!"

"SHUT THE FXCK UP GUYS, I'M CONCENTRATING HERE." Out of now where ay nagsalita si Jerrymayah. Nagsitahimik naman kami.

Nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto. Napansin ko ang basag na baso sa mini bar at I think nadaplisa ng bala yung pisngi ni Jeyniyel.

"Anong nangyari dito?" Cool na tanong ni Dale.

"May tatlong amazonang pumasok kanina dito, masyadong napaandaran ng kahanginan niyang si Jeyniyel kaya ayon." Paliwanag ni Iverson.

"Babae?" Biglang singit naming tatlo nila Seb at Sixxe. Basta talaga babae, nagkakasundo kami. HAHAHA.

"Oo tatlong babae yung nagpunta dito. Sumali sila sa gang." Ngayon naman ay si Jerrymayah na ang nagsalita. Wait–What?! May babae na sa gang namin?!

"Chicks ba?" Mabilis na tanong ni Seb.

"Maganda ba?" Pagsingit naman ni Sixxe.

"Sexy ba?" Tanong ko naman.

"Hot ba?" Tanong ni Sixxe na naghihintay sa sagot.

RuthlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon