Chapter 36

6.7K 147 21
                                    

Chapter 36
© Shupershimmer

It’s been a week mula no’ng naki-stay in si Lawrensha sa kwarto ko—unexpectedly. Fortunately, walang nakakita sa kanya, at pagkagising ko no’n, tulog na tulog siya habang nakadapa pa. Ginising ko lang siya no’ng nang wala na sina kuya at mama, bandang 9 am. Kumain lang siya sa bahay, at umuwi na rin.

“Wit talaga? As in kiss lang ginawa ninyo?” pangungulit ni Josh sa’kin habang nasa kwarto kami.

Siya yung bading na maton na pinagselosan ni Lawrence dati—nakita niya raw na nagyakapan kami. Tinutulungan ko kasi siyang mag-paint ng letter cut-outs para sa isang event ng pamangkin niya.

Umiling ako. “Wala nga.”

“Ngek,” umismid pa siya. “Akala ko naman meron na. Sayang! Di mo dapat pinalagpas ang opportunity!”

“Hinaan mo nga ‘yang boses mo,” natatawang sabi ko. “Baka mamaya may makarinig, e.”

“Duh. Wala namang tao,” hinipan niya ‘yong isang letter para matuyo. “Good kisser ba siya, Darla? What can you say?”

Umakyta bigla yung init sa mukha ko, sabay ngiti na hindi ko napigilan. Kanina pa siya nagtatanong kung ano’ng feeling, kung nag-enjoy ba ‘ko, at kung bakit walang nangyari. Utang na loob.

“Tigilan mo nga ‘ko sa mga tanong mo.”

Tumili siya pero ipit. “Ga’no ba katagal? Alam mo nung makita ko ‘yon, ang hot niya talaga! Ang swerte mo nga, e.”

“Hala, minamanyak mo ba jowa ko?” tinaasan ko siya nang kilay.

“Ang gwapo kasi!”

“Sorry ka.”

Katahimikan. Habang dini-dip ko ang thin brush sa red paint, biglang tumunog ang cellphone ko—hindi na Dalandan ang ringtone ko, okay? Iba na.

I picked up. “Yes, how may I help you?”

Narinig ko ang mahinang tawa ni Lawrence sa kabilang line. Tipong galing lang sa lalamunan niya, at di kailangang bumuka ang bibig.

“May ginagawa ka ngayon?”

“Hm, meron.”

“Jowa mo?” mahinang tanong ni Josh sakin kaya tumango ako.

“Ano’ng ginagawa mo?” he breathed. “May kasama ka? Nasa’an ka ngayon?”

Ngumiti ako nang bahagya. “Sa kwarto ako. Kasama si Josh.”

I grinned and I heard his quiet curse. Kinagat ko na lang ang labi ko para di niya mahalatang natatawa ako sa reaksyon niya. Bakit ang cute ng mga lalake pag naasar, o nagseselos? Pero pag babae, vice versa?

She's My Sweetest DrugTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon