Chapter 14

55 16 2
                                    

Chapter 14



KHRIZIA'S POV


HINDI NAGSALITA si Kuya at mabilis na tumayo mula sa upuan. Nakakuyom ang mga kamao niya. Agad siyang tumalikod at naglakad.

Akmang pipigilan ko siya pero nagsalita siya, "Don't talk to me for now Khrizia. Hindi ko alam ang magagawa ko. I'll talk with Kuya Knoxx."

Nanlaki ang mata ko ng marinig iyon mula sa kanya. Seriously, with Kuya Knoxx? He's kidding right?

"Kuy–"

"I said don't talk, Khrizia." He said then leave me.

Just, what the heck is going on?

Wala na akong nagawa pa kundi ang bumalik sa kwarto ko para magpalit ng damit. Ihahatid pa namin si Mom and Dad, ugh.

Kumuha agad ako ng short shorts at isang blue floral cropped top mula sa aking cabinet.

Nang masuot ko na ay kinuha ko naman ang asul na vans. Nang matapos na ako sa pagbibihis ay napaupo ako sa kama ko.

What the heck is happening in my life?

Nag-iisip ako kung ano pang kagaguhan ang gagawin sa akin ng mga Kuya ko nang biglang may kumatok.

"Paso–"

Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko nang bigla na itong bumukas. I saw Kuya Nathan standing wearing his evil grin. I felt something bad.

'Si Kuya Mixx sana ang mambubulabog sa akin kaso galit siya.'

Lumamlam ang ekspresyon ko, nawala ang ngisi sa kanyang mukha nang makita niya ako ng tuluyan.

"Oh bakit? Pasalamat ka nga at 'di ako galit sayo tapos sisibangutan mo pa ako?" Tanong niya at tumabi sa akin.

"Hindi ka nga galit pero si Kuya Mixx at Kuya Brixx, times one hundred naman ang galit. Anong laban mo dun?" Tanong ko pabalik.

"Tss. S'yempre, Kuya mo din 'yung mga 'yun. Tinuring ka naming prinsesa tapos kami kawal lang..." Natawa ako ng bahagya sa 'kawal lang.' Hahahaha.

"Natural lang na magalit 'yun dahil iningatan ka namin ng ilang taon. Wala ni isang lalaki ang nakalapit sayo tapos sa isang iglap may dadating na lalaki dito at sasabihing manliligaw siya and worse, the two of you kissed. Pasalamat ka lang talaga at nakapagpigil si Mixx kung hindi ay pinaglalamayan na 'yung gunggong na 'yon." Huminga siya ng malalim matapos ang mahaba niyang pagpapaliwanag. Yeah I get it. Pero hindi naman sadya 'di ba? Kahit ako ay walang kaalam-alam sa mga nangyayari. Seems like it happened in just a blink.

May bigla namang pumasok sa utak ko kaya napasagot ako agad. "Wait!–Anong walang nakalapit na lalaki?! Naalala mo pa ba si Shinyel nung third year ako? 'Di ba nanligaw 'yun? Tsk! Hindi niyo naman ako naprotektahan. Walang silbing kawal." Kunwari ay umiiling-iling pa ako para kunwari ay disappointed ako.

Nakita ko muli ang ngisi niya, "Akala mo lang 'yun." Sagot niya at sumagot naman din ako agad, "What do you mean?"

"'Di ba tatlong araw lang nanligaw? Inabangan ni Mixx at Brixx 'yun nung pang apat na araw doon sa tapat ng gate ng school kaya hindi na nagpakita. Gan'to pa nga sinabi ni Brixx eh, tandang tanda ko 'yun."

"Ehem! Ehem!" Nag-asta siyang gagayahin ang tono ng boses ni Kuya Brixx, "Ni hindi namin pinadapuan ng lamok 'yan tapos sa isang katulad mo lang babagsak? Back-off. The princess needs a prince, not a peasant."

RuthlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon