Chapter 48

45 3 15
                                    

「 Phantom of Demise’  Awakening 」

Lyric







"Lyric, please don't go at Neon's room.. okay? If you want to be the same Lyric like you used to, don't step inside that place."








Bakit niya iyon sinabi? Ano ba talaga ang nangyayari na hindi ko alam? May tinatago silang lahat at kahit gawin ko ang lahat para malaman iyon.. pilit na itinatago sa akin ang katotohanan.







“Sorry,Spade..” Bulong ko at tumayo na sa sahig na kinauupuan ko “Pero kailangan kong malaman ang mga tinatago ninyong lahat.”






Nagtungo naman ako paakyat doon sa kwarto ni Neon, sigurado akong nasa itaas iyon. Naaalala ko pa din naman ang lahat ng nasa lugar na ito kahit papaano.. besides, I am  a member of the cult a few years ago and one of the known member.




“Ate?” Bulong ko nang makita ko sila.



Rinig ko ang pag-iyak ni Victorique habang sinisigaw ang pangalan ni ‘Shiusa’, napakasakit lang. I like her and seeing her sad hurts me a bit.. especially when it’s because of that annoying rabbit. I never liked him anyway..



Napatingin ako sa kwartong sinabi sa akin ni Spade. Sabi niya na huwag ko daw itong puntahan but something’s wrong.. I can sense something in this place. Pagpasok ko naman ay unang napansin ko ang isang napakalaking salamin. What’s this?





Hindi ko alam kung bakit ngunit naglakad ako papunta sa salamin, pero halos kilabutan ako sa nakita ko. Ang nasa nakikita ko na repleksyon ng salamin na ito ay isang lalaki. Kulay puting buhok na may pulang highlights, nakasuot ng pulang trench coat at may dilaw na mata. Tulad ng paglalarawan ni Victorique..





“P-Phantom of Demise?!” Sigaw ko naman at kaagad na linabas ang katana ko.





Nakatingin lang sa akin ang Phantom of Demise sabay napabuntong hininga. Ano ang ibig sabihin nito?!


“This is too bothersome,” Saad naman niya habang nakatingin sa akin “You’re too boring.”

“B-Boring?” Patanong na saad ko naman.

“Indeed, why am I even created to be your alter ego?” Sambit niya at napairap naman “I’m way better than you, Lyric Kirigiri.”




Wait, hold it. Anong pinagsasabi ng gagong ito? Alter ego? Ulol ba siya?! Anong pinagsasabi nito?!






“Don’t look at me as if you caught me lying, I’m telling you the truth.” Napaatras naman ako at ngumisi siya “It’s a great thing that Neon ordered that sister of ours to find someone with the ability to make someone else’s persona to see them.”

“P-Persona?!” Gulat kong tanong.

“I’m a repressed persona of yours,Lyric Kirigiri..” Saad niya at laking gulat ko nang nakalabas siya ng salamin “But not anymore!”





Hindi na ako nakaaksyon pa mula nang makita kong sinasakal niya ako, walang ekspresyon ang lalaking ito na pinagpipilitan na ‘persona’ ko. Masyadong malinaw ang kulay dilaw niyang mga mata na nakatingin sa akin..







Hope's Final DestinationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon