Chapter 26

8K 154 21
                                    

Chapter 26

© Shupershimmer

Dahil nga tapos na ang mga pahirap sa school, at wala namang special sa Saturday ko, nagkayayaan kami nina Peter, Ully, at iba pang ka-Dota nila na magpunta sa favorite hang out place: Amoure Propre Club.

Kanina pa kaming 5 o'clock nina Ully dito at yung iba, nagsunuran na lang.

The first we like to do here is to play billiards. Mas malaki ang playing area, mas attractive ang lights, mas chill ang music background, at mas exciting.

"Nga pala, kumusta ang date ninyo ni Catacuts?"

Siniko ako ni Ully habang hawak ko ang cue stick at nanonood kay Luis na kasalukuyang naglalaro. I groaned when I heard him.

"Ako lang ang tatawag sa kanya nang ganon," umismid ako. "Pinaalam ko lang sayo, di ko sinabing gayahin mo."

He gave me a silly chuckle, which is annoying, "It didn't go well, huh? Sa nakikita ko sa mukha mo, parang badtrip ka sa date."

Bumuga lang ako ng hangin habang nakikita ko siyang sinisimot ang GSM Blue na hawak niya. Nakailang bote na ba siya?

"It wasn't a date," I emphasized. "Okay?"

He waved his free-hand. Parang sinasabi niyang lokohin-mo-lelong-mo.

"Seryoso, walang ganon." dagdag ko.

We paused talking. Turn na kasi ni Ully at sabi nya, saglit lang daw. We're playing two against two. Kakampi ko si Ully, kalaban namin sina Luis at Robert. Yung iba, nasa table lang sa labas ng billiards.

Ully didn't pot any ball. Di man lang nakatulong.

"Bakit di nag-work?" natatawang tanong ni Ully sakin. Robert is now playing. "Binigyan na nga kita ng privacy, e. Iniwan ko kayo doon, diba. Besides, ang boooring ng exhibit."

He lit his first stick of cigarette for this day, I guess. "Hindi naman kasi gaya si Catacuts sa mga kilala mo. And, she's fresh from the break-up."

He just grinned at me, which made me feel like I sound so foolish.

The entire game was a mess. Nawala ako sa wisyo tapos engot pa si Ully dahil nakailang badshot siya. Bwisit. Kami pa tuloy ang talo at nagbayad ng table.

***

Halos isang oras akong nakahawak sa cellphone ko kahit nasa table lang naman kami, at paunti-unting umiinom.

I don't know if it's because I am waiting for her call or text... or maybe, I am urged to do it first.

Pag tumawag ako, sasabihin niya, 'O ano naman? Manggugulo ka na naman?' at ayokong naririnig 'yon. Palagi niya na lang pinaparamdam na ako ang pinakamalaking istorbo sa sangkalupaan.

Pag tinext ko naman siya, baka mainis lang ako kapag di yun nagreply. Ewan, pero nakaka-depress yun minsan.

"Oy, nakikinig ka ba?" binato ako ng katabi kong si Peter ng ice tube at nainis ako.

"Ano ba?" I clenched my teeth. He laughed.

"Balak namin ni Ully na pumuntang Bowling Alley bukas. Doon sa pinuntahan natin last January." he just beamed, "Gusto mo?"

I shifted in seat, crossing my arms, "Ayoko. Di ako mahilig doon. Tsaka naalala mo ba nung nakaraang nagbowling tayo?"

Tumingin si Peter sa kung saan, na parang inaalala niya, tapos bigla siyang natawa.

"Ah, yung pinagbayad ka ng Management dahil nakabasag ka ng displays, dahil hinagis mo ang bola sa inis."

I slighty rolled my eyes. "Wala naman akong sinabing banggitin mo." I drank a glass of MP.

She's My Sweetest DrugTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon