Chapter 39

1.1K 23 5
                                    


"You're saying committed as if you're already married to Sean. Boyfriend mo pa lang siya pinsan, hindi pa kayo kasal." Madiing turan ni Ria sa akin.

I looked at her brow furrowed. "I can't understand you Ria. Hindi ko alam kung sino ba talaga ang gusto mo para sa akin. One moment you're on Sean's side, ngayon naman you're telling me as if , tama lang na sumama ako kay Xander kanina." Pagalit kong turan.

"What I'm saying is, hindi mo kailangang ma guilty. Sure it was so wrong naman kasi to kiss another man. Given na you already have a boyfriend, ins, that's what makes you malandi for that matter. Bakit kasi hindi ka na lang magpakatotoo. Like it or not Eleina, may masasaktan ka sa kanilang dalawa. So why not end it now? Para maging masaya kana din." She commented. Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya.

Did she really said that? Himala ata at hindi niya ako pinagtritripan ngayon?

We are here at the balcony talking. Nakita ko kasi siyang nakatayo dito kanina when Xander took me home.

No one bothered to talk kanina habang nasa daan kaming dalawa. Magulong-magulo ang isip ko. I've been sorting things out and honestly speaking magulo parin talaga para sa akin lahat. I don't want to hurt anyone. But I know, there will be someone who will be hurt on the process. Ria's right. Nasa akin ang desisyon.

"Ins, they say, "if everything fails, drop everything. Move forward. Then follow your heart." It's as simple as that. Madaling sabihin pero mahirap gawin, I know. Pero kung hindi mo gagawin mas malaki ang magiging damage. Get my point?" She said again.

Naguguluhan akong tumitig sa kanya. Andoon na e, nandoon na ang kasagutan. All I have to do is to move. But I'm scared.

Natatakot akong magkamali, natatakot akong masaktan sa magiging desisyon ko. What if 'yong desisyon ko ngayon magkaroon ng malaking damage sa kasalukuyan? Ayaw kong pagsisihan ang magiging galaw ko.

"You're overthinking things Eleina. Why don't you just let it out? Ang hirap sayo hindi mo pa dapat problemahin, iniisip mo na." Mahinahon niyang saas sa akin sabay inom ng beer niya.

Agad naman akong napakunot-noo. Bakit ngayon ko lang napansin na umiinom pala siya?

"Teka? May problema ka ba?" Tanong ko sa kanya. She looked at me stunned for a moment saka biglang uminom muli ng beer niya.

"A-ano bang pinagsasasabi mo?! I-ikaw ang usapan dito Eleina." Pagalit niyang turan sa akin.

"Binasted ka ni Andrew no? Umamin ka." Tudyo ko sa kanya. She just shot me a glare.

"What's with you and Andrew? Huh Ria? Baka naman magulat gulat nalang kami ni Lala buntis kana." Dagdag ko pa habang nakangisi.

"Tigila mo ako Eleina baka maibato ko sayo tong boteng hawak ko. Isa pa, bakit ba palage mo nalang tinutudyo sa akin si Andrew? Hindi kana ba nagsawa sa kanya? Move on din te! Sir Andrew is so last season." Maarte niyang saad sa akin. "Kung hindi si Andrew, sino?" Tanong ko naman.

Bigla naman siyang napaiwas ng tingin sa tanong ko. I know I'm not suppose to be pry pero kasi Ria is a very private person. Sa sobrang pagiging private niya, halos wala kang mabalitaan tungkol sa kanya.

"Tumahimik kana lang. wala din naman akong aaminin sayo. Isa pa, problema ko na yon. It's for me to know, and for you to find out." She said nonchalantly.

Napahilamos ako sa mukha. "Bakit nga ba wala ka pang lovelife insan? After work andito kana agad sa bahay. Halos dito nalang kita inaabutan e. Hindi ko man lang ma experience 'yong uuwi ako tapos wala kaparin, ganern, tapos hating-gabi na wala ka parin." Paliwanag ko.

"Anong akala mo sa akin aswang? Hating-gabi talaga? Tsaka isa pa, anong mapapala ko kung sakali mang lalabas ako? Para magpa impress ng damit sa ibang tao? Iinom tapos? Anyare? Pag-uwi hindi na virgin? Don't me Eleina." Mataray niya namang pahayag sa akin na agad ko namang tinawanan.

"Ngayon mo sabihin sa aking ako lang ang nag-oover think insan. E kita mo nga, ikaw na nag summarize ng mangyayare kapag lumabas ka. Isa pa, nasa tao yan. Lumabas ka para mag enjoy, hindi para makipag sex sa kung sino mang lalake na makakasalubong mo. Bakit, kung sakali mang mag bar ka ngayon, uuwi kang di na virgin?" Asar ko sa kanya.

She just made a face. Natawa nalang ako sa kanya.

"But seriously insan, baka naman gusto mo na ding mag jowa. Para naman mabawas bawasan yang pagiging bugnutin mo. Hirap kasi sayo puros mga lesson plan nalang ang hawak mo diyan e. Matutuyo na to o!" Sigaw ko oa sabay hawak ng mahigpit sa puson niya. Agad naman niyang tinampal ang kamay ko na lalong nagpatawa sa akin.

"Tigilan mo ako baka bangasin kita diyan." Sigaw niya pa pabalik. "Pikon! Asar talo! Sabi ko naman. Then stick out my tongue on her.

"Eleina, p-paano kung may kakilala ka na m-magkagusto kay X-Xander?" Biglang tanong niya.

"Huh?" Tanong ko naman. "I'm sorry I didn't get you there insan." Dagdag ko pa.

She remained silent for a moment then cleared her throat. "P-paano kung may magkagusto pang iba kay X-Xander? What I mean is 'yong m-magkakagusto sa kanya is, k-kilala mo. A f-friend may be?" She asked me again.

Agad naman akong napatahimik sa tanong niya. I'm used to girls drooling over Xander, college palang kami sandamakmak na ang humahabol sa kanya. Can't blame them though, Xander's one gorgeous specie. Pero gaya nga ng sabi ko wala naman kasi akong nakasundong ibang babae noon bukod lang kay Ria which happens to be my cousin. Kaya naman I'm not fully aware to the feeling na may kaibigan akong babae na magkakagusto kay Xander.

I mean kung meron man, "whoever she is. I know na she's aware matagal ko ng gusto si Xander. He may not be my boyfriend pero masasaktan ako kasi kaibigan ko siya e. And friends don't do that, that's like the rules of feminism." Saad ko naman.

"Hindi ko mapipigilan ang ibang babae na magkagusto sa kanya. Pero wala akong karapatang magalit kasi una sa lahat, hindi naman kami ni Xander. Second is, may b-boyfriend na ako. Kaya para saan 'yong mararamdaman ko if ever someone so dear to me ang magkagusto kay Xander." I said then smile sheepishly.

But I know better. Wala man akong karapatan, palihim naman akong masasaktan. Kasi alam ko, kahit kelan hindi siya magiging akin.

Give My AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon