Kabanata 1

7.1K 77 2
                                    


"This time I'm not gonna let you slip away
  This time I'm not gonna let another day go by---"

"Utang na loob naman Eleina, hindi ka ba nagsasawa diyan sa kantang 'yan?! Aba naman! Pang-ilang ulit mo na 'yang kinanta ngayong araw, hindi ka naman naalis diyan sa stanza na 'yan." Agad ko namang tinapunan ng masamang tingin ang pinsan kong kontrabida sa buhay ko.

"E, ano naman bang pakielam mo aber?! Kumakanta lang naman ako, wala namang nagsabi na bawal na palang kumanta ngayon. Bakit, hindi mo rin ba ako ipalilibing sa libingan ng mga bayani kapag kumanta ako?" Sita ko sakanya.

"Hoy gaga! Feeling mo si Marcos ka?! Ulol! Kahit na tumambling ka dyan hindi ka pwedeng ilibing sa libingan ng mga bayani, kasi hindi ka naman bayani, una sa lahat 'no. Pangalawa, martyr ka, wala namang libingan ng mga martyr ah. Ang mga martyr noon pinagbababaril sa bagumbayan, wala ng bagumbayan ngayon, kaya dapat wala na ding martyr!" Sigaw niya naman pabalik.

Aray ko lang, ang sakit din niya sa tenga, kulang nalang sabihing nakalunok siya ng mega phone sa lakas ng boses niya. At ang walan hiya, hindi na nahiya kahit pinagtitinginan na kami ng mga kaklase namin.

"Insan naman e." Pagmamaktol ko. "Anong insan naman e ka dyan. Ako nga Eleina tigilan mo ako sa mga pabebe churva mo dyan. Bilisan mo ng mag-ayos at konting oras nalang ang magagamit naten para makakain no, kaloka ka! Kung bakit ba naman kasi hindi ka magpunta na lamang ng salon para naman may katulong kang mag transform ng pagmumukhang 'yan." Birit nanaman niya.

Ako nanaman ang nakita. E ano bang masama sa pagmumukha ko?

"Ngayon, 'ganyang tingin nanaman tayo ha, iniisip mo nanaman siguro kung anong masama sa itsura mo? Ay naku! Sasabihin ko, makinig ka, sa taas tayo magsimula. Una sa lahat, hindi ka naman siguro kamag-anak ni Betty La Fea, 'te! ' yang buhok mo sakanya mo minana e, pangalawa, 'yang kilay na 'yan, an sabi nila pag makapal ang kilay at medyo sabog epek! Nasa uso! E 'yang kilay na 'yan te hindi ko makita kung nauuso pa ba o nararapat nalang talaga para sayo ng mabagayan yang buhok mong sabog, pangatlo---"

"Hep! Tama na! Nakakahalata na ako ha, puro ka nalang lait dyan, bakit, nung nakita ko bang nagtitinga ka dyan sa pustiso mo nagsalita ba ako? Hindi naman a--- aray!"

"Tumigil ka nga, may makarinig pa sa'yo, isa pa hindi to pustiso, false teeth 'to, there's a difference." Umiirap niyang sagot.

"E anong difference doon ni-english mo lang naman. Pareho parin namang peke 'yon." Bigla naman niya akong hinarap at akmang magsasalita nanaman ng may magsalita mula sa aking likuran.

"Eina, what took you so long. Bilis na andyan na si Samantha." Sita ni Alex sa akin.

"Ayun e no, ikaw naman Alex 'wag mong ginagamit 'tong pinsan ko  pangtaboy ng mga babae mong pinaglihi sa higad, baka mamaya niyan manganib pa 'yong peluka nitong babaeng 'to. Hindi na nga maayos ang buhok e gusto mo pa ata siyang masabunutan."  Haaaay, kahit kelan talaga tong bruhang to hindi maawat yung bunganga niya. Masabi kung masabi walang bawian sa kanyan, nakakaloka!

"What is it to you? Isa pa, may nanakit ba sa'yo Eina? Sabihin mo sa akin kung sino." He demand.

"W-wala---" "wala pa" magkapanabay pa naming tugon. Kahit kelan talag tong babaeng to.

"Totoo naman, wala pa, pero panigurado malapit nang mangyare 'yon." Muling sigaw ni Dora.

"I am not talking to you Dora. So shut it will you." Bulyaw niya. "Aba naman! Excuse me lang ho mister, my name is Doria and not Dora, its Doria with an I! You dufus!" Sigaw baman pabalik ng pinsan ko.

Give My AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon