Chapter 2

16.5K 229 14
                                    

(c) Shupershimmer

 

"Lawrence, your turn," sabi sakin ni Peter kaya bumalik 'yong ulirat ko sa paglalaro ng billiard. Napahingang malalim na lang tuloy ako. Shit.

Sinet ko 'yong cue stick tapos nag-bend forward para tumira kaso bad shot. Napahampas na lang ako sa gilid dahil ngayon lang ako na-bokya rito.

Narinig ko ang pagtawa ni Ully na may hawak pang alak. "Haha! Mukhang di ka maka-move on sa kotse mo, ah." Pati 'yong iba natawa. Di ba sila nagsasawa? Kanina pa nila ako tinatawanan.

Ininom ko na lang 'yong nakapatong na alak sa gilid. Sino bang di makaka-move on? Sobra-sobra ang kahihiyan ko dahil pinagalitan ako ng janitress na maglilinis sana ng girl's CR kanina sa mall kasi nasa loob ako, tapos pangalawa, pumunta ako sa lugar na 'to na may barag-barag na bintana ang kotse. Ngayon, sino'ng di masisiraan ng bait?

  

"Mayaman naman 'yan," sabi ni Peter kay Ully. "Kayang-kaya 'yan ipaayos ng lolo mo," sabay lingon niya sakin.

"Baka nga ibili pa siya ng bago, eh. Who knows?" Tricia smirked. Ewan ko kung ba't yan nandito. Baka nagpapacute.

"Alam mo kung ako sayo, di mo dapat pinakawalan 'yong bumato," sabi naman ni Ully.

"That was my plan." Nag-gesture pa ko ng kamay. "Eh kaso may pumasok na janitress sa CR, tapos kinagat pa ng babaeng 'yon ang kamay ko." May marka pa nga ng ngipin niya eh. Grabe, daig pa dracula.

"Babae?" nagtinginan sina Peter at Ully. "Sa banyo ng mall?"

"Wait, don't get me wrong. Hinabol ko lang siya do'n, okay?" paliwanag ko. "Mandiri nga kayo."

Tumira muna si Peter bago nagsalita. Shoot. "Wala naman kaming sinasabi, Lawrence." Tumira ulit siya ng isa pero failed.

"Maganda ba? Sexy?" Narinig kong tanong ni Ully habang nagfofocus ako.

Naalala ko 'yong itsura ng babae at nung nagdasal siya. Putek, di ko talaga maiwasang matawa pag naalala ko mukha niya do'n. Napaka-epic kasi.

 "Pwede na," tipid na sagot ko. "But she's not my taste."

"Baka pasok sa taste ko." Tinignan ko lang si Ully habang nginingisian ako na parang aso.

Sinamaan ko lang siya ng tingin tapos naglaro na ulit kami. Syempre, talo ako. First time kong magpatalo. Oo, magpatalo talaga. Sadya ko 'yon. Stressed kasi ako sa nangyari sa sasakyan at di ko alam ang gagawin ng tiyahin ko pag nakita niya 'yon.

Yari talaga ako.

"Will you explain this?" Sigaw ng tita Via ko habang nakaturo 'yong naka-manicure na daliri niya sa bintana ng kotse ko. Sabi sa inyo e!

"May nagbato ng screw driver," simpleng sagot ko.

She's My Sweetest DrugTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon