Chapter 16
SHAWN'S POV
"SINONG GAGO ba naman ang hindi magagalit ha, Shawn? Umalis ka ng alas onse tapos babalik ka ng alas dos? Adik ka ba? Kung oo, sabihin mo na 'ora mismo, kaya ka naman naming tanggapin basta aminin mo lang sa amin." Ani Sixxe nang muling mapag-usapan ang mga pangyayari kaninang madaling araw.
"Mag-o-offer din ako ng financial assistance para sa pang-rehab mo, Shawn." Segunda naman ni Yhonelython. Sinagot ko sila, "Mga gago." At saka ko sila inirapan.
Shit! Hindi ba maka-move on 'tong mga unggoy na 'to at hanggang ngayon sinesermonan ako? Lintek naman. –__– Ang aga aga, 'yan ang bubungad sa gwapong si ako? Whatta start. –__–
"Shawn, alam naman naming sa simula't sapul, uunahin at uunahin mo ang landi kaysa sa 'min pero sana naman maawa ka sa mga gwapong katawang lupa namin. Nandito si JD kagabi, paano kung pinatay na lang kami nun bigla?" Untag ng nagpoprotestang si Jeyniyel.
Nakaupo kaming lahat dito sa sofa. Si Sixxe, Seb, Jeyniyel at Yhonelython ay magkakahiwalay na nakaupo sa single sofa samantalang kami nina Iverson at Jerrymayah ay magkakasamang nakaupo dito sa 3-seater sofa. At kung hinahanap niyo ang napaka-bait naming leader, ayun tulog pa. Asa naman kayo na gigising ng maaga 'yun. –__–
"Bakit? May napatay ba? Wala naman 'di ba? Tama na nga daldal, tss. Sinisira niyo araw ko eh."
"Walang namatay pero may MUNTIK nang mamatay." Natatawang sambit ni Jerrymayah sa tabi ko. Hindi siya nakatingin sa 'min dahil tutok na naman ang paningin niya sa macbook na hawak na nakapatong sa hita niya.
Lumingon ako kay Iverson para tanungin kung sino sa kanila ang muntik nang mapatay ni Dale pero damn. Tulog na naman! Kingina, bakit napakadaya nito?
"Ayan, si Jeyniyel muntik na naman. Pffft, paano ba naman eh pinaandaran na naman ng kahanginan si JD. Ayun, muntik nang masampolan buti na lang nakatakbo." Utas ni Seb habang walang tigil sa paghalakhak ang iba.
"Txngina mo talaga, Seb. Sabi ko walang laglagan ah? Fxck you, man."
"Ulxl, 'di tayo talo, Jeyniyel. Just fxck yourself dude."
Nagpatuloy ang bangayan nilang lahat pero hindi ako naki-gulo. Tss. I'm busy daydreaming 'bout Khrizia so I don't give a fxck on them.
Nakisilip ako ng bahagya sa pinaggagagawa ni Jerrymayah. Hanggang ngayon ay napapahanga pa rin ako ng unggoy na 'to. Sobrang bilis niyang magtype at may kung ano-anong maliliit na kulay green at pulang letters and numbers ang nagfaflash sa screen ng mac. Hindi ko maintindihan 'yung pinag-gagagawa niya sa buhay pero isa lang ang sigurado ako.
It's all about Dark Librius. Yeah, 'yun naman lagi ang number 1 na pinagkakaabalahan nitong unggoy na 'to.
Busy ako sa paninilip (whatta word) sa ginagawa niya nang bigla siyang mag-angat ng paningin.
"Guys," panimula niya. "The Dark Librius is planning to have a fight with us. Based on the info I read, it's a 'No gun fight' but knowing how dirty is the way they fight, mandadaya at mandadaya ang mga 'yon for sure." Shet, naintindihan niya 'yung pula at green na 'yon? Putxnginang Jerrymayah 'to! Puro first three words lang nababasa ko tapos siya naintindihan niya lahat 'yun?!
"Game ako." Nagtaas ng kamay si Jeyniyel na para bang nagro-roll call ng attendance si Jerrymayah.
Nakisabay sa trip si Seb kaya naman nakitaas din siya ng kamay, "Pati ako."
BINABASA MO ANG
Ruthless
Teen FictionWould you dare loving someone who is merciless? Having no pity to anybody? Would you dare loving someone who is very much cruel? Would you dare loving someone who is a tyrant? Would you love someone who is ruthless?