Chapter 12

9.9K 165 5
                                    

Chapter 12

DARLA's POV

Papunta na ko ngayon sa bahay ng tita ni Lawrence. Well, ayokong sabihin na 'bahay ni Lawrence' para 'di masagwang pakinggan. 

Monday kasi ngayon and my duty begins. Buti na nga lang, nakatapos ako ng isang plate kaninang break kaya wala na kong poproblemahin mamaya. Palapit na finals e!

Kung nagtataka kayo na bakit mag-isa ako at walang maghahatid sakin, ginusto ko 'to. Actually, nagtanong pa si Lawrence sa text kung kailangan ko sya-- shet, yun talaga ang term nya! Pero sabi ko, wag na. 

At mahiwagang 'okay' lang ang nireply! Kaya hindi ko sya makasundo e. 

Di naman sa nag-iinarte ako, kaya lang, mag-iinarte na talaga ako. Eh kasi naman! Nahihiya akong magpakita sa kanya after nung pinaggagagawa kong iyak sa tawag! God, of all people, siya pa. Si Lawrence pa ang nakarinig. Nasusuka ako pag nagpa-flash back sa utak ko!

Pagdating ko, medyo hinarang pa ko nung guard sa gate ng village. 

"Darla Catacutan, sir. Bagong tutor sa pinsan ni Lawrence..." tae? Ano ba apelyido nila?!

"May authorization ka po ba?"

Kinabahan ako. Pucha, may ganito pa pala dito! Bakit nung hinatid ako ni Peter dati, mabilis lang. Nakakaloka, ha. Daming alam.

"Ha? Authorization?" namumutla na ako dito oh.

"Oo, galing sa amo. Dapat po nanghihingi ka ng ganun." sabi nya sakin.

I snarled inwardly, "Manong! Di mo ba ako naaalala!? Kagagaling ko lang dito last week!"

Umiling siya. 

"Miss, ang kilala ko lang e yung mga nakatira sa loob."

Bumagsak nang kusa yung mga balikat ko. Shet. Patay tayo nito! Ano na gagawin ko? Kung alam ko lang na ganito pagdadaanan ko, sana sumama na lang ako kay Lawrence. 

"Ba't kasi may paganyan-ganyan pa," bulong ko pero narinig ata ng guard.

"Pasensya na Ma'am, bagong rule po yan dito. Kaninang tanghali lang."

What?! Sira ba tong kausap ko? Pambihirang rule 'yan!

"Sus! Ba't di nyo nalang po pinagpabukas!?" edi sana nakapasok na ko at di nakatanga dito!

Di na ako pinansin nung guard dahil nagbukas siya ng gate para dun sa paparating na kotse. Napadabog akong di oras at dinukot ang cellphone para sana itext si Lawrence pero natigil ako nung nagsalita si Manong.

"Miss, pumasok ka na." 

"Weh?!"

Napangiti ako nun, tapos dumaan ako sa gate na pang-tao lang at naglakad sa sidewalk ng village. Habang naglalakad ako, nawirduhan ako sa kotseng nasa bandang gilid ko, though mas nauuna ako. Ito yata yung kotseng pinagbuksan ng guard ng gate.

"Ba't ang bagal nito magdrive?" bulong ko habang nakatingin sa dinadaanan ko. 

Binilisan ko ang paglalakad pero sinusundan lang talaga ako ng sasakyan. Ayoko pa namang lumingon! Baka, sagasaan ako. Sus, mahal ko pa buhay ko kahit galing ako ng break up.

Pagdating ko sa tapat ng gate, magdodoorbell pa sana ako nang biglang bumusina nang bonggang-bongga yung kotse sa tapat. Shit! Ang sakit sa tenga!

"Pota naman e, feel na feel yung busina!" malakas na bulong ko pero pagkalingon ko para sana tignan nang masama yung driver-- kung sino man sya-- dun ko narecognize kung sino nasa loob.

She's My Sweetest DrugTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon