Chapter 16 - Steven

165 14 7
                                    

Karl P.O.V


Pagkatapos ng gabing yun ay hindi ako nakatulog. Oo hindi kasi nga samahan ba naman ng makulit na Stuart? Hindi ko alam pero naging makulit siya simula ng gabing yun. At siyempre may nagbago.. Hindi ko alam na kung sino pa ang barkada ko at kababata ko siya pa ang unang tatalikod sa akin. Masakit? Oo.. Kasi sakanya ako nagtiwala na balang araw siya ang unang tatanggap sa pagkatao ko. Pero I was wrong.. 


Nang makauwi kami ng cottage ay hindi niya ako kinakausap. Although okay na kami ni Renz dahil kinausap na siya ni Alphin, at Althea. Pero si Steven ay hindi parin okay. Kahit kinausap na siya ni Julius at Samantha. 


He is my friend. He should be the first one who must've understand me.


Napayuko nalang ako. 


"Oh? Mukhang ang lalim na naman ng iniisip mo? Di ka pa ata natutulog?" Biglang sabi ni Stuart kaya napatayo ako sa pagkakaupo ko sa higaan..


"G-gising ka na pala?" Ang tanong ko.


"Oo kanina pa.. Kaninang madaling araw nagising ako dahil naramdaman kong di ka tulog eh. At ngayon na naman." Aniya at umupo saka ginusot gusot ang mga mata niya.


"Pasensya na.." Ang pagpapaumanhin ko saka ako umupo muli. Nagulat nalang ako nang maramdaman ko ang mga braso niya sa bewang ko. 

Biglang kumabog ang dibdib ko ng malakas at nagsitaasan ang mga balahibo ko nang maramdaman ko pang ipinatong niya ang ulo niya sa kanang balikat ko.


"Si Steven na naman ba?" Aniya.. Nakahinga naman ako ng maluwag.


"O-oo eh." Ang sagot ko.


"Wag mo na siyang problemahin." Aniya. Tinanggal ko naman ang mga braso niyang naka pulupot sa bewang ko at humarap ako sakanya. Tinitigan ko ang mga mata niya at napangiti ako.


"Ikaw? Hindi mo ba prinoproblema si Aron?" Ang tanong ko. Napawi naman ang ngiti niya sa labi.


"Don't ever bring him up." Aniya at tumalikod sa akin at inayos ang unan niya. Hinawakan ko naman ang braso niya. 


"Come on Stuart.. Please apologize to him already?" Ang paki-usap ko sakanya.


"No Karl.. He should apologize.. TO YOU." Aniya at saka siya tumayo at nagtungo sa banyo.


Naiwan akong tulala sa kawalan nang sinabi niya yun..  


Actually.. I don't feel angry at Aron at all. Instead? I pity him kasi I don't deserve his LOVE. Hindi sa ayaw ko sakanya. Napakaperpekto ng physical appearance niya ang ugali niya eh.. Slight lang naman pero HE IS ONE OF A KIND. Yet! He is not fit for me.. I wanna talk to him..



Pagsapit ng 10 o'clock ay lumabas na kami ni Stuart sa kwarto at nagtungo sa restaurant sa ground floor ng hotel. Although sinasamaan ko ng tingin ang mga staff para hindi nila ako tawaging master. 

My Sleepy StuartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon