Kinabukasan..
Anne's POV
Nagising ako dahil nakaramdam ako ng gutom,naramdaman kong may nakahawak sa kamay ng tignan ko nakita ko si Vhong na tulog na tulog habang nakahawak sa kamay.Stress na Stress ang mukha niya,bigla akong naawa sakanya pero masama talaga ang loob ko sa kanya,bumalik tuloy ang mga sinabi niya sakin,ang sakit sakit,naluha nanaman ako,bumitaw ako sa pagkakahawak niya sa kamay ko para sana punasan ang luha ko kaso bigla siyang nagising naku nakita niya akong umiiyak,mukhang kukulitin ako nito.
Babe,gising ka na pala sana ginising mo ako okay ka lang ba may masakit ba sayo,bakit ka umiiyak,Is there Something wrong?sunod-sunod niyang tanong sa akin,tinignan ko lang at tinalikuran siya,baka kasi maawa nanaman ako sakanya at patawarin ng ganon ganon lang.
Vhong's POV
Bigla akong nagising ng naramdaman ko ang kamay ni Anne na gumalaw,pagdilat ng mga mata ko ay nakita ko siyang umiiyak,napabangon agad ako at tinanong ko siya kung okay lang ba siya kung wala bang masakit sa kanya at kung bakit siya umiiyak,ngunit tinignan lang niya ako ng walang emosyon at bigla akong tinalikuran,nasaktan ako sa pagtalikod niya sakin,naluha na rin ako,di ko alam kung mapapatawad niya ako agad,sa bahay ko na lang siya tatanungin tungkol dyan,Sana ayos lang siya.Bigla namang may kumatok sa pinto at dumating ang isang nurse at doctor..
Oh,nagising na pala siya,Miss Anne okay na ba ang pakiramdam mo,hindi ba sumasakit ang ulo mo,tanong ng doctor kay Anne.
Okay na po ako doc,pwede na po ba akong lumabas dito.sabi ni Anne sa doctor.
Kailangan ka pa naming obserbahan,pag okay ka na talaga baka makalabas ka na mamaya.sabi ng doctor.
Ganon po ba,ah doc ano po kasi nagugutom na po ako.nahihiyang tanong ni Anne sa doctor,kinagulat ko naman iyon dahil nagugutom na pala siya di niya manlang sinasabi sakin,ganon na ba niya ko kinakalimutan.nagulat din naman ang doctor sa tanong ni Anne
Ah ganon ba miss Anne,malapit na mag-rounds para sa pagkain mayamaya darating na rin yun,papasabi ko na lang na unahin ka na nila.sabi ng doctor at nagpaalam na at lumabas na.
Babe,nagugutom ka na pala di mo manlang sinabi sakin,baka kung ano nanaman mangyari sayo.nagaalalang sabi ko kay Anne,di nanaman siya sumagot tinignan niya lang ako na wala pa ring emosyon ang mukha niya nahiga na lang ulit siya na nakatalikod sakin.Pumunta na lang muna ako sa CR,maglalabas lang ako ng sama ng loob.😭
Anne's POV
halatang halata kong nasasaktan si Vhong sa pagwawalang bahala ko sakanya,di ko lang talaga muna kayang kausapin siya,dahil lang sa sama ng loob ko sa mga sinabi niya.
Maya maya pa ay may kumatok nanaman sa pinto,gusto ko sanang tawagin si Vhong nanghihina pa kasi ako di ko alam kung kaya ko ng tumayo,pipilitin ko para makakain na ako,dahan dahan akong naglakad hinihingal na agad ako ano ba yan bakit ba kasi ang tagal ni Vhong,pagbukas ko ng pinto ay bumungad sakin yung lalaking may dalang pagkain,nagulat naman siya ng nakita ako nagagandahan siguro sakin,hahaha char..😊pinapasok ko siya para ipasok na yung pagkain,di ko na talaga kaya nanghihina talaga ako,umupo agad ako sa kama ko hinang hina talaga ko,nahihilo din ako.Pagkababa nung lalaki ng pagkain ko,lumabas na siya.Kahit nanghihina ako ay kinuha ko ang Pagkain ko,pagkakuha ko ng plato ay nabagsak ko ito.Napasigaw ako,at biglang lumabas si Vhong,na punong puno ng pag-aalala niya sa akin.Babe,anong nangyari,okay ka lang ba?,dapat tinawag mo ko.sabi ni Vhong na alalang alala sakin.
Okay lang ako,kaya ko naman.sabi ko kay Vhong at sinimulang pulutin ang pira-pirasong plato,sa hindi sinasadyang pangyayari ay nahiwa ako at nagdugo ang kamay,napasigaw at napaiyak ako dahil may Phobia ang sa dugo...
Ahhhhhh!!!😢huhuhuhuh😭ayoko na,dugo...sigaw ko agad naman akong nilayo ni Vhong sa mga basag,pinaupo niya ako sa kama,niyakap ko siya dahil sa takot ko..
Babe,tahan na,Akong bahala sayo,akina pupunasan natin yang sugat mo,para di mo na makita yung dugo wag ka na umiyak.pag-aalo sa akin ni Vhong para di na ako matakot.kinuha niya ang kamay ko at pinunasan ang dugo gamit ang damit niya.Medyo kumalma na ako pero ang higpit ng yakap ko sakanya sa sobrang takot ko.tatayo na sana siya pero pinigilan ko siya.
wag mo akong iwan,dito ka lang.umiyak nanaman ako dahil nakikita ko nanaman na may dugo nanaman.
babe,di kita iiwan sandali lang tatawag lang ako ng nurse para magamot ng maayos yang sugat mo,ang lalim kasi ng hiwa,para makasiguradong okay lang yung sugat mo,dapat kasi di mo na pinulot,Pls. Anne nagmamakaawa ako patawarin mo na ako,atsaka hayaan mo namang alagaan kita.sinsero at nagmamakaawang sabi ni Vhong,natameme naman ako sa sinabi niya.Sa sandaling katahimikan biglang kumirot ang sugat ko.
Aray,Vhong kumikirot ang sugat ko.sabi kokay Vhong,agad naman siyang tumawag ng nurse para gamutin ang sugat ko.Pagdating ng Nurse ay ginamot niya ang sugat ko umupo naman sa tabi ko si Vhong at hinawakan ang kamay ko di na ako tumutol dahil kailangan ko siya para gumaan ang pakiramdam ko.Habang ginagamot yung sugat ko di ako makatingin dahil may dugo at sobrang sakit,napipisil ko nga yung kamay ni Vhong pagsobrang sakit pero hindi niya iniinda yung sakit,mahal na mahal niya talaga ko,teka di na kaya ako galit sa kanya,di pa ako sure eh...
Magkakabati na kaya sila Vhong at Anne. ...
To be Continued...
Love is a Choice not a Feeling
-Author😊
![](https://img.wattpad.com/cover/88716116-288-k260410.jpg)
BINABASA MO ANG
Crush kita Matagal na BOOK 2 <[Completed]>
Fiksi PenggemarHi,Im back!!! eto na may BOOK 2 na????.Pls. Read and don't forget to Vote,and Comment your thoughts about my Chapters???? -PS. Wag babasahin pag di pa nababasa yung BOOK 1 para di kayo malito????