Continuation..
Vhong's POV
Sa pagdadrive ko bigla na lang nadaanan ang Red Crab bigla kong naalala na dito kami unang kumain ni Anne kasama ang ST fam. noon,naalala ko rin inaasar pa nila ako kay Anne,bigla na lang akong napangiti bigla ko tuloy namiss si Anne.Napagpasiyahan kong pumasok sa loob gusto ko lang makita kung ganun pa rin ang itsura nito,at para kumain na rin namiss ko 'to sana kasama ko si Anne siguradong matutuwa rin yun...
Pagpasok ko ibang-iba na mas gumanda na,biglang may waiter na lumapit.Sir,Welcome to Red Crab,table for how many sir.?tanong sakin nung waiter
Ah,gusto ko sana dun.sabi ko at tinuro ko yung inupuan namin dati,yung pito kami kaso ngayon ako lang mag-isa,halata namang nagulat yung waiter kasi table for 8 yun pero ako lang naman mag-isa.
Sige po sir. pls. follow me.sabi nung waiter at naglakad na papunta sa table na tinuro ko,pagka-upo ko ay tinanong na niya ako kung ano ang order ko muli ay inorder ko ang pagkain na inorder ko dati ng kumain kami dati,Ahhhh.. I miss you my Annie Im sorry!hay naiiyak nnman ako,pinunasan ko ang luha ko at dumating na ang order kO.
Sinimulan ko ng kumain habang inaalala ang mga nangyari nung huli kaming nagpunta dito,minsan ay napapangiti na lang ako bigla,minsan naman ay naluluha ako dahil naaalala ko ang mga nangyari kanina.Di ko napansin ang oras,5:00 na ng napagpasyahan ko ng umuwi baka nag-aalala na si Anne,hay Sana lang talaga.
Pagdating ko samin ay dumiretso na ako sa kwarto namin ni Anne,hinahanda ko na ang sarili ko sa paghingi ng tawad sa mga nasabi ko kay Anne.Pagpasok ko sa kwarto namin wala si Anne,tinignan ko sa CR pagbukas ko ng pinto ay nagulat ako sa nakita ko.Nakahandusay si Anne sa lapag at walang malay dali-dali ko siyang binuhat at lumabas papuntang kotse,dadalin ko siya sa Hospital...
Habang nagdadrive ako di ako mapakali,ano bang nangyari kay Anne.Naiiyak na ako paano kung kanina pa siya dun,baka kung ano ng mangyari kay Anne,di ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyaring masama sa kanya...
Maya maya ay nakarating na kami sa hospital,dali-dali ko siyang binuhat at dinala sa emergency room,sinalubong naman ako ng isang nurse at tinanong kung ano ang nangyari.Nakita ko siya na walang malay sa CR hinimatay ata siya,please gawin niyo ang lahat para maging okay siya. sabi ko sa nurse na naluluha at nagmamakaawa na pagalingin si Anne,dumating na ang doctor para i-check si Anne,dinala si Anne sa isang private room pagkatapos..
Pinapasok ako ng isang nurse at nakita ko si Anne na nakahiga at may nakakabit na dextrose,nakita ko rin ang doctor.Agad ko siyang tinanong.Doc kamusta po okay lang po ba si Anne?tanong ko sa Doctor.
Okay na siya,kaya siya hinimatay ay dahil sa stress at hindi kumain sa tamang oras,Medyo malakas siguro ang pagbagsak niya sa sahig kaya nagkaroon siya ng malaking pasa sa braso at mukhang tumama rin ang ulo niya kaya matagal-tagal pa siya magigising siguro bukas pa.mahabang paliwanag ng doctor.
Ganon po ba doc,salamat po.sabi ko at lumabas na rin ang doctor.
Lumapit ako kay Anne,at naluha nanaman ako,hinawakan ko ang kamay niya at kinausap siya..
Babe,I'm really sorry sa lahat ng nasabi ko na nasaktan ka,gusto ko lang siguro na naka-sentro lang lagi yung atensyon mo sakin,di ko naisip na pagnagka-anak na tayo,hindi na tulad ng dati na ako lang ang iniintindi mo,pasensya na sa sobrang seloso ko ay nasasakal ka na.Mahal na mahal lang talaga.I love you and I miss you babe.😔pagkatapos kong sabihin yon hinalikan ko si Anne sa noo.Gaya nga ng sabi ng doctor bukas pa siya gigising,tumawag ako sa bahay at nagpadala ako ng damit ko at damit ni Anne,sinabi ko na rin sa mga anak ko ang nangyari sa mommy nila,pupunta rin sila mayamaya..
Paglipas ng 30 mins ay dumating na ang mga bata kasama ang yaya nila at ang driver namin...
Daddy,ano pong nangyari kay mommy?tanong sakin ni Fenech,lumapit naman si Gianne sa Mommy niya.
Napagod lang si Mommy kaya She passed out,but okay na si Mommy.
sabi ko kay FenechDaddy,kailan gigising si Mommy,I want to ask her if she really okay.tanong ni Gianne sa akin.
Baby sabi ng doctor bukas pa magigising si Mommy,pero okay na si Mommy,baka bukas nasa bahay na kami,kasama ko na ang mommy ninyo,wag na kayong mag-alala aalagaan ko ang Mommy niyo,sige na mga anak uwi na kayo gabi na rin may pasok pa kayo sa school bukas.sabi ko sa kanila at binilin ko na ang lahat na gusto ko.
Daddy promise me pag-uwi niyo po bukas kasama niyo na si Mommy.sabi ni Gianne
Oo baby Promise✋sige na Yaya kayo muna bahala sa bahay,alagaan mo mabuti si Fenech,Si Gianne patulugin mo ng maaga,sige na lumakad na kayo,kuya Mark ingat kayo ha.bilin ko sa kanilang lahat at umalis na rin sila.
Ngayon ako na lang mag-isa dito hawak hawak ko lang ang kamay ni Anne at tinititigan ko lang sila,naiiyak nanaman ako,hay pagod na ako at inaantok,kaya yumuko na ako sa higaan ni Anne at natulog na habang hawak ko pa rin ang kamay ni Anne...
Magigising na kaya si Anne...
To be Continued..
-Author😊
BINABASA MO ANG
Crush kita Matagal na BOOK 2 <[Completed]>
FanficHi,Im back!!! eto na may BOOK 2 na????.Pls. Read and don't forget to Vote,and Comment your thoughts about my Chapters???? -PS. Wag babasahin pag di pa nababasa yung BOOK 1 para di kayo malito????