Chapter 11

9.9K 147 13
                                    

Guys, paki-click ang external link. Wala lang, gusto ko lang i-share. :)

 

Chapter 11

Medyo tumagal yung byahe ko dahil nangapa pa ako kung ano ang sasakyan ko papunta sa malapit na LRT. Shemay, kung mabait lang si Lawrence baka nagpahatid pa ako! Well, good thing is hindi naman ako naligaw sa area.

Medyo padilim na rin nung naglalakad ako on my way home, pero actually kalilipas lang ng 6 pm. Habang busy ako sa pag-iisip, though hindi ako sure kung nag-iisip ba talaga ako o nakatungo lang sa daanan, bigla kong naalala ang cellphone ko.

Hindi naman sya nawala pero kasi-- basta! Naisip ko lang na baka may text at di nga ako nagkakamali.

From: Brent

Nasaan ka, Darls?

Sa wakas, matapos ang ilang dekada, nagparamdam sya. Syempre namula ako kahit madilim. Pucha, sino bang hindi? Eh ngayon lang uli siya nagtext! Dali-dali ko namang pinindot yung reply at nagtype.

Habang papalapit na ako ng bahay, dun naman ako napahinto sa pagtatype dahil sa nakita ko.

Akala nyo si Lawrence, no? Hinde, si Brent.

"O Brent?" yun agad yung bungad ko kasi naman nakakashock, di ako nainform, "Bakit nandito ka?" todo ngiti pa ko.

Nakaupo kasi sya sa may catwalk na tapat ng bahay namin. Kanina pa ba sya? Dapat yata inagahan ko ng uwi, kaasar! Bakit hindi kasi nagpapasabi na pupunta?

Tumayo sya bitbit sa isang kamay yung green Hawk bag nya, "Gabi na ah, saan ka galing?"

Di naman ako nakasagot, baka kasi magalit sya pag sinabe ko kung saan ako galing. Lumapit muna ako sa gate para buksan.

"Bakit di mo man lang ako in-inform!?" natatawang tanong ko to get out of the topic, "Sana kinatok mo si Mama sa loob para di ka--"

Nabigla naman ako nung naramdaman ko na lang na nakapaikot yung braso ni Brent sa balikat ko--niyakap nya ako. Korni na kung korni pero kinilig talaga ako. The last time na niyakap nya ako e nung monthsary namin last month.

Nakikipag-ceasefire ba sya?! Ha, di nya rin pala ako matitiis eh!

"Brent, baka makita tayo ng nanay ko rito! Baka habulin ka ng walis tambo," bulong ko sa kanya.

"Sorry." tsaka nya ako binitawan.

Humarap ako sa kanya dahil sobrang kakaiba ang sorry nya. Di ko alam kung bakit ako nagdoubt agad sa sorry nya.

"Sorry saan?"

He looked nowhere, "Darls."

She's My Sweetest DrugTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon