Karl P.O.V
Its been 3 days after ng tragedy. But still masakit at nakabandage parin ang ulo ko. Pumapasok parin ako sa school because I don't wanna miss my subjects. Ayokong mabehind ng lessons. Ayokong magadjust. Ayoko Ayoko.
"Karl! You should've stayed at home. Ang kulit mo din eh no?" Sabi ni Steven na papatakbo sa gawi ko.
"I'm fine Steven, pls? Wag mokong kulitin? Ikaw ang makulit eh!" Naiirita kong sambit sakanya. Napakudkod siya sa ulo at inalalayan akong maglakad. Hindi naman binti ko ang nabaril eh? Kaya ko naman maglakad. -____-
"No you're not." Aniya.
"Aaaaaaaarrgggggggh!" Sigaw ko nang namilipit ang ulo ko sa sakit. Tama siya. Hindi pa nga ako magaling.
"Karl! Sabi ko na nga eh!" Aniya.
"Karl!" Pilit kong dumilat para tingnan kung sino ang sumisigaw ng pangalan ko. Pamilyar ang boses niya. Pagdilat ko, hinawakan ni Aron ako sa ulo at pinaupo ako sa malapit na bench. Nasa field kasi kami ngayon Papunta na sana ako ng room.
"hey. Karl. Bakit ba ang kulit mo? Araw araw ka naming pinagsasabihan eh. Alam mong mahirap para sa aming kaibigan mong nakikita kang ganyan.." Aniya.
"Eh kung sana hindi niyo ako ininvite sa mafia club eh di sana hindi ako naganito?!" Galit kong sambit. Natulala siya sa sinabi ko. Oops! Ano ba yung sinabi ko! >///< "Sorry." dagdag ko. At nagiwas ako ng tingin.
"Don't be sorry." Napalingon naman ako sa nagsalita. Si Stuart.
"Huh?" Aniya ko.
"Don't be sorry, Kasalanan naman niya ito talaga eh." Pagpapatuloy niya sa sinasabi niya.
"Pwede ba? Stuart! That's enough!" Nagulat ako sa sigaw ni Aron.
"Kung kasalanan ko. Okay! Fine! Blame me. Pero it happened okay? Walang may gusto ng nangyare! Hindi ko ito ginusto!" Sabay tayo niya at kwinelyuhan niya si Stuart. Napatayo naman ako sa ginawa ni Aron.
"At hindi mo kailangang ipamuka sa akin ng paulit ulit ang kasalanang nagawa na at matagal nang nangyare!" Galit na dagdag ni Aron sa sinasabi niya.
"Aron..." Tanging lumabas na salita sa bibig ko.
"Huh? Bakit? Naguiguilty ka? Oh C'mon Aron." Sarcastic na sambit ni Stuart.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa dalawang ito. Bakit ba sila ganyan? Tsk!
"Oo. Naguiguilty ako!" Naiiyak na sambit ni Aron.
Natulala lang si Stuart na nakatingin sa mga mata ni Aron.
"Naguiguilty ako, dahil sarili kong kaibigan ay hinuhusgahan ako sa kasalanang hindi ko namang inaasahang mangyare. Hindi lang basta kaibigan kundi matalik na kaibigan!" Sigaw ni Aron.
Nasasaktan ako sa nakikita ko. Nag-aaway ba sila dahil sa nangyare sa akin? >////< Napakatanga ko talaga! Bakit pa ako dumating sa point na nakikipagkaibigan na ako sa kanila. At mukhang ako pa ang sisira sa pagkakaibigan nila. >////<
Magsasalita pa sana si Stuart pero inunahan ko na siya.
"Tama naaaaaaa!" Sigaw ko na naluluha. Napansin kong napalingon sa akin si Stuart at Aron. Naramdaman ko naman ang paghagod sa likod ko ni Steven.
"Tol wag ka nang mangielam. Lalala ang kirot ng ulo mo." Nag-aalalang sambit ni steven.
"Wala akong pakielam Steven." Sagot ko sakanya kaya't natigilan siya sa paghagod sa likod ko.
BINABASA MO ANG
My Sleepy Stuart
Teen Fiction(BoyxBoy - ONGOING) Naniniwala ba kayo sa mga uncertain feelings? Mga taong di pa tiyak kung ano ba talaga ang kasarian nila? Naku! Naku! Mahirap ang ganyan. Tunghayan ang storya na aking ginawa. ~~~~~~~~~~~ Hi! Guys! Pls let's all witness kung pa...