Una sa lahat! nagpapasalamat ako sa tatlong laging nagvovote! :D At saka naaaliw ako sa tuwing pinipilit nila akong mag-UD hehe.. Kaya heto na po ang UD ninyo..
Karl P.O.V
"Anak! Gising na! Nandito ang daddy mo!" Agad akong napabangon nang marinig ko ang salitang 'daddy'.
Shiz! Daddy's home! Daddy's home?!?!
Agad akong dumeretsyo sa banyo at naghilamos at nagsipilyo.. Pagkatapos ay agad akong nagpunta sa sala..
"Dad!" Bungad ko nang makita ko siya..
"Kamusta na anak?" Tanong ni dad.
"Okay naman dad.." Ang sagot ko saka kami nagyakapan..
Agad akong kumalas at naupo sa katabing sofa na inuupuan ni dad. "Ikaw dad kamusta?" Tanong ko.
"Okay din naman anak.. Somehow medyo stress na rin dahil nga sa negosyo.. Nga pala! Yung Villa Resort kamusta?" Saglit naman akong natigilan..
Yung resort!
"Ah okay naman dad. The last time I visited uhm--" I made up a mess.. "Its good." pagtutuloy ko.
Grabe! Sobrang lakas ko magsinungaling.. >////<
"Anak! Daddy! Kain na!" Sigaw ni mama na galing sa kusina..
"Opo!" Sigaw ko pabalik.
"Tara dad!" Pagyaya ko kay daddy at agad naman siyang tumango.
-o0o-
"Oh eh ano ngayon kung meron ang daddy mo?" Pabalang na sagot nitong si Stuart.
Agad ko namang sinuntok ang braso niya.. "Siyempre mapaghihinalaan ka nila!" Ang bulyaw ko sakanya.
"Oh? Tapos? Ipaglalaban naman kita ah?" Aniya..
Okay.. Kinilig ako.. Pero -- "KAHIT NA!" sabi ko.
Ayoko namang mandiri at ipagtakwil ako ni Dad.. Besides nanliligaw palang naman si Stuart.. Tama.. Teka?! Nanliligaw nga ba siya? Parang hindi.
Ah basta! "Basta!" Sabi ko at nagsimulang maglakad papuntang classroom..
Kelangan kong mag-advance reading nakakalimutan ko ng magbasa.. Tsk! B.I kasi tong sila Stuart. -____-
Agad akong naupo sa kinauupuan ko.. Naramdaman ko namang may naupo sa tabi ko paglingon ko -- agad na nabadtrip ang mukha ko..
"Stuart sa proper sit ka ikaw umupo!" Sabi ko habang nilalabas ko ang notebook at book ko para sa subject namin.
"Tsss. Bakit magkasundo na ba kayo ni Steven? Dito na muna ako.. Habang di pa kayo magkasun--"
"That's my seat Stuart." Napalingon kaming dalawa ni Stuart sa nagsalita.
"So?" Agad ko namang binatukan si Stuart.
"Aray!" aniya saka siya napatingin sa akin..
Binigyan ko naman siya ng 'Sige-na'look at agad naman siyang tumayo.. Nagtitigan muna sila ni Steven bago siya umupo sa upuan niya..
Agad namang umupo si Steven sa tabi ko. Nagsimula ang klase na sobrang tahimik naming dalawa at wala kaming ginawa kundi ang makinig.. Teka?! Nakikinig ba ako?! Wait!

BINABASA MO ANG
My Sleepy Stuart
Teen Fiction(BoyxBoy - ONGOING) Naniniwala ba kayo sa mga uncertain feelings? Mga taong di pa tiyak kung ano ba talaga ang kasarian nila? Naku! Naku! Mahirap ang ganyan. Tunghayan ang storya na aking ginawa. ~~~~~~~~~~~ Hi! Guys! Pls let's all witness kung pa...