Chapter 10

75 18 0
                                    

Yhonelython delos Santos on multimedia.


Chapter 10



KHRIZIA'S POV


MATAMANG NAKATAYO si Kirsten sa harapan ng aming klase, nakaupo siya sa teachers table. Kulang nalang ay marinig namin ang kulisap sa sobrang tahimik ng aming klase. Wala ni isa ang nangangahas na magsalita.

Sa pangatlong pagkakataon, inilibot muli ni Kirsten ang kanyang paningin. Tumama iyon sa kaklase kong si Darwin na agad ding nag iwas ng kanyang tingin.

"Nakasulat dito na, ididissolve ang section X at ilalagay sa Y at Z." Binasa niya ang nakasaad doon, hanggang dulo. "Nandito ang lists ng students na malilipat sa section natin."

"Ang buong Phoenix Blood, Jamie Caliuag, Xeira Cheen Barbacena, Kenneth Chua at Justine Lei Dionisio. And the rest na hindi natawag ay sa section Y mapupunta."

"Teka, Kir, nakalagay ba d'yan kung bakit sila maglilipat ng students?"

"Bakit ang konti ng ililipat sa atin?"

"Bakit magkakasama ang Phoenix Blood? Baka araw araw ay magkagiyera dito."

"Omg, buong Phoenix Blood? Shiz, pwede nakong mamatay!"

"Bulok naman 'yang gang nayan! Laos!"

Sari saring reaksyon ang maririnig sa loob ng kwartong ito. May mga nagprotesta, chill lang, walang paki, bitter dahil 'di sikat at higit sa lahat, mga lumandi lang.

"Walang nakasulat ditong rason, so please stop asking me. Wala dito, wala." Saad niya na halata nang nauubos ang kanyang pasensya.

"Iyon lang?" I asked. Her eyes arched on me, "Oo, yun lang. Walang nakasul–"

"Excuse po, pinapadala po ito ni Principal Torres, pakipost daw po sa bulletin board niyo." Biglang may kumatok sa pinto kaya napatigil si Kirsten.

Isang freshman student ang nakatayo sa pinto habang may hawak na papel.

Tumayo ang kaklase ko na malapit sa kanya para abutin ang sulat mula rito.

Nang makuha na niya, akmang dadalhin niya iyon sa bulletin board para ipost nga iyon ngunit nagsalita si Kirsten. "Akin na, dudumugin niyo na naman iyan sa likod. Magiingay nanaman kayo, mababadtrip na naman ako kaya ibigay mo nalang iyan sa akin ako na ang babasa dito sa harapan."

Walang nagawa ang kaklase ko kung hindi ang iabot ito kay Kirsten. Nang makalapit siya rito, agad hinablot ni Kristen ang papel, marahan lamang iyon ngunit may bahid pa rin ng karahasan doon.

Kita ko ang paggalaw ng eyeballs niya senyales na binabasa niya ang sulat na naroon.

Sa kalagitnaan ng kanyang pagbabasa, napatigil ang pag-galaw ng kanyang mata at nagitla ng panandali.

Hindi halata na nanlaki ang mata niya ngunit ako ay kitang kita ko dahil inoobserbahan ko siyang mabuti.

"Shan Gabrielle, Khrizia Ardaine, Freenses Jaina, pwede na daw kayong umuwi. Excused kayo sa lahat ng subjects ngayong araw, you can leave the room after ng paglilipat ng estudyante." Nanatili ang kanyang paningin sa hawak hawak niyang papel na animo'y hindi makapaniwala sa nababasa niya.

"Hindi na din magkaklase ang next teacher dahil maglilipat na sila ng estudyante." Hindi pa rin niya inaalis ang paningin sa papel.

"B-Bakit daw?" I uttered.

RuthlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon