Kabanata 11

912 25 2
                                    

"Guys, this is Eleina Carla Francisco. My bestfriend. Eina, mga barkada ko naman, this is Sean Fender Ruvartta, Joaquin Mendoza and Yvo Marquez." Pagpapakilala ni Xander.

Goodness, buti nalang. Kanina habang papunta kami dito, I was beginning to think na babae nanaman ang ipapakilala niya sa akin. I almost backed out.

Isa-isang lumapit sa akin ang mga kaibigan niya. At naglahad ng kamay.

"Yvo nalang Eleina." Sabi ng isang lalakeng medyo matangkad sa akin ng konti. Singkit at palangiti siya. Masasabi kong siya siguro ang jolly sa barkada nila, halata naman.

"Joaquin Mendoza. Call me anything you want. Pwede ring baby nalang para hindi mahaba." He said then winked at me. Oh, the malandi type of guy. I awkwardly smile at him.

And lastly...

"Hoy Sean, ikaw na bro." Yvo shouted, pero ang walang hiyang Sean daw e hindi man lamang nagpatinag. Anong problema niya. He just noy at me saka muling tinungga ang alak na nasa baso niya.

"What the point introducing myself anyway, sinabi na rin naman ni Alexander kung sino ako. Don't you think it's still necessary parin na magpakilala? Napaka redundant lang. Ms, whoever you are, 'wag kang magkakagusto sa akin ha." malamig niyang tugon. Na agad namang sinamahan ng halakhak ng mga kasama niya.

My gosh! Siya na! Siya na ang mayabang. 'Wag niyang sabihing pogi siya. Well, oo na pogi nga siya. Pero ang pangit ng ugali niya ha.

Bastos na lalake 'to!

"Shut it Sean, 'wag mo namang takutin 'tonf bestfriend ko, siya nga 'yong ipapakilala ko sa'yo e." Masayang saad naman ni Xander. Agad namang kumunot ang noo ko to the highest level.

SIYA?!

Siya, 'yung sinasabi nitong si Xander na "there's someone I want you to mee?!" Takte naman! Mas malala nanaman pala siya sa iniisip ko. Maganda pa atang babae nalang ang ipinakilala ni Xander sa akin.

Hindi ako makahinga, ibig sumabog ng damdamin ko. I could feel rage enveloping my being.

"Mawalang galang na sa'yo, Mr. whoever you are ka din, bakit naman sana ako magkakagusto sa'yo? May dapat ba akong magustuhan?" Pambabara ko.

Narinig ko namanf nagpipigil ng tawa ang mga kasamahan niya sa gilid. I was expecting Xander to be at my side pero hayun sya't nakikitawa din kasama ng dalawa pang unggoy na kaibigan niya.

I have never been this humiliated.

"I was just saying. Mukha ka kasing easy type na ma biktima Ms. Palaka." Dagdag pa niya. Palaka?! Sino?! Ako?!

"Hindi ka lang arogante, bastos ka pa. Makapintas ka ng tao akala mo naman ikinagandang lalake mo 'yun. If I know GGSS ka." Sumbat ko naman.

Hindi na napigilan pa ng mga kaibigan niyang bumulanghit sa katatawa. At ang mokong naman akala mo wala lang sa kanya. Halos lumabas na lahat ng ugat sa leeg ko kasisigaw sa kanya pero siya, prenteng nakaupo lang doon at nakatingin lang sa akin na parang simpleng usapan lang ang nangyayare.

"Whatever." He coldly said. My gosh! Ngayon lang ako na stress ng ganito. Kebago-bagong kakilala inaaway ko na. Mukha na akong puputok na bulkan sa pula ng mukha ko. "Whatever your face!" I shouted.

"Try mong manahimik, it works on many levels." He said agaid. Ngayon lang ako naka encounter ng ganyang kabastos na lalake.

Give My AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon