Chapter 10 - Party

192 15 1
                                    


Karl P.O.V

Pagkarating namin sa bahay ni Steven ay agad akong bumaba ng kotse ni Stuart. Ayoko na kasing ipagpatuloy pa ang awkwardness sa loob ng kotse eh. Ang tahimik pa. Wala kaming imikan sa buong biyahe. Agad akong pumasok sa loob dahil kabisado ko naman na ito at kilala na ako dito, feel at home na ako. Hehe.

Sorry to be rude pero, ganun din naman si Steven sa bahay namin. T_T

Pagdungaw ko sa loob ng bahay nila wala paring pinagbago, punong puno lang ng tao -___- Ano bang event at nagpaparty ang mokong na'to? Kakahilom ko lang sa sugat eh -___-

"Karl!" Napalingon naman ako sa tumawag ng pangalan ko. Si Tita Carmela ang mama ni Steven.

"Tita." wagas ngiti kong sambit saka kami nagyakapan ni tita at nagbeso beso.

"Ano? Kamusta kana?" Tanong ni tita.

"Okay lang po ako Tita! Haha kayo po? Mukhang blooming parin ah?!" Pambibiro ko dito.

"Haha. Ito talagang batang to nambola pa." Aniya sabay tawa.

"Oh Karl!" Biglang singit ni tito sa usapan namin ni tita.

"TIto!" Pabungad ko naman sakanya. Saka kami nagkamayan.

"Binata ka na ah?" Sabi ni Tito.

"Haha. Oo naman po!" Pagsang-ayon ko sakanya.

"Haha. OH? Nakita mo na ba si Steven?" Tanong ni tita.

"Dipa po eh." Malumanay kong sagot.

"Anak ng... Teka at tatawagin ko." Naiinis na sambit ni tito.

Tumawa lang kami ng mahina ni tita. Kahit kelan talaga may pinagmanahan si Steven. ^0^

"O siya. Maglibot libot ka na muna." Ani ni tita saka siya umalis. Tumango nalang ako saka ako naglibot ng tingin. Napadpad naman ito sa lalakeng nasa likod ko.

"Asan sila?" Tanong ko sakanya.

"Come." Aniya saka niya ako hinila sa braso. Nagpahila naman akong si Tanga. -__-

Huminto kami sa garden at maslalo atang mas maraming tao dito ah? Hindi ko man lang natanong kila tito kung anong event? Sa sobrang hindi mahulugang butas ng karayom na mga tao ay parang diko na makita ang barkada.

"There!" Sabay turo ni Stuart sa table na nasa gilid. Nakita ko naman si Andrei na kumakaway kaway pa sa gawi namin. Kumaway nalang ako pabalik at sinenyasan naman niya akong pumunta doon. Agad naman kaming pumunta doon.

"Dude!" Pabungad nila Julius at Renz kay Stuart saka sila nagfist bump.

"Oh? Karl? Enjoy yourself! Let's party party!" Sigaw ni Renz.

"Haha. Kayo nalang. Natrauma na ako sa club." Pambibiro ko. Agad naman silang natigilan at napawi ang mga ngiti nila sa mukha. Hindi ko nalang sila pinansin at saka ako umupo sa upuang katabi ni Julius.

"Do you really have to say that?" Biglang tanong ni Julius sa akin.

"Why not? Haha. Besides... This keeps reminding me of it." Sabay turo ko sa peklat ko sa ulo.

"Tch!" Sabi naman ng katabi kong stuart.

"Okay." Ani naman ni Julius.

Maya maya ay dumating na si Steven.

"Karl!" Sigaw nito saka ako yinakap. Huh? Pabigla bigla nalang ah? Napayakap nalang ako sakanya pero kumalas din siya kaagad.

"Kala ko dika na makakapunta haha.." Aniya sabay lagapak sa tawa.

My Sleepy StuartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon