▶ Jerrymayah Xei Flores on the multimedia.
Chapter 3
JERRYMAYAH'S POV
UMALIS na yung mga amazonang babae kanina. I was really amazed sa mga kakayahan nila. Noong una ay wala talaga akong pakiealam sa kanila dahil akala ko ay naligaw lang talaga sila ng room na papasukin. Pero no'ng nagsalita yung babaeng may cold aura, I was convinced na seryoso sila sa pagpasok dito. Pero noong nakita ko mismo yung kanya kanya nilang skills, I was more than convinced. Kaya kahit wala pang permission ni JD ay tinanggap ko na sila agad dito sa grupo.
By the way, hindi pa pala ako nagpapakilala sa inyo. (Kay Jaina lang kasi ako nagpakilala eh.)
I am Jerrymayah Xei Flores. 16 years old. The 'geek' of the gang. Ako ang taga-hack ng mga systems ng ibang gangs at taga-gawa ng iba't ibang weapons namin. Sa underground world ay matunog na matunog ang pangalan ko because of my fighting skills pero ang school life ko ay sobrang magulo. -___- Tss. Ang daming fangirls na nagkakandarapa sa akin. Ang hirap maging gwapo. Well, alam ko iisipin niyong mahina ako, puro computers etc. Pero hindi. Don't mess up with Flores' especially me. I can kill whoever I want and whenever I want.
I have a twin fxcking brother named, Jeyniyel Zei Flores. He's also 16 years old pero mas matanda ako sa kanya ng 5 minutes. Hindi ako ginagalang ng gagong 'yan. Siya ang 'womanizer' ng grupo dahil halos lahat na yata ng babae dito sa school ay nasyota na niya. I doubt if he's still a virgin. At hindi na ako magugulat kung isang araw ay mabalitaang kong may aids na siya. Sobrang daming humahanga sa kanya dahil sa kagwapuhan niya. Hindi ko naman yun ipagkakaila pa kasi kakambal ko siya. Halos lahat ng features ko sa mukha ay kamukha din ng kanya. Sa underground world ay hindi mo aakalaing isa siyang abnormal na gwapong bading na womanizer. Sobrang seryoso niya lalo na kung siya ang may laban. Ngunit nangingibabaw talaga ang kabaklaan niya lagi. Tss. -___-
Yung kaninang nakaupo sa stool ng mini bar ng room at umiinom ay si Yhonelython delos Santos. Sa buong grupo ay siya ang pinakamabisyo. Malakas manigarilyo at araw araw umiinom ng alak. Well, I drink pero hindi araw araw. 'Pag napag-usapan lang ng grupo at saka lang ako umiinom. Gwapo din siya (sounds gay, fxck.) Lahat naman sa gang namin ay gwapo. Yhonelython has a girlfriend. Si Mint Acosta, yung medyo geeky din na babae. Maganda at masiyahin din. Pero sa pagkakaalam ko ay hindi sila in public. Secret lang yata ang relasyon nila lalo na sa parents ni Mint.
Si Iverson Klaide Escalona naman yung lalaking tamad na hanggang ngayon ay nakaupo pa rin sa couch. 'Yon ang asawa non eh. At yung mini bedroom sa loob ng kwartong 'to ay sa kanya din. Kantulog 'yang lalaking 'yan. Palagi niyang sinasabing gwapo siya kahit hindi naman. Ako kaya pinakagwapo, langya 'yan. Matinik din yan sa pakikipagbasag ulo, minsan nga ay umuwi 'yan galing ng battle na may pitong tama ng baril pero walang kagalos galos kahit isa ang mukha niya. Ganoon niya 'yon sinasamba. -__- Willing siyang mamatay 'wag lang magasgasan ang panget niyang mukha.
'Teka, bakit ba kase ako ang nagpapakilala sa kanila? Hinahack ko pa 'yung system ng Dark Librius eh! Dagdag abala pa. Tss.'
KANINA ay apat lang kami dito sa loob ng room. Umalis kasi sila Seb at Sixxe. Ewan ko kung saan nagsuot yung dalawang kogkog na yon.
Si Sebastian Ong at Sixxe Abellano ang pang-lima at pang-anim naming miyembro. Makulit ang dalawang 'yan at kadalasang taga simula ng kung ano anong kalokohan. Madami ding chicks yang mga kumag na 'yan. Lagi silang nantritrip ng mga estudyante dito. Sila ang taga bigay ng entertainment sa grupo 'pag wala si JD kasi pag nandy'an 'yun, tahimik at seryoso kami kahit akong bihasa din sa baril ay malaki ang takot sa kanya. Sobrang misteryoso niyang tao. Pero minsan din naman ay nakikipagbiruan.
At ang pangalawang pinakamataas sa amin ay si Shawn Kaizer Evangelista. Kanang kamay siya ni JD pero loko loko 'yan. Kung gaano katahimik si JD ay siya namang kadaldalan nito. Dati nga ay nagmimeeting kami tungkol sa next battle eh kwento siya ng kwento tungkol doon sa chick na nakilala niya. Inis na inis si JD no'n kaya binaril niya ito sa mukha kaya nadaplisan ang kaliwang pisngi niya. Pero waepek lang kaya tumawa lang siya ng tumawa noon. Sumigaw si JD at pinaulanan ng mura at bala si Shawn kaya Kumaripas siya ng takbo palabas ng room. Siya yung pinakaclose ni JD, close kaming lahat at parang magkakapatid pero iba ang bond nilang dalawa. Dahil siguro iyon sa tagal ng pinagsamahan nila. Simula kasi Elementary ay sila na ang magkaibigan at nitong freshman lang kami nagkakilala.
At ang huli at leader namin, ay si Lord Jerremy Dale Torres. Wala akong gaanong alam sa kaniya. He's cold, mysterious and short-tempered man. Kung kami ng mga ka-gang mates ko ay SOBRANG BIHIRA kung makapatay, siya naman ay walang habas. Sa pagkakalaalam ko ay may kapatid siya pero 'di ko alam ang pangalan. Si Shawn ang mas nakakakilala sa kanya. Medyo nagsasalita at nakikipagbiruan din naman siya. Sobrang daming babae ang nagpapantasya sa kanya despite of his cold attitide. Pero ni isa ay wala siyang inentertain. Kadalasan niyang linya ay "Come near me and you'll meet hell." Sabay death glare niya. Pero halos lahat kami ay tiklop pag siya na ang nagalit. Maliban kay Shawn na lagi kaming tinatawanan. Sanay na din siyang ilagan ang mga balang pinapatama ni JD sa kanya. Pero minsan talaga ay natatamaan siya. HAHAHA. Sobrang istrikto niya. Kung hindi ka sanay sa presensya niya ay titig palang niya, mamamatay ka na sa takot. Madami na siyang napatay na tao. Karamihan ay dahil sa gang fights at ang ilan ay sa personal na dahilan niya. Konting inis mo lang sa kanya ay siguradong makakapiling mo na si kamatayan. Don't mess up with him or else you'll meet hell.
And our gang was named PHOENIX BLOOD nabuo iyon noong sophomores kaming walo. Ewan ko kung anong dahilan ni JD kung ba't kami pumasok sa ganitong buhay pero wala na akong pakealam doon. Masaya ako sa buhay ko ngayon. Ang umaagos na dugo, pakikipaglaban kay kamatayan at atungal ng mga kalaban na nagmamakaawang mabuhay ay isang musika sa aming pandinig. Lahat kami ay may tattoo ng simbolo ng aming gang na isang dragon at may nakasulat ding 'blood' gamit ang hebrew. Tago ang mga pwesto ng aming mga tattoo. Yung tipong hindi agad makikita o mapapansin. Ang sa akin at kay Jeyniyel ay nakalagay sa aking pulso na natatakpan ng relo ko. Seb's tattoo is on his left pec. Yung kay Sixxe at Shawn ay sa batok. Nag-aaway pa sila noon dahil nga ayaw nilang magkamukha sila ng pwesto ng tattoo. Pero pagkatapos ng batuhan ng kutsilyo, putukan ng baril at paulanan ng bala, nagkasundo nadin sila. -__- Yung kay Iverson ay maliit lang at nakapwesto sa likod ng tenga niya ang tats. At yung kay JD ay nasa upper right ng V line niya. Lahat kami ay iyon ang first choice pero dahil nga siya ang nauna, wala kaming nagawa kun'di pumili ng ibang pagtatatoo-an.
Sa lahat ng gang sa Pinas, isa lang ang pinakakaribal namin. Ang gang sa kalaban din naming school. Ang Dark Librius. Tss. Corny ng name! Parang yung leader nila ang corny din. -___-
Kasali din kami sa Basketball Team ng school. Untamed Phoenix ang name at si JD ulit ang nag-isip.Pang bading eh. -__- Si Sixxe at Iverson ang point guard ng grupo. Si Yhonelython sa Center, sina Seb at Jeyniyel ang power forward, Ako at si JD ang 3-point shooter. Si JD din ang captain ball namin. Yung natitirang apat ay sina Israel Gonnza, Ethan Sarmiento, Guillermo Mercado, at si Mark Adrian Acosta na Kuya nina Traiyah at Mint, ay mga reserba.
So I think you know enough information about our gang. When you know our whole damn story, I'll doubt if you will still like us.
BINABASA MO ANG
Ruthless
Teen FictionWould you dare loving someone who is merciless? Having no pity to anybody? Would you dare loving someone who is very much cruel? Would you dare loving someone who is a tyrant? Would you love someone who is ruthless?