Chapter 31

7.8K 160 37
                                    

Chapter 31

© Shupershimmer

 

DARLA's POV

 

Nagsimula na ang bakasyon, yet, nasa tutor duty ulit ako. Ramdam na ramdam kong tamad mag-aral ngayon si Mika, kasi nga bakasyon.

 

Kung sa bagay, this would be my last week of teaching this demanding student. Sabi kasi ni Miss Via, mag-a-out of the planet sila ni Mika for the whole month.

 

I wonder kung ano'ng gagawin ni Lawrence. Mag-a-out of the town kaya siya?

 

"Ano'ng balak mo?" tanong ko kay Lawrence habang nakapatong ang mga kamay ko sa veranda ng second floor nila.

 

Kung titignan kasi ang interior ng bahay, kitang-kita ang first floor mula sa second—para bang mall, na kita ang baba. Naka-lean ako, habang siya, nakasandal ang likod, at siko niya sa kulay cream na hawakan.

 

He smiled slightly. "Ikaw?"

 

Umismid ako dahil binalik niya lang sakin ang tanong. Di man lang pinag-isipan ang tanong ko.

 

"Usually, sa bahay lang ako," I glared. "Pero ikaw ang tinatanong ko. Sasama ka ba sa tita mo sa out of town nila?"

 

Nilingon niya lang ang ulo niya sakin, tinitigan ako, at biglang ngumisi; tipong lumabas ang mga ngipin niya, at naningkit pa ang mata.

 

I scowled at him. "Bakit?"

 

"Natatakot ka bang hindi ako makita?" natatawang tanong niya.

 

Nakatingin lang ako sa pagngisi ni Lawrence at wala akong maisip na sagot sa kalokohan niya—wala yata ako sa mood makipag-gaguhan sa mokong na 'to.

 

He continued, not waiting for my answer. "Don't worry, nandito lang ako sa buong April. Pag wala na sila tita next week, welcome na welcome ka sa bahay,” bigla siyang kumindat.

 

He grinned, and raised his eyebrows playfully. Tinignan ko lang siya nang masama at daglian ko naman siyang sinipa sa paanan niya kaya umaray siya.

 

"Bakit di ka sasama sa kanila?"

 

"Nagpapatawa ka ba?" sarkastikong sagot niya habang pumipwesto siya sa veranda gaya ng pagkakasandal ko. "Parang sinabi mo na ring magpa-ahit ako ng lahat ng buhok sa katawan ko, o kaya sunugin lahat ng instruments ko."

 

I pressed my lips, thinking.

 

"Wala ba kayong bahay? I mean, yung parents mo... ninyo."

 

"Meron, sa Marikina," he grinned at me again. "Bakit? Ayaw mo dito? Okay lang. Welcome ka doon—pwede nating paalisin ang caretaker."

 

Inirapan ko na lang siya saka tinalikuran para bumalik na lang sa Arts Room.

 

She's My Sweetest DrugTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon