「 Phantom of Demise’s real identity 」
Third Person
NAKARATING naman sila kaagad sa harap ng tinuturing na kastilyo ni Neon, napakalawak nito at napansin naman nila na may mga papunta sa kanila na kawal ni Neon.
“So.. what now?” Tanong naman ni Lyric sabay napatingin kay Rinrin “Ate! I miss you!”
Niyakap naman niya bigla si Rinrin at napangiti nang malapad habang napabuntong hininga na lang si Rinrin sa inakto nito. Hinayaan na lang niya ang kapatid niya, napangiti naman si Victorique sa nakikita niya.
“Well, you’ve finally hugged your sister.. what’s next?” Tanong naman ni Shiusa in a bored tone “The two of you can’t be hugging each other on a scenario like this.”
“Hey,Shiusa~ Don’t be like that!” Sita ni Zion sa kaniya.
“Tch.”
“Too cold~” Biro ni Zion sa kaniya at ngumiti “Don’t worry, I’ll stop them.”
“Me too..” Saad naman ni Justin at tinignan si Rinrin “Rinoa, let them do their jobs..”
“Eh?! I want to come with them!” Napapout naman si Rinrin.
Justin glared at her “Stop your childish acts right now.”
“Gusto mo lang ako makasama eh!” Sambit naman ni Rinrin.
“Oo nga! Trying to steal my sis away from me right now!” Pagsang-ayon naman ni Lyric na nakayakap pa din kay Rinrin.
Napansin naman nila na parang naiinis na si Justin sa inaakto ng magkapatid kaya napachuckle na lang si Rinrin at kumalas sa pagyakap kay Lyric na napascoff at tinignan nang napakatalim si Justin.
“Looks like I have to be with Justin for now~” Nakangiting saad ni Rinrin sabay hinawakan ang kanan na kamay ni Lyric “Lyric, please do what’s right.. okay?”
“Huh? ‘Di kita maintindihan.” Sabi naman niya at napakamot sa ulo.
“Just.. don’t interfere with things that you shouldn’t..” Saad naman ni Rinrin sabay ngumiti sa kaniya “Ayaw mo naman siguro maulit ang mga nagawa mong mali noon di’ba? I’m counting on you,Lyric.”
Napatigil naman si Lyric sa narinig niya at tinignan si Rinrin na nagtungo na sa tabi ni Justin kaya napascoff na lang siya at tinignan si Shiusa at Victorique.
“Tara na?” Tanong naman ni Victorique.
“No.” Napatingin silang dalawa kay Shiusa “Mauuna na ako.. tatapusin ko na ang kalokohan ni Chesire.”
“P-Pero..” Napatungo na lang si Victorique kaya tinignan naman siya ni Shiusa na mistulang nagtataka bago hawakan ang kaliwang pisngi gamit ng isa niyang kamay sabay inangat ito.
Pinitik ang noo niya ni Shiusa “Aray!”
“There, there.. seems like you’re a bit emotional. Think about the humanity before yourself.. I’m counting on you,” Saad ni Shiusa at ngumiti nang tipid bago hinawakan ang dalawang kamay niya “Meeting you is noteworthy.. thank you for everything,Victorique.”
“Shiusa, inaantay ko pa din ang sagot mo!” Sigaw naman niya.
Napatango na lang si Shiusa bago nagtungo sa loob nang sobrang bilis, napatingin si Lyric kay Victorique at napasinghal. Hinawakan na lang niya ang kamay ni Victorique at pilit na ngumiti.
BINABASA MO ANG
Hope's Final Destination
FantasiHope is harmony while despair is chaos. Their last resort will be Hope's FINAL DESTINATION. {Mystery/Thriller / FANTASY / Psychological / Sci-fi } ©JayeSix for the cover