Chapter 25

8.1K 141 21
                                    

Chapter 25
(c) Shupershimmer

LAWRENCE’S POV

 

Lagpas na ang ten minutes pero pakiramdam ko, hindi pa sila tapos sa usapan. Nasa isang bench lang ako, at naglalaro sa cellphone ng 8 Ball para kung sakaling magtetext si Catacuts, edi malalaman ko.

Sa totoo lang, sumunod talaga ako sa exhibit—but I am not a stalker, please. How? Nabasa ko sa facebook niya. I mean, nabasa ko sa newsfeed ko, at dahil mabait ako, hindi ko siya tinext o tinawagan na pupunta ako. Sinuwerte lang talaga ako dahil uncle ni Ullyses ang isa sa founder ng exhibit kaya libre kami.

Perks of being friends with Ully.

Sa kalagitnaan ng pagsho-shoot ko ng bola, nag-appear sa screen ang Swipe the Screen to Answer. Nakita kong tumatawag si Catacuts, na may picture niyang ninenok ko lang sa jejedays niya sa fb, kaya sinagot ko naman.

“Oh.” Sagot ko.

“Nasaan ka?”

Matamlay ang tanong niya pero hindi ko pinansin, “Sa bench.”

“Psh, maraming bench dito.”

Di pa ako nakakasagot, binaba niya na agad ang tawag at nakita ko na siyang naglalakad sa harap ko. In-exit ko na ‘yung game sa phone ko tapos binulsa sa pants. Balak ko pa sanang paupuin siya saglit kaya lang tumayo ako nang makita ko ang itsura niya.

Well, wala namang bago sa physical features niya—nakakagigil parin siya—pero namumula ang mata niya, at medyo magulo ang buhok niya, at may mga nalaglag sa pagkaka-pony tail. Babae ba ‘to?

“Iniwan lang kita kay Denise, umiyak ka na?” sabi ko sa kanya.

Hindi siya tumingala sakin, instead, nakatingin lang siya sa collar ng damit ko, at halatang ang daming laman ng utak niya. I wish I belong to her thoughts.

“Hindi ako umiyak, tanga,” she mumbled, and laughed, “Tara, umuwi na tayo.”

“Hindi raw…” bulong ko.

Hindi na siya sumagot kasi yumuko na siya, tipong hindi ko nakikita ang mukha niya. That’s the time, I realized she’s crying. Hindi naman ako nakagalaw agad—hindi ko alam kung ano’ng iniiyak niya. Hindi ko alam kung ano’ng napag-usapan nila nung Denise. Ayoko namang itanong dahil wala ‘yun sa monkey business ko.

“Hay,” naiinis na sabi ko, “Ang kulit mo kasi, sabi ko umuwi na tayo, e.”

Again, hindi siya nagsalita.

I deeply sighed, “Simula nung nag-usap tayo sa Rec Room, binigyan ko ang limits ang sarili ko. (1) bawal kitang hawakan, (2) bawal kitang halikan, (3) no hugs, and (4) there should be a distance between us. Pero dahil hinawakan kita kanina para hilahin sa kainan, at nate-tempt akong yakapin ka—“

She's My Sweetest DrugTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon