Chapter 27

7.7K 148 11
                                    

Chapter 27
© Shupershimmer

DARLA’s POV

Balik klase na ulit ako, though, wala naman na talagang ginagawa at sa tatlong subject ko ngayon Lunes, iisang professor lang ang masipag na nagturo. Mas gusto namin ‘yun. Pure petiks na talaga.

Walang stress. Walang pressure. Walang surprise quizzes.

Sa subject na ‘to, magkatabi kami ni Denise. I have no choice. Strict ang prof sa seating arrangement at hindi naman ako pwedeng lumipat. Magmumukha lang akong bitter sa harap niya, no.

Ang awkward lang na magkatabi ang upuan namin. Magkatabi kami. Pakiramdam ko nga ito yung araw ng first class nung first year ako kasi hindi kami nag-uusap. As in hindi talaga.

Wala na rin akong ganang kausapin pa siya.

 “Class dismissed.”

Nagkanya-kanyang tayuan na kami, at isa ako sa mga mabilis na lumipad palabas ng classroom dahil baka yayain na naman ako ni Denise na mag-usap or what. Wala na rin naman akong magandang sasabihin sa kanya. Not now.

Saglit lang akong nagpaalam kay Eula dahil papunta siya sa Student Council Office—as our block President—dahil papalapit na ang year-end party ng College of Fine Arts. This Friday.

Pagbaba ko ng hagdan, napatigil talaga ako sa nakita ko—I guess, pati oras.

Nakasandal si Brent sa brick wall ng building namin, nakayuko, at suot sa dalawang balikat niya ang strap ng Hawk bag niya. Ang initial reaction ko, e, umakyat pataas ulit. Kaso parang engot lang. 

Bakit ako magtatago?

Inexpect kong si Denise ang kailangan niya—na baka kakausapin niya—kaya nagdire-diretso lang ako ng lakad na parang langaw lang siya na di ko kailangang pansinin. Pero saktong-saktong pagdaan ko, bigla niyang hinila ang tela ng bag ko.

Palagi niyang ginagawa ‘yun kapag tinatawag ako.

Tinignan ko siya—expressionless look—tapos hanggang sa nagsalubong na lang ang kilay ko. Binitawan niya ang bag ko, sabay nag-sorry nang nakangisi pa.

“Pababa na si Denise.” Sagot ko na parang wala lang tapos naglakad na ulit ako.

Again, hinila niya ulit yung bag ko nang mas malapit sa kanya tapos napatingin ako sa paligid ko. Sakto namang kababa lang ni Denise sa hagdan.

She saw us, but ignored. Hindi nagsalita si Brent hanggang sa makalayo si Denise, pero nakatingin siya sakin.

“Uuwi ka na ba?” casual na tanong niya.

My subconscious raised an eyebrow, “Bakit?”

Ngumiti siya, “Ihahatid kita.” napaisip pa siya nang konte. “Ah, nagtu-tutor ka pa rin ba?”

She's My Sweetest DrugTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon