"What do you think insan?" I asked for nth times."Wit kong bet!" And for the fucking nth times again hindi nanaman daw gusto ng pinsan ko ang suot kong damit.
Oh to the m to the g! Maloloka na ako, hindi ko na maalala kung pang ilang dress na ba itong sinubukan ko. At lahat ng isinuot kong damit hindi magustuhan ng pinsan ko. Pang ilang "wit kong bet" lage ang sigaw niya sa akin.
"Ano bang mali? Maganda naman a, diba nga ikaw pa ang pumili ng mga yan? Bakit ngayon hindi mo bet para sa akin!" Nagtatampong himutok ko.
"Wala sa damit ang mali Eleina Carla. Nasaiyo. Ang gaganda ng mga damit na yan, pero 'yang mukha mo ba inayos mo? Aba naman e pang ilang sukat mo na ng damit na yan, yang pagmumukha mo namang ang gusot." Balik sigaw naman ng pinsan ko.
"Pwede ba Eleina, umayos ka. Eto na yong time na pinakahihintay mo, 'yong pagkakataong ibang lalake naman ang mapansin mo at hindi 'yang letseng Xander na 'yan ang laman ng kokote mo. Insan naman, kina career ko na nga pagiging fairy-god-mother mo, ngayon naman payi ang maging psychologist mo? Ober kana insan, hindi naman ako yayaman sayo a." Dagdag pa niya.
"Insan, alam mo naman kung anong pinagdaanan ko diba? Hindi naman ganoon kadaling kalimutan lahat insan. Kung pupwede nga lang maaksidente nalang ako at maumpog ang ulo ko saka ako---
"Mamatay?! Mahulog sa bangin ang sasakyan mo tapos magkakanda lasog-lasog ka?! Insan naman 'wag namang masyadong brutal---
"I was going to say amnesia lang insan, grabe ka ikaw ang brutal sa atin, paano napasok sa usapan ang mahulog sa bangin at magkanda lasog lasog churva na 'yan edi ba ikaw lang naman ang nagsabi. Pinapantay mo na ako niyan e." Dagdag ko pa.
"Ah lilinawin mo kasi agad, excited akong matapos na yan e. Hanggang ngayon naman kasi 'yan parin ang usapan naten. Hindi ba darating ang araw na ibang problema naman ang isusumbong mo sa akin?"
Nanghihina akong napaupo sa tabi niya. "Pagod na din ako insan." Mahinang sabi ko.
"Kung ako ba naman ang nasa lagay mo e hindi lang ako mapapagod. Move on na kasi Eleina Carla Francisco. Tignan mo ha, isipin mo, ikaw, itong nangyayare sayo ngayon, lahat ng pinagdadaanan mo ngayon, may alam ba siya? Wala diba? Ni hindi niya nga alam na nasasaktan ka ngayon? Asan ka kapag kailangan ka niya? Asan ka kapag kailangan niya ng gagawa ng assignments niya, ng mga projects niya. Diba? Andyan ka palage para sa kanya? You made yourself always available for him na nakalimutan mo kahit ikaw may kailangan ka din para sa sarili mo." Mahaba niyang sermon.
"Think about it Eleina, it's not the end of the world, marami pang darating at marami oang mangyayare. You jus have to see the world and what it can offer to you." She added.
Napangiti naman ako, for the first time, hindi siya nakabulyaw. Atleast masasabi ko hindi lang sa akin ang may magbabago. I can see that we're both growing up. Habang tumatagal din nakikita ko kung ano ang kaibahan naming dalawa, kung ako ay isang mahina at hindi palaimik na babae, siya naman ang total opposite ko. We're like fire and ice. Pero masasabi ko namang magkasundo kami sa lahat ng bagay.
At nagpapasalamat ako dahil nandyan sila ni Lala para sa akin.
2 years later...
"Ay hayup naman Eleina, tignan mo 'tong ginawa mo sa shirt ko. Hindi pa man ako nakakalabas ng bahay marumi na ako." Sita nanaman ng pinsan ko.
"Aba naman Doria, ke aga-aga 'yang bunganga pasmado nanaman, hindi ka at nagsepilyo e." Biglang singit naman ni Lala.
"La, napapansin ko ang bigat ng dugo niyo sa akin, umamin nga kayo, buntis ho ba kayo?" Walang prenong tanong ng pinsan ko.
"Aba e balahura ka ngang talaga e 'no, paano ako mabubutis e wala naman akong jowa." Halos mabilaukan naman ako sa salitaan nilang dalawa.
My gosh! Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, hindi man lang naibahan ang routine ng dalawang 'to. "Si Lala talaga, nakakagulat naman kayo, mas matatanggap ko pang sasabihin niyong hindi na kayo ho magbubuntis dahil menopause na kayo dry na ang matres, hindi 'yong sasabihin niyong wala kayong jowa. Aba naman Lala, wag niyong sabihing hahabol pa kayo." Dagdag asar ng pinsan ko.
"Hoy, may asim pa ako no. Ka be-berday ko lamang noong isang araw 72 palang ako." Pagtatanggol naman ni Lala.
"La, 73 na kayo, kita niyo na pati edad niyo nakakalimutan niyo na din."
"Aba e noong isang araw lang naman ang berday ko so parang 72 palang ako. Kaya magtigil kayong dalawa. Hindi ako katulad mo Doria na 22 anyos ka pa lamang e mukha ka ng sisenta." Pagbabali asar naman ni Lala.
Hindi ko na talaga kailangan ng diversion. Sila palang bonggang-bonggang diversion na ang nararanasan ko. Sa sobrang diversion pati sila gusto ko na ding makalimutan. Bakit ba ako nasali sa pamilya ng mga bungangerang ito?
Sa halos dalawang taong lumipas ay masasabi ko namang kahit paano may nabago ng kaunti sa buhay ko. Nagkaroon kaming pareho ni Ria ng trabaho tatlong buwan pagkatapos ng graduation. Nagta-trabaho ako ngayon sa isang hotel kung saan isa akong pastry chef. At si Ria naman ay isang teacher. Sabagay bagay sa kanya ang propesyon niya, paniguradong katakot takot na sermon ang naririnig ng mga estudyante niya araw-araw.
As for Alex. Pilitin ko mang walang mabalitaan tungkol sa kanya, tila ba sinasadya ng tadhana na kusang mag-aabot sa akin ng balita.
Isa na nga siyang business tycoon ngayon. Balita ko'y pagkatapos ng graduation tumulak siyang papunta ng Amerika para doon magsimula ang pagtuturo sa kanya kung paano ipamalakad ang mga hotels nila. Mayaman nga talaga sila.
Nang mamatay ang tatay niya, siya nalang ang naiwan na mag take over ng mga naiwan nitong ari-arian. Balita ko nga'y nagkahiwalay sila ni Totoy Bernice bago siya tumulak pa Amerika. Kung ano man ang dahilan wala akong pakielam.
Natuto akong mawalan ng pakielam sa kanya simula ng mauntog ako, tama kayo. Nauntog nga ako, nang maisip ko lahat ng kagagahang nagawa ko noon para sa kanya doon ko narealized that he's not even worth it. Not that I hate him, pero I am his friend so I think it better stay that way. Ako lang naman kasi ang makulit na umaasang there could be more.
Pero ngayon sigurado na ako, wala na akong nararamdaman para sa kanya. Kahit nga siguro magkita kami ngayon e wala nalang. After all magkaibigan kami.
At ang magkaibigan kahit magkalayo, magkaibigan pa rin.
"Hoy loka! Pasok na tayo, male-late kana o. Siba ngayon ang dating ng may ari ng hotel niyo?" Biglang singit naman ni Doria sa pagmumuni-muni ko.
"Ay oo nga pala. Sige ho Lala, mamaya nalang ho tayo mag-away ulit. Late na ho ako sa klase ko." Dagdag pa ni Ria.
"Hala sige na, humayo na kayo ng mabawasan ang stress ko. Ikaw Eleina ha mag jowa kana din ng hindi ka naman nagaya dito sa pinsan mong tinubuan na ata ng talahib ang matres. At ikaw naman Doria, umayos ka naman sa pagsagot ng hindi ka nalilipat ng eskwelahang pinapasukan, abay pang limang eskwelahan na yan a, taon-taon nalang ba kailangan bagong environment ka din?" Sermon ni Lala.
"Hala sige na."
"Si Lala talaga, kung di ko lang iniisip na matanda yan at lola naten yan matagal ko ng sinikmuraan yan." Mahinang usal ni Ria.
"Ano kamo?!"
"Ay! Wala ko, eto na nga papasok na ng makapaghatid kami ng kagandahang asal na hindi namin nakukuha sa loob ng baha---
"Tara na nga! Sasabay pa kasi e!" Sermon ko naman sa kanya.
BINABASA MO ANG
Give My All
RomancePara kay Eleina, wala nang mas sasarap pa sa feeling na mapansin siya ng kanyang nag-iisang bestfriend na si Al, or mas kilala sa tawag ng karamihang Alexander. Alexander Richard Montes, ang pinakatatangi ng kanyang puso. Kaya naman gaya ng nasabi s...