Chapter 18
KHRIZIA'S POV
MABILIS KAMING NAKAUWI ng bahay. Excited na akong ayusin ang kwarto ko ngunit si Jaina at Shan naman ay parehas na bagsak sa kama. Busog na busog sila sa Sumgyupsal sa Kpop shop.
Hinayaan ko na lang silang mamahinga muna. Bumaba ako ng hagdan para icheck kung kumpleto ba lahat ng nadeliver dito sa bahay.
"Kuya, tulungan mo muna ako sa taas. Ilalabas ko 'yung cabinet, side table, couch, at kama ko." Panggugulo ko sa naglalarong si Kuya Mixx.
"Ako na nga 'yung nagdrive, ako pa uutusan mo? Sila Brixx naman!" Reklamo pa niya.
Kinuha ko sa bulsa ko 'yung card ni Kuya at ibinalik iyon sa kanya.
"Kuya tulungan mo ako sa taas." Panimula ko.
"Bakla kasi si Kuya Mixx, magbuhat lang hindi pa ako matulungan." Napahagalpak si Kuya Brixx at Kuya Nathan dahil doon. Inirapan ko si Kuya Mixx at hinatak na lang ang dalawang monggol kong Kuya.
Mabilis namang nailabas at nailipat sa bodega ang mga furnitures na hindi ko na gagamitin.
"Kuya iwan niyo 'yung cabinet ko doon sa harap ng stock room, 'wag niyo munang ipasok, ililipat ko muna 'yung mga damit ko. 'Yung kay Shan, ilayas niyo na, hayaan mo siyang maghirap. Natulog kasi, tss.""Bakit ayaw mo pang ipalagay doon? Papahirapan mo lang kaming ipasok ulit 'yun mamaya eh." Kuya Nathan asked while wiping his sweat.
"Natatakot lang 'yan sa loob ng bodega. Duwag kasi." Kuya Brixx added that made them laugh.
"Kainis kayo! Ilabas niyo na nga lang lahat ng laman ng kwarto ko!" Asik ko at saka sila pinagtutulak.✕
"HETONG KAMA na lang ang hindi nalilipat. Nakahiga sila Shan at Jaina, paano?" Tanong ni Kuya Nathan sa akin matapos nilang buhatin ang lahat ng furnitures ko papalabas sa kwarto.
"Wait, I'll call Kuya Mixx. Ipapabuhat ko na lang 'yang dalawang 'yan." Ani ko at saka agad na sumagsag pababa ng hagdan.
Naabutan ko naman si Kuya Mixx doon na hawak pa rin ang gaming paraphernalias niya. Grabe! It took 2 hours already! Hindi ba siya nagsasawa?
Kinalabit ko siya. "Kuya, buhatin mo muna sila Shan at Jaina ilipat mo muna sila sa guest room. Ilalagay na kasi sa bodega 'yung kama."
Hindi na siya sumagot mintres ay tumayo na siya at umakyat ng hagdan.
"Sabay ko silang bubuhatin?" Natatawang tanong niya habang nag-i-stretching katawan.
"As if naman kaya mo! Si Shan na lang ang unahin mo!"
Tss. Baklang betty boop.
"Kaya ko naman talaga, baby girl." Pagpoprotesta niya.
"Naku Kuya. Tigilan mo na ako, buhatin mo na si Shan bilis, gumagabi na." Tinulak tulak ko siya patungo sa higaan.
Binuhat niya ng marahan si Shan.
But while Kuya was lifting Shan, naalimpungatan si Jaina at tuluyang nagising.
"Anong oras na?" She asked while softly scratching her eyes.
"23:50."
"WHAT?! BAKIT HINDI MO AKO GINISING AGAD!?""Si Jaina naman bubuha–––Oh? Bakit nagising si Jaina?" Tanong ni Kuya Mixx nang makabalik siya. Hindi ko na siya pinansin dahil inaya na din naman siya nila Kuya Brixx sa baba.
"Ang tagal ko pa lang nakatulog. Psh. 'Di mo man lang ako ginising!" Pagmamaktol niya.
I flared my eyes then answered, "Ang dami mo kasing kinain na Sumgyupsal. Buti hindi pumutok 'yang tiyan mo?"
"Sige Kuya, thank you. I'll call you if we need you." I waved at him until he turned back.
Ibinalik ko ang aking paningin sa babaeng bagong gising pa lang.
"Duh, ang sarap kaya nun. Ikaw lang naman 'tong may ayaw 'non. Mas kadiri nga 'yung to–"
"Don't you dare say bad things to my tofus!" I exclaimed as I am about to throw her the air I was holding.
Yes, I don't hold anything but air.
"Si Shan?" Pag-iiba niya sa usapan.
I just shrugged and answered, "Nilamon na ng kadiliman."
Binato naman niya sa akin ang unan, "Talk to that pillow. Psh."
Sasagot na sana ako sa sinabi niya nang biglang tumunog ang telepono ko na nasa kama.
Inabot naman ni Jaina 'yon. "Oh? Akala ko ba nasa kadiliman si Shan? Why is she calling?" Sarkastiko niyang tanong.
"Ha?" Nagtataka kong tanong. Tulog 'to 'di ba?
Inabot ko mula sa kanya ang phone at pinindot iyon, "Hello Shan? 'Di ba tulog ka? Don't tell me, you're sleep talking and sleep dialling?"
I heard her tsk-ed on the other line. "Baliw! Hindi ako tulog. Gising na gising ang magandang si ako. Ano, nand'yan pa ba si Mixx sa kwarto mo?"
"Bakit hinahanap mo si Kuya? Wala na siya dito, nandoon sa ibaba."
BINABASA MO ANG
Ruthless
Novela JuvenilWould you dare loving someone who is merciless? Having no pity to anybody? Would you dare loving someone who is very much cruel? Would you dare loving someone who is a tyrant? Would you love someone who is ruthless?