Chapter 23

8.3K 163 14
                                    

Chapter 23

(c) Shupershimmer

LAWRENCE'S POV

"Engot! Hindi ganyan ang kamay! Ipaikot mo yung index finger, 4 inches mula sa dulo."

Inayos ko pa yung daliri ni Catacuts na akala mo ngayon lang nadiscover ang billiard. Minura niya pa ako dahil sinigawan ko siya malapit sa tenga. Napaka-engot naman kasi, para yun lang, di pa maayos. 

"Wag mo na akong turuan kung labag din sa loob mo." sabi niya habang sinisiko ako. 

She's trying to get off my embrace. Yes, I call this embrace; kung hindi, ano ba dapat? Nakapaikot ang isang kamay ko sa likuran niya para alalayan ang paghawak niya ng stick, hindi ba yakap yon? Unique nga lang.

"Alam mo bang malaking turn-on sakin ang babaeng magaling?" napalingon sa mukha ko sa Catacuts sabay taas ng kilay, "Magaling sa billiard, I mean."

I grinned mischievously as she faced me, a bit apart.

"Walang nagtatanong," sagot niya sakin, habang sinisentro ko yung pagtutok niya ng stick sa cue ball.

"Atleast, may idea ka na kung paano ako... well, mapapamangha."

Tinira niya ang bola without waiting for me to say so. Ayan tuloy, dumaplis lang at nagpagulong-gulong ang blue-striped. 

Umalis siya sa hawak ko at humakbang palayo, sign na hindi ko na kailangang hawakan siya nang ganoon. Naiilang ba siya? She's the only girl who insists to be away from me. I don't know what to think; kung di ba talaga siya sanay sa ganun, o iniiwasan niya lang kiligin kaya ayaw niyang malapit ako.

I grinned at the silly thought. 

Habang naglalaro kami, di ko maiwasang kulitin siya kung ano ang pinag-usapan nila ni Brent kahapon, at pinagpipilitan niyang wala silang pinag-usapan.

Syempre, di naman ako pinanganak kahapon para maniwala.

"Who broke the ice?" dagdag ko at umismid na lang siya.

"Siya."

"How?"

I glanced at her, as she bends her body forward against the green table. She has indeed feminine body, but I tell you, not all men would wish for it. Ako lang yata sa lahat ng nakilala niyang lalake ang nakaisip na... may katawan siya.

Siguro naman pati si Brent, pero mas sexy si Denise, and I have no doubt about it.

"Tinanong niya lang kung saan ako galing dahil gabi na," simpleng sagot ni Catacuts, "Alam niya kasi yung oras ng uwi namin."

"Did you like it?" usisa ko habang nagbebend, "Na nagkita ulit kayo?"

"Ewan."

"Bakit ewan mo?" I frowned in curiosity.

Tumigil muna ako sa paglalaro lalo na nang makita ko yung expression sa mukha niya. Di ko alam kung may gusto siyang sabihin pero ayoko namang i-insist. Ni hindi ko nga alam kung ano ako sa kanya, e, bakit ako makikialam?

"Natatae ka na ba?" 

I spoke out of the blue, to lighten her up. Ayun, binigyan niya ako ng poker face.

"May gusto lang akong itanong, Lawrence, sana naman makakuha ako ng matinong sagot sa'yo." seryosong sabi niya.

"Shoot it." 

"Nakikipag-flirt ka lang sakin, diba?" I was caught off-guard by her question, "I mean, alam mo naman sa sarili mong... fling lang 'to. Na ang anumang sinabi mo sakin, kaya mo ring sabihin sa ibang tao. Kung sasabihin mo sa'kin ang totoo, hindi ako magagalit."

She's My Sweetest DrugTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon