Chapter 18

9.2K 137 14
                                    

Dedicated to Marjorie Bulaquena and her boyrfriend Julius Omag. :)

Chapter 18

© Shupershimmer

LAWRENCE’S POV

Kasalukyan akong nagdadrive papuntang Tayuman dahil ihahatid ko si Darla sa kanila. Eto namang katabi ko, kanina pa di umiimik, na-comatose na yata. Di ba siya natutuyuan ng laway? Kung sa bagay, araw-araw naman siyang tumatalak, okay na yung magpahinga siya.

“Kailan ang end ng semester ninyo?” I asked, out of the blue.

Naka-cross arms lang siya habang nakatingin sa labas, “Di ko alam. One month pa.” mahina niyang sagot.

Kumunot ang noo ko, “Anyari sayo?”

Di siya umimik, tapos napangisi ako nang naalala ko ‘yung ginawa ko sakanya kanina sa laro namin. Napailing ang ulo ko tapos tinakpan ko pa ‘yung bibig ko para di niya mahalata ang pagngiti ko. Is that the reason why she’s mute?

“First time mo ba ‘yon?” napatingin siya sa mukha ko pagkatanong ko.

“Alin?”

I focused on the road, “Nung hinalikan kita sa leeg kanina, akala mo ba di ko ramdam na nanlamig ka?” I smirked evilly, “Your hands were shaky. Bakit? Ngayon mo lang ba na-experience or… na-turn on ka lang sa halik ko?”

Di siya umimik, “Gusto mo ituloy natin?” dugtong ko pa habang nakangisi.

I was trying to annoy her, at mukang effective naman dahil nanlaki ang mga mata niya. She even gritted her teeth, and I grinned, realizing she was blushing again. Am I that good kisser? Well, the answer is obvious.

“Ang kapal ng mukha mo, forever.”

I smirked, “Kung ganun, bakit halos bumagsak ka na sa sofa kanina? Haha. Buti na lang nahawakan pa kita sa bewang at di nila nahalata ng iba. Aminin mo na! Magaling ako, di ba?”

Di ko nakita ang mukha niya pero feeling ko, nag-roll eyes siya. Ako naman, hindi parin mawala ang ngisi sa labi ko.

“Okay, aaminin ko.” Napatingin ako sa sinabi niya, “First time ko ‘yon.”

Napataas ang kilay ko habang binabaling ang tingin sa daanan. First time may humalik sa leeg niya? I can’t believe this! Grabe, weak pala si Brentot niya. Ano ba naman ‘yan, boring na syota pala ‘yon tapos iniyakan niya.

Sinarili ko na lang ang nag-pop sa isip ko, “But you liked it, didn’t you?” I teased.

“Ha. Kinikilabutan nga ako, e! Kadiri, nilawayan mo ang leeg ko. May balak ka pa yatang lagyan ng chikinini!”

Humagalpak ako ng tawa sa pinagsasabi niya, “Hahaha! Hoy, sabi sa dare, passionate—bawal ang kiss lang—pasalamat ka nga na-experience mo ‘yun from Master Lawrence!” Ngumiwi siya paglingon ko, “And I don’t like putting kiss marks.”

She squirmed, “Ugh, wag mo nang mabanggit-banggit ‘yan. Gusto ko nang makalimutan!”

“Anyway,” pag-iiba ko, “Bakit ka pala kausap ni Brent kanina? Anong sinasabi niya sayo? Nakikipagbalikan? Nagsosorry? Humihingi ng one last chance? Nangungutang? Humihingi ng autograph ko?”

Huminto ako nang napatingin siya sakin dahil naging sunod-sunod na pala ‘yung pagtatanong ko. I was waiting for her to answer pero may iba pa syang binanggit. Kinwento niyang nagkita sila ni Denise and Brentot sa canteen nila at nakausap niya yung kaibigan niya.

“Sinampal ko kasi si Denise.”

Napaurong ang ulo ko, “Weh? Astig, ha. Marunong ka naman pala sumunod sa mga payo ko.” I chuckled, “So nagagalit siya, ganon?”

She's My Sweetest DrugTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon