Chapter 21 - How to strive through?
Karl P.O.V
"Anak?! Anong nangyayare sa'yo? Bakit? Bakit ganito ang mga grades mo? Bakit ang daming letters ng Oakland U.?" Sunod sunod na tanong sa akin ng mommy ko.
Habang ako tahimik na humihikbi na hawak ang telepono. Nahihiya ako sakanila, mas lalo na kay Dad na sobrang taas ng expectation sa akin. Iniisip ko palang ang mukha niya kung paano siya madisappoint sa akin di ko na kaya. Iniisip ko kung paano ang disappointment sa mukha nila ni mama di ko na magawa pang magpakita. Lima -- Limang linggo akong hindi pumapasok sa school. Oo! Sabihin niyo ng napakatanga ko dahil dinamay ko pa ang studies ko dahil sa problema ko. Sa nasaksihan ko kay Stuart. Hanggang ngayon masakit parin.
Pinaasa niya ako eh? Tang-ina! Sinabi niyang mahal niya ako. Aminado akong mahal ko na siya pero kung talagang mahal niya talaga ako magagawa niyang maghintay. Kumapit ako sa lubid niya eh. Ang sakit lang isipin na siya din pala ang puputol nito. Minsan lang talaga ako mag mahal ng ganito. Minsan lang. Masasabi kong isa ito sa mga sineryoso ko. Tama nga siguro ang sinabi nilang wag mong bigyan ng kasiguraduhan ang mga bagay na pwede pang mawala.
Pinunasan ko ang luha kong patuloy na tumutulo sa pisngi ko.
"Anak. Please? Magsalita ka naman! Miss na miss ka na namin ni Papa mo. Nag-aalala na kami sa'yo. Di namin alam kung ano ng nangyayare sa'yo. Kumakain ka parin ba? Malusog ka parin ba? May sakit ka ba? Ang daming tumatakbong mga tanong sa isipan namin anak kung napaano ka na. Please? Umuwi ka na. Ano mang problema yan lulutasin natin yan."
Nakakagaan ng pakiramdam ang mga sinabi ni mama dahil kahit ganun nalang ang mga natatanggap nilang mga grades ko ay di maalis ang pagmamahal niya bilang magulang ko. Pero di ko parin kayang humarap sakanila. Napakababaw ng rason kung bakit ako bumabaluktot sa pag-aaral ko. TANGA ang tawag dito.
Limang linggo na rin akong hindi umuuwi simula noong araw na nakita ko si Stuart. Nandito ako ngayon sa isang kabibili kong Condo. Bumili ako ng sarili kong condo gamit ang perang nasa bank account ko. Di ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at naglayas ako. Basta ang alam kong iniisip ko ay magpakalayo layo sa lugar kung saan meron si Stuart.
Nitong mga nakaraang araw ko lang narealized kung gaano katanga ang ginawa ko. Ang ginawa ko sa studies ko. Sa magulang ko-- sa sarili ko. Huminga ako ng malalim saka pilit na pinipigilang lumabas ang malakas na hikbi mula sa aking pag-iyak.
"Anak? Nasaan ka na ba?" Di ko na napigilang lumabas ang hikbi ko nang marinig kong humihikbi na si mama.
"Ma --" Naputol ang pagsasalita ko nang napahikbi pa ako. "I'm okay. And I'm sorry if I'm doing this. Please tell Dad I'm sorry. Mom I'm sorry I let you down. Sorry." Ang huling mga sinabi ko saka ko na pinatay ang tawag.
Di ko na pa magawang marinig ang hagulgol ng aking ina dahil mas lalo lang akong nanlalambot. Ayokong magpakita sa kanila. Naghalong HIYA, INIS, at DISAPPOINTMENT ang nararamdaman ko para sa sarili ko ngayon.
As for Steven and the others, kino-contact din nila ako pero di ko magawang sumagot sa bawat text at calls nila. Napatingin ako sa phone ko nang may nagtext na naman. 99+ messages pero tinatamad akong basahin. Naghalo ang mga messages na yan galing kay Steven, Andrei, Renz, Julius at Aron. Pero isang tao lang ang gusto kong makitang magmessage sa akin. Si Stuart.
BINABASA MO ANG
My Sleepy Stuart
Fiksi Remaja(BoyxBoy - ONGOING) Naniniwala ba kayo sa mga uncertain feelings? Mga taong di pa tiyak kung ano ba talaga ang kasarian nila? Naku! Naku! Mahirap ang ganyan. Tunghayan ang storya na aking ginawa. ~~~~~~~~~~~ Hi! Guys! Pls let's all witness kung pa...