Chapter 1

20.4K 274 23
                                    

(c) Shupershimmer


♪♫ But baby there you go again, there you go again, making me love you... Yeah, I'll stop using my head, using my head, letting all go oh...♪♫

Maaliwalas akong nagda-drive sa kahabaan ng mahaba at traffic na highway. Actually, papunta ako ng Tomas Morato ngayon dahil wala namang pasok at nagyaya 'yong tropa ko para mag-billiard. Dumaan pa kasi ako ng convenience store para ang bumili ng inumin. Isa pa, maraming chicks do'n ngayon dahil maggagabi na.

Habang nakahinto ang kotse, naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko sa bulsa. Tumatawag si Peter.

"Oh," sabi ko.

"Asls ojefoinv?"

"HA?"

"Putek. Hinaan mo kasi 'yang tugtog nang marinig mo ko!" Hininaan ko volume tapos tinanong ko kung bakit siya tumawag.

"Nasa'n ka na?" sigaw niya sa kabilang linya. "Ikaw na lang hinihintay."

"On my way na nga diba. Saglit na lang." Napaismid ako at umusad naman naman ulit ang mga sasakyan sa harap ko.

"Hinihintay ka na ni Tricia babes mo."

"La akong pake, pauwiin niyo 'yan. Istorbo." Binaba ko 'yong tawag tapos nilakasan ulit ang volume ng tugtog.

Di pa man nag-iinit ang gulong ng kotse sa kalsada, naghintay na naman ako sa stoplight. Tahimik lang ako habang nakikibilang sa countdown ng red light nang biglang may kung anong nabasag.

Nanlaki lang naman ang mga mata ko nang marealize kong nabasag ang bintana sa passenger's seat. Ang mamahaling kong kotse! Shit!

Bumungad sa tabi ko ang isang malaking-malaking screw driver na dinaig pa ang meteorite. Nanlumo ako nang makita ko ang crack sa bintana at nagkalat na barag sa kabilang upuan.

"Shit, my dear sports car!" Syempre may kasamang mura ulit sa huli.

Lumabas naman agad akong galit na gait tapos nakita ko ang isang babaeng nakauniporme pa na pumasok sa isang mall at tumakbo. Pagkatingin na pagkatingin ko sakanya, alam kong siya ang may kasalanan ng lahat. Utang na loob-dugo't pawis yan ng lolo ko!

"Hoy!"

Sigaw ko habang nakaturo sa babae na papasok ng mall. Syempre, tinakbo ko rin. Kung di ninyo alam, naging participant ng mga Fun Run. Kulelat nga lang. Atleast, participant.

"Hoy kupal!" Sigaw ko habang nasa mall na ako - pinagtinginan pa ako sa nasigaw ko - tapos kita kong umakyat siya ng escalator dala-dala ang backpack niyang pekeng Jansport.

Nakipag-unahan ako sa mga taong nasa escalator at meron pa ngang minura ako dahil natulak ko siya. Walangya. Kotse ko ang nasaktan dito. Pag-akyat ko ng second floor, ang dami nang tao. Di ko na siya makita. Inikot ko 'yong paningin ko pero wala na 'yong unipormeng nakita ko. Tae! Nautakan ako nun, ah.

Pagtingin ko sa dulong parte ng mall, nakita ko 'yong palda niya at patakbo siyang naglalakad.

Ngiting tagumpay ako. "Huli ka balbon!"

Tumakbo ako papunta sa pinuntahan niya at sa mga oras na 'to, di ko siya mapapatawad sa paglapastangan niya sa ari-arian ko. Winasak niya sasakyan ko, sino matutuwa do'n?

Pagpasok niya sa girl's CR, hindi na ako nagdalawang-isip na pumasok din sa loob. Maswerte ako dahil walang tao, at pagkapasok na pagkapasok niya sa isang cubicle, 'yon din ang pagpasok ko sa loob.

"Gotcha," sabi ko, habang hawak siya sa braso.

Nagtititili pa siya. "Kuya, wag!" Pinagdikit niya 'yong dalawang palad niya na parang nagdadasal. "Di ko sinasadya!"

"Ano'ng kuya wag?" binaba ko 'yong tingin ko at nakita ko ang ID lace niya. College-like lace. "Magka-edad lang tayo. Kuya mo mukha mo." Loko 'to, ah.

Hinigpitan ko 'yong hawak sa braso niya para di siya makawala tapos yumuko siya habang magkadikit parin ang palad niya. Ramdam ko na nanginginig na siya. Dapat lang, dahil malalagot talaga siya.

"Our father who art in heaven... h-holy be your n-name..."

Binitawan ko siya agad dahil sa sinabi niya. 'Nak ng teteng. Ano tingin niya sakin? Aswang?

"Hoy! Wag mo nga akong dasalan. Kotongan kita dyan e."

"Wag!" Pagmamakaawa niya pa. "Sorry talaga, K-Kuya..." Kuya?

"Wag?" Pinanlakihan ko siya ng mata. "After ng ginawa mo sa kotse ko, 'wag'?" Tinawanan ko siya nang mapang-asar. "Nagpapatawa ka ba, ha?" Pagkatapos ko siyang tanungin, tinulak ko siya sa pader ng cubicle.

"Di ko naman talaga sinasadya e. 'Yong katabi ng sasakyan mo ang babatuhin ko sana. Ba't ka ba kasi humarang do'n?"

"KASALANAN KO PA!" Napahimas na lang ako ng mukha ko. "Hoy, miss, alam mo bang pwede kitang kasuhan sa ginawa mo? Ano 'kamo? 'Yong isang kotse sana ang babatuhin mo? Sindikato ka ba?"

"Hindi, ah." Umiling-iling pa ulo niya.

"Baka naman stalker kita?" Pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang dibdib. "Taga do'n ka sa college na katabi ng university namin, diba. Baka naman nagpapapansin ka lang?"

Nagsalubong ang kilay niya at bigla siyang humalakhak.

"Ahahahahahahahahaha!" Tumawa siya nang nakanganga talaga. Nakita ko nga 'yong baga niya eh. "Ahahahahah! Wow, ha. Stalker? Kapal!"

Tinaasan ko siya ng kilay. "Di mo ba ako kilala?"

Huminto siya sa pagtawa at pinagmasdan akong mabuti - mula ulo hanggang dibdib. Loko 'to ah. Pitikin ko nunal niya sa ilong eh.

"Hindi."

I laughed and stopped. "Are you freaking serious?"

"Oo." Umismid pa siya. "Mukha ka namang mayaman. Kaya mo nang ipaayos 'yang sasakyan mo. Salamin lang naman 'yan. Barya lang 'yan sa parents mo."

Sinamaan ko siya nang tingin. "No way. Do you have any idea kung magkano ang parts ng sasakyan na 'yon? At wala akong parents dito kaya walang gagastos niyan."

"Nag-ingles pa," bulong niya.

"Ulitin mo nga 'yong sinabi mo."

"Wala."

"O ano'ng balak mo sa ginawa mo?" tanong ko.

"Ipagdadasal ko kayo sa linggo ng kotse mo."

"Gago ka ba?" sigaw ko tapos may narinig akong nag-flush ng inidoro sa kabilang cubicle kaya tumahimik muna ako hanggang sa makalabas 'yon ng pinto. "Wag mo nga akong idaan sa joke. Hindi ako natutuwa."

Kinuha ko 'yong ID niya at inangat malapit sa mukha ko. Muntik pa akong matawa dahil may na sticker ni Hello Kitty sa mukha niya.

"Ano gagawin mo?"

Dinukot ko 'yong phone ko at in-on ang camera. Pinicturan ko 'yong buong ID, including her name and address.

"Feeling mo naman huhubaran kita rito. Asa ka pa." sabay binitawan ko nang malakas 'yong ID.

"Sino maysabing 'yon ang na-feel ko? Tigas ng mukha mo, ha."

"Miss Darla Catacutan, kung ako sa'yo magtago ka na sa lola mong panot at baka bukas makalawa, susunduin ka na ng pulis at maglilimas ng rehas."

Natahimik pa siya. Siguro ini-imagine niya 'yong scene na may magdo-doorbell sa bahay niya tapos may magpapakitang pulis na may dalang arrest warrant. Tapos magmamakaawa siya tapos di siya papayagan ng pulis tapos makukulong siya. Ha, 'di na ako makapaghintay.

"FYI, wala akong lolang panot." Sinamaan ko siya ng tingin. "Edi kasuhan mo!" sabi niya sabay labas-dila pa. "Pulis tatay ko!"

Lumapit ako sa kanya habang naka-pin ang kamay ko sa pader na nasa likod niya. "Talaga." Pagkasabi ko, nakita kong namula siya.

Sabi na nga ba, eh. Crush ako nito.

She's My Sweetest DrugTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon