First Case:
Revelation through the mirror
Victorique
Halos hindi kami makapaniwala sa nakita namin, nakahalandusay si Mr. Perez. Tinapon ang mga lamang loob niya sa paligid, sinaksak ang mga mata at nakahalandusay siya sa sahig na nasa harap ng isang malaking salamin. Oh my gosh.. too grosteque.“Stand back!” Utos ni Lyric na kaagad kinuhaan ng litrato ang buong kwarto.
Pumasok naman si Cyanide na may face mask at gloves habang napatingin sa buong paligid bago parang may drinaw sa sahig gamit ang isang malachalk.. woah.. a live investigation!
“The murder weapon’s a knife from the party,” Saad ni Cyanide at nilagay doon sa isang malaplastic container ang kutsilyo.
“S-Sino ang pumatay sa kaniya?!” Natatarantang tanong naman ni Mr. Villanueva.
“I should ask the same question to you,Mr. Villanueva!” Namutla naman ito sa sinabi ni Lyric “You’ve entered this room,right?”
“But it wasn’t me!” Giit niya.
“Don’t be ridiculous, I am not saying that you killed him. I’m just asking you..” Kalmadong tugon ni Lyric at ngumiti “Try to relax a little bit.”
May maliit naman na hologram na nag-appear mula sa wristwatch niya na parang inii-scan ang buong lugar, wow! Gadgets!
Napakunot siya ng noo “No fingerprints or handprints aside from Mr. Perez.”
May nakita naman na liham si Cyanide “A note..”
Lumapit naman ako at tinignan ito “What the..”
Nakasulat ito sa dugo habang pamilyar ang handwriting na ito. Tsk, this is getting a bit confusing..
‘You’re nothing but a caged bird who managed to escape; not knowing anything about the cruel world you’re heading to. You won’t last long.. wind will blow you down the ground, you’ll be devoured, you’ll drowning, you’ll break your wings.. no matter what happens, a caged bird will be forever a caged bird.’
Medyo sumasakit na ang ulo ko sa mga nababasa ko, pagulo nang pagulo. Chineck naman ito ni Lyric at napasinghal bago tignan ang tatlo naming pinaghihinalaan na suspect.“Please wait for the two of us, we’ll be investigating for a while.” Nakangiting saad ni Lyric.
May inilabas na folder si Lyric, mukhang napaghandaan niya talaga ito ha.
“Buti na lang at dinala ko ang informations na nakalap ko tungkol sa kanilang tatlo!” Nakangiti niyang saad bago biglang sumeryoso ang ekspresyon niya “Pero mukhang kailangan namin ni Cyanide na mainterrogate ang tatlong iyon.”
“A-Ano ang maitutulong ko?” Tanong ko sabay tinuro ang sarili ko.
Napahawak naman siya sa baba niya na parang nag-iisip “Hmm, let’s see.. how about investigating around the cruise ship? Mukhang tulog pa din naman ang mga tao at tayo-tayo lang ang gising kaya feel free to wander around..”
“Okay then,” Tugon ko at lumabas na ng kwarto.
Unang pumasok sa isipan ko ay si Shiusa, nasaan na kaya siya? Totoo ba iyong sinasabi ni Lyric na basang-basa ng dugo si Shiusa? Hindi ko mapigilan na mag-alala para sa taong iyon, kaagad naman ako napaikot sa cruise ship na ito. Kailangan ko siyang mahanap..
BINABASA MO ANG
Hope's Final Destination
FantasyHope is harmony while despair is chaos. Their last resort will be Hope's FINAL DESTINATION. {Mystery/Thriller / FANTASY / Psychological / Sci-fi } ©JayeSix for the cover