Chapter 43

5.8K 145 18
                                    

© Shupershimmer

“Ba’t mo ba ako g-in-irlfriend?”

 

“Tinatanong ba ‘yon?”

 

“Oo,” narinig ko ang tawa niya sa phone. “Nacu-curious lang ako kung bakit ako. Bakit sa dinami-dami ng chicks sa school mo, ako pa nakita mo.”

 

“Kasi nga ikaw ang nakita ko,” I replied, not sure with the answer.

 

Tumawa siya. “E, gaano ba katindi ‘yang feelings mo? Explain mo nga.”

 

Hindi ko alam kung ano’ng trip niya, pero gusto ko. Alas-dose na at magkausap parin kaming dalawa sa cellphone. Okay na rin ‘yong tumatagal, para may chance pa akong marinig siya bago matulog.

 

“Basta,”—I sighed—“Matindi.”

 

“Gaano nga?” she giggled, again.

 

“Sa sobrang tindi, hindi na ma-explain,” sagot ko, at hindi siya naka-react. “Sa sobrang tindi, hindi ko na kailangang ulit-ulitin ang three words. Ewan. Sa sobrang tindi, hindi ko ineexpect na sasaya ako sa’yo.”

 

At last, she spoke.

 

“Siguro nasabi mo na ‘yan sa lahat ng ex mo?” she tried to make it sound like a joke. “Memorize mo, e.”

 

“Siguro nga,” sagot ko. “Pero yung sayo lang ang hindi ko mapaliwanag. Kakaiba.”

 

Bigla kaming natahimik na dalawa. Naririnig ko lang ang hiss sa linya naming dalawa, kaya alam kong walang bumaba ng tawag ni isa samin. Hinayaan ko lang yun sa loob ng isang minuto. Iniisip kong kasama ko siya. Magkatabi kami. Yakap ko siya.

 

“Mahal kita,” bulong ko habang nakapikit na. “'Wag mo kong iiwan.”

 

***

Dumilat ang mata ko, na nakatayo sa gitna ng puting corridor, sa gitna ng mga taong naglalakad. I can see nurses everywhere, and patients wearing their dextrose—or whatever they call it. It smells like some kind of medicine. It sucks.

Naglakad ako nang ilang hakbang. Doon ko lang narealize na lahat ng nasalubong ko, tumagos lang sakin—hindi man lang nila ako napansin.

Biglang sumakit ang ulo ko, kaya napahawak ang isang kamay ko dahil sa kirot. May biglang nag-flashback… at pag-alis ko sa kamay ko, nakakita ako ng piraso ng dugo. Saka lang bumalik sa utak ko ang lahat ng nangyari—ano’ng oras na ba? Bakit nandito ako?

“Fuck,” napalingon ako sa likod ko at nakita ko si Peter—kasama si Ully, at Nina—na naglalakad papunta sakin. I ran toward them, but they walked past by me.

She's My Sweetest DrugTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon