Kabanata 2

2.5K 38 4
                                    


"Eleina! Nak ng tokneneng naman oo, will you turn that fucking phone off! Sinabi ko na sayo diba, wag mong sasagutin yang letseng telepono mong yan kung hindi sasamain ka talaga sa akin." Bulyaw nanaman ng bakulaw kong pinsan.

"Ria naman, 'yang bunganga mo naman parang awa mo na, gabing-gabi na, hindi nakakatawa yang hobby mo ha." Sigaw ko naman pabalik sa kanya. Tingin ko lang, hindi nabubuo yung araw niyang hindi nakabulyaw.

"Kasi naman yang telepono mo kanina pa nagrereklamo sa caller niya, baka naman kasi pwedeng i-off mo muna yang cellphone mo nang matahimik na tayong pareho dito." Sita niya sa akin.

Agad ko namang ni cancel ang tawag and then turn my phone off. Alam ko naman kasing hindi ako titigilan ni Lex, tatawag at tatawag siya hanggang sa ikaw na ang sumuko at sagutin nalang.

Tinititigan ako ni Ria habang nakatanga akong nakatingin aa cellphone ko. "Minsan, hindi rin masamang mag off ng phone lalo na kung ikatatahimik nateng pareho 'yon." Pabalang niyang salita sa akin.

I sigh, I can't believe I am actually ignoring him, nagagawa ko talaga 'to ngayon? I was about to go back to bed when Lala knock.

"Eleina na, nandyan si Xander sa baba, gusto ka daw makausap." Lala said.

Agad naman akong napabalikwas ng bangon, anong ginagawa niya dito?

"Ano daw ho bang kailangan niyang lalakeng 'yan nanaman Lala?" Singit na tanong naman ni Dora. "E ano bang pakielam mo Doria? Si Eleina naman ang gustong makausap? Ikaw na bata ka masyado ka ng masungit ha, umayos ka." Pagbabanta ni Lala. Napapngiti naman akong napatingin kay Lala.

"Pakisabi ho La, bababa na ako." I said sweetly, kahit kelan talaga ang sweet ng Lala ko. Sakanya nga yata namana ni Doria 'yong ugali niyang balahura sumagot e.

"O siya, mag ayos ka naman, sabog-sabog nanaman yang buhok mo, malapit ng maging baging yan." Pang-aasar niya na agad namang ikinabulanghit ng tawa ng magaling kong pinsan. Kasasabi ko lang diba, ang sweet ng lala ko.

Minsan naisip ko, kamag-anak ko ba talaga sila?

"Alex." Panimula ko habang pababa ng hagdan.

"Eina, what is wrong with you? Why are you not answering my calls? I've been worried sick. Kanina nung sinabi ni Dora na baka may manabunot sa'yo dyan sa labas dahil sa akin hindi na ako mapakali. I wanted to talk to you kanina pa pero you left me there and now you're not even answering all my calls tapos ni off mo pa yong phone mo. Did I do something wrong?" Mahaba niyang litanya.
Umiling naman ako bilang sagot. Nakaramdam ako ng awa sa kanya, kung bakit ba naman kasi nakinig ako sa magaling kong pinsan na wag sagutin ang mga tawag niya edi sana hindi na siya napunta pa dito ng dia oras ng gabi.

"W-wala, pagod lang din ako kanina, pasensiya kana Alex, medyo marami kasi ang sermon ni Dora kanina kaya hindi ata kinaya ng utak ko." Pag-iiba ko ng usapan.

"Isa pa yang pinsan mo, akala niya siguro hindi ko napapansin yang mga pang aasar niya sa akin lalo na din sayo. Minsan kung makapagsalita siya dire-diretso nalang e." Dagdag pa niya.

"Pabayaan mo na 'yon, ganyan lang talaga ang nasa menopausal stage, bonggang hormonal imbalance ang sinapit niyan kaya ganyan kung magalit." Natatawa kong aabi na agad naman ding nagpatawa sakanya.

"Eina, I just want to know kung totoo ba 'yung sinasabi ng pinsan mo na may gustong manakit sa'yo?" Biglang tanong niya habang naglalakad kami papunta sa lanai.

"H-ha?! Wala, h-hindi totoo 'yon, wag mo ng isipin 'yon." I lied, totoo 'yon, hindi lang isang beses na may nag-iwan sa locker room ko ng kung ano-ano. Meron kang "bitch" or "whore" kesyo sakanila lang daw si Alex at hindi naman magtatagal ang relasyon namin dahil hindi naman daw pumapatol si Alex sa isang ugly duckling.

Hay nakakaloka, nakakaawa lang din sila. Masyado silang hibang kay Alex. Hindi naman ako nagmamalinis no, ganoong-ganoon din ako, pero ang kaibahan lang namin, alam kong magpigil.

"Sigurado ka ba?" Tumango naman ako bilang sagot. "So why did you walk out on me kanina? Samantha is there so, tamang-tama lang sana 'yung paglabas mo, that's why I'm calling you pero hindi ka lumingon man lang, it's the perfect time to act lalo na't nandoon din si Vernice kanina." He said.

"V-vernice? Sino naman 'yun?" Kunot-noong tanong ko.

Agad naman akong nakaramdam ng pangamba ng biglang magliwanag ang mukha niya nang inulit ko 'yung Vernice daw.
Vernice, katunog yun ng pangalan ni vice ganda sa pelikulang sisterakas, kaibahan nga lang it's Vernice with the V not with the B "totoy bernice"at yun din ang maghapong tinawana ng pinsan ko pagkatapos niyang mapanood 'yun.

"Vernice Eina, its V not B. So siya nga, siya yong gusto ko ng ipakilala sa'yo, you see shes a transferee from Massachusetts ka batch din naten, ang ganda niya sobra, she has this long wavy hair, almond shape eyes. Basta, ang ganda niya. At naisip ko I think we should stop pretending na that we're couples kasi ngayon hindi mo na kailangang umarte, I mean, for the very first time tingin ko magseseryoso na din ako." He said dreamily.

Pakiramdam ko naman ay namulikat ang buong katawan ko. I can't move, I can't even speak.

Dumating na ba ang kinatatakutan ko? Eto na ba 'yun? Salita lang siya ng salita pero ni isa sa mga sinabi niya pagkatapos sa mga naunang sinabi niya'y wala na akong maintindihan. As if everything's a blur.

Paano na ako ngayon? What will happen next? Kailangan ko na din bang tuluyang ibaon sa limot lahat ng nararamdaman ko para sa kanya?

"Hey Eina, are you listening? Eina?" Pag-uulit niya.

"H-ha?! A-oo naman." Pagkukunwari ko. Ngiti lang Eleina, 'wag mong ipakita sa kanya na nasasaktan ka, pagpapaalala ko sa sarili ko.

"I don't know Eina, pakiramdam ko mababaliw ako pag hindi ko siya nakikita. I somehow know that deep inside me may nabago. Eina, listen to me, eto na ata 'yun." He said sincerely.

Natatakot ako, dumating na ang araw na kinatatakutan ko, hindi man lang niya ako mapansin pagkatapos ng lahat ng ginawa ko. Haaay ang hirap namang magsali sa ganitong katangahan, pwede naman kasing sa iba ko nalang ibaling tong katangahan ko ng hindi naman ako nalulugi ng ganito.

Nasa isip ko, I have to do something, I have to stop whatever it is na pwedeng magsimula sa kanila. Pero pagod na ako, hanggang kelan ba naman ako mangangarap ng gising?


"Eleina, tama na nga 'yan. Kanina 'yung cellphone mo ang maingay, ngayon ikaw naman. Ano ba namang klaseng life to. All I want is to get some goodnight sleep, shogod akira medem, i postpone mo muna 'yang kagagahan technique na yan."

"Insan naman e, pwede ba kahit ngayon lang maging mabait ka naman sa akin?" Nanghihina kong sagot sa kanya.

"E gaga ka pala, ilang beses na ba kitang sinabihan dyan sa ginagawa mo? Not just once, halos masira na nga pati tape recorder naten dahil mas maraming beses ko pang nai-play to sayo. Tapos ngayon sasabihin mo akong "for once, maging mabait ako sa'yo. Eleina? Have you been listening? Sa lahat ng sinabi ko sa'yo nakinig ka ba?" Naghihimutok na turan niya.

"Hirap kasi sa'yo, kung ano lang ang gusto mong marinig, 'yon lang ang pakikinggan mo, 'yon lang din ang mangyayare." Dagdag pa niya.

"Mahal ko siya." Sabi ko naman. "Pero hindi ka niya mahal." Singit naman niya.

"Ilang beses ko na bang isinampal, isinapak, isinipa din sa'yo 'yan? Aba naman insan, kulang na nga lang maging black beltet ako sa harap mo hindi kapa maunto-untog diyan sa kagagahang 'yan e."

Wala na akong ibang ginawa ng gabing iyon kundi ang umiyak at manghinayang.

Give My AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon