Chapter 13

10K 139 5
                                    

Chapter 13

Ilang araw din ang nakalipas mula nang mag-start yung part-time job ko sa pinsan ni Lawrence. Habang tumatagal, nagiging sanay na ko sa kaartehan ng pinsan niya na hirap magsalita dahil sa up and down na brace. Kahit paano, nakakapag adjust na ko sa ugali nilang pareho.

Speaking of Lawrence, hindi ko siya masyadong napansin nung mga araw na nandun ako. Hindi niya na nga rin ako nasundo sa school para isabay sa bahay ng tita niya. Teka! Di naman sa nag eexpect akong gagawin niya yun, ha! Nakakapagtaka lang kasi. Pero okay lang, dahil di niya na ako kinukulit.

Friday ngayon at gaya ng palaging ginagawa ni Denise, umuuwi siya nang mas maaga kesa sakin. Lately, hindi ko na sya nakakausap, ni hindi ko na nga sya nakakasama pag lunch eh. Simula nung nagbreak up kami ni Brent, siya ang gustong gusto kong paglabasan ng sama ng loob pero dahil sa di malamang dahilan, di ko maopen-open sa kanya!

Feeling ko may boyfriend na sya... at ayaw lang ipakilala sakin. Panget siguro? Joke!

"Eula, napapansin mo ba si Denise ngayon?" sabi ko sa isa ko pang blockmate habang nakaupo kami sa gazebo at umiinom ng softdrink para sa merienda.

"Oo naman. Lagi ba naman nating kasama eh, sinong di makakapansin?" binigyan ako ni Eula ng silly smile.

Inismiran ko lang siya, "Di! Di mo ba ako nagets!?" sabi ko, "Hindi niya tayo masyadong kinakausap. Laging umaalis nang di natin alam. Laging... lutang."

"Baka naman adik na yun?" inirapan ko ulit si Eula sa napakawalang kwentang sagot niya. Ano’ng klaseng kaibigan ‘to? Parang walang paki eh.

"Gaga! Wala sa hitsura niya ang nagdadrugs! Sa hitsura nyang yun, baka nga di niya alam ang meaming ng shabu."

She involuntarily shrugged, “Malay. Hayaan mo na, malapit na kasi ang finals kaya busy lahat, di nakakapagbonding at di nakakapaglakwatcha.” Nagkamot siya ng batok na parang gusto niyang i-drop ang topic, “So, kumusta na nga pala yang part-time mo? Okay naman ba? Di ba hassle sa schedule?”

I smiled, “Hindi naman. Keri pa naman ng powers kong magturo.”

Gaya ng pagkaubos ng softdrink ni Eula, naubusan na rin siya ng sasabihin kaya yung simoy na lang ng hangin ang naging background music namin. Kung tutuusin kasi, napakatahimik niya talagang tao. Isang beses magrecite sa buong araw at minsan, mas malala pa eh yung isang tanong isang sagot lang siya. Though, alam niya namang nagbreak kami ni Brent. Sinabihan niya pa nga akong engot dahil iniyakan ko pa raw!

Nagtaka naman ako nung tumayo siya at sinabit sa balikat ang bag, “Oy, saan ka?” tanong ko.

“Library.”

Tumango lang siya as goodbye tapos tinalikuran na ako. Inubos ko lang yung inumin ko saka bumalik sa building ng college namin para mag-cr sa third floor. Feeling ko kasi, maiiihi ako mamaya sa byahe! Pumasok ako ng cubicle, tapos umupo sa trono nang may narinig akong nagsalita sa labas.

“Yes, baby, nasa CR lang ako. Ang tagal mo kasing lumabas.” Dinig na dinig yung boses niya dahil for sure, kaming dalawa lang ang tao. Nakikinig lang ako nun at sinadya ko talagang makinig dahil… trip ko lang.

She's My Sweetest DrugTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon