Chapter 17

41 12 0
                                    

Chapter 17



KHRIZIA'S POV



NANG MAKARATING ako ng bahay ay agad na dumiretso ako sa aking kwarto. Kuya Nathan greeted me but I ignored him. Hindi ako galit or such. Ayaw ko lang muna talagang makausap sila.

I decided to stay inside my room. I've got some banana flavored drinks and foods at my fridge nakakalungkot lang dahil walang tofu dito.

'Pwede na 'to. Siguro naman ay makakasurvive ako sa mga 'to'

Inilabas ko ang mga laman ng fridge ko pati na rin ang mga pagkain ni Shan na nakaimbak doon noong last year pa yata. I checked the expiration date at almost half noon ay expired na. Heck, hindi updated ang fridge ko. –___– Kailangan ko nang mamili.

After sorting out, iniayos ko ang mga iyon sa side table ko. Sinet up ko na din ang mini speakers ko at nagpatugtog ng mga 'hindi-nila-maintindihang-kanta' but hell yeah, naiintindihan ko sila.

I was rapping Cypher Pt. 4 nang biglang bumukas ang pintuan. Agad akong tumigil at hininaan ang volume ng music. Nang lumingon ako ay nakita ko si Kuya Mixx na nakatayo sa pintuan.

"Kakain na tayo, baby girl." He said while scratching his nose. He's doing it when he's shy.

Ang gross ng mannerism niya.

"Busog na ako, Kuya." I manage not to sound sarcastic but it turned out to be one.

"Hindi ka mabubusog sa mga pinagkakain mo na 'yan. Chips? 'Di ba sabi ko sayo tigilan mo na 'yang pagkain n'yan? Ang kulit mo Khrizia."

I smirked, "Don't say things as if I'm still a baby. Matanda na ako Kuya al–"

"Matanda ka na nga pero 'yung height mo pang bata pa rin." He seriously said but his facial expression doesn't match his tone. Parang nagpipigil ng tawa na natatae. Aish, ang hirap i-explain.

"'Wag mong idamay ang height ko sa usapan natin, Kuya ibang usapan 'yan. Tss." I just rolled my eyes heavenwards.

"I'm just stating the fact, Khrizia. Kaya hanggang hindi ka lumalaki, you're still our baby. And in your case, wala kang pag-asang lumaki so whether you like it or not, you will be our baby, FOREVER." He's chuckling a bit when he emphasized the word FOREVER. It sucks, tss.

"Ang arte mo. Tss." Utas ko at iniwan siya at saka bumaba ng hagdan.


Nagulat ako sa nakita ko nang makababa na ako.


Heck! May fiesta ba?!


Kadalasan ay sa four-seater table lang kami kumakain simula nang umalis si Mom and Dad. Pero sa nakita ko ngayon, heck, desidido talagang makipag-ayos ang mga kapatid ko.

Punong puno ng pagkain ang lamesa namin. Almost ½ ay tofu. Paano ako aarteng cold kung ganito ang nasa harapan ko? I can't do that.

I heaved a silent sigh at nagpatuloy sa aking paglalakad. Hindi ako nagpasindak sa sobrang daming pagkain. And when I say sobrang dami, sobrang dami talaga.

"Bakit ang dami niyong niluto? Aapat tayo dito akala niyo naman may family reunion." Malamig kong sambit.

Sumagot si kuya Brixx, "Walang kakain ng tofu sa family gathering dahil ikaw lang naman ang kumakain n'yan."

"Kaming tatlo nagluto n'yan Khrizia, kainin mo na." Sabat ni Kuya Nathan habang inaayos ang hawak niyang mga plato.

Biglang sumulpot sa tabi ko si Kuya Mixx at nagsalita, "Kaming dalawa lang ni Brixx ang nagluto."


"Hoy ang kapal m–"

"Wala kang ibang ginawa kundi basahin ang procedures sa Google. Mahiya ka nga, Nathan Leuxx. Hindi. Ka. Nagluto."


"Ganoon na din 'yun! Hindi niyo maluluto 'yan kung wala ako kaya malaki ang naging parte ko sa mga niluto niyong 'yan!" Protesta niya.


'Why they suddenly change?'


"Kaya naming magbasa, Nathan. 'Wag kang patanga." Sabat muli ni Kuya Brixx. Pabagsak nang ibinaba ni Kuya Nathan ang huling plato at pumunta na sa tabi ko. Tinulak niya si Kuya Mixx sa upuan at saka siya naupo. "Khrizia! 'Yung mga Kuya mo inaaway ako!"

RuthlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon