Chapter 30

7.4K 169 28
                                    

I-add na si Darla sa facebook!
http://www.facebook.com/profile.php?id=100005980275668&fref=ts (or CLICK the external link)

Chapter 30
© Shupershimmer

LAWRENCE's POV

Di ako makapaniwalang nabunot ng emcee ang pangalan ng Catacuts na 'yon. Siguro bente ang nilista niyang pangalan niya para lang mabunot talaga siya? 

Pero halatang-halata naman sa mukha ni Catacuts na tensed siya. Namumutla na nga siya, at hindi mapakali. Parang naiihing ipis na hinampas ng tsinelas. 

"Lawrence, barikadahan mo na si Catacuts," nakangisi si Ully sakin bago niya ininom ang glass ng cola.

Tinignan ko siya nang masama. "I mean, si Darla," habol niya.

This bidding is really weird, and it's my first time to witness such event. Nasa ikatlong babae na ang bidding, at maniwala kayo, o sa hinde, kinabahan ako para kay Catacuts. 

Don't ask me why. I don't know. 

"Naku Lawrence! I-bid mo na ang katawan mo!" nagtawanan sila sa sinabi ni Robert, at di na ko nagreact.

It's Catacuts' turn. I leaned forward against the pale blue table cloth, putting my right elbow on it. 

"Ayaw mong mag-bid?" hindi ko nilingon si Peter. "Baka pagsisihan mo 'yan." 

Nakarinig ako ng mga pagtawa sa mga nasa table ko, pero di ko sila pinansin. I looked at her, but she's looking nowhere.

Tumingin ako sa lalakeng nag-bid ng PSP para i-date si Darla, pero natawa lang ako nang bahagya. 

"Anybody else?" sabi ng emcee. 

Walang sumagot, at tumayo. Nilagay ko ang index finger ko sa babang labi, na parang nag-iisip. At naramdaman ko na lang na sinipa-sipa ni Peter ang paa ko.

"Pre, nag-bid ang ex ni Darla," sabi niya na parang di siya makapaniwala. 

Napatingin agad ako sa ibaba ng stage at nakita ko nga siya. Si Brentot-- ang makapal niyang mukha. 

I grinned sarcastically.

"Oh, someone's getting angry," mapang-asar na sabi ni Ully at nagconcentrate lang ako kay Catacuts.

Kung titignan siya ng mabuti, kitang-kita na gusto niya ng bumaba at maglaho sa ibabaw ng lupa. Who wouldn't feel that way? Walanghiyang ex mo ang gusto kang i-date. Ang tanginang ex. That's bullshit. 

"10... 9... 8..." 

Lahat ng kasama ko, sakin na nakatingin. Pinag-iisipan ko pa kung tama ang nasa isip ko: Paano kung gusto rin ni Catacuts na manalo si Brentot sa bid? Paano kung gusto niya rin? 

She's My Sweetest DrugTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon