Karl P.O.V
Nakagising ako sa sobrang lakas na katok sa pintuan ko.
Knock! Knock! Knock!
"Sino yan?" Tanong ko dito habang kinukusot ko ang mga mata ko.
"Anak gising kana time for dinner. Kanina kapa tulog diyan." Aniya. Agad na akong napatayo sa pang-iistorbo ng nanay ko -____- Kinusot kusot ko ang mga mata ko, still masakit parin ng onti ang ulo ko. Sobrang bigat ng pakiramdam ko sa ulo.
Pagdating ko sa kusina nakahanda na pala ang pagkain ko sa plato. Ang ulam? Ang paborito kong adobo. :)) Umupo na ako saka ako nagumpisang kumain at sinabayan na ako ni mama.
"Anak. Kamusta na ang ulo mo?" Tanong sa akin ni mama. Sobrang pagaalala ni mama noong nalaman niya ang trahedya tungkol sa akin. Kaya Grounded ako sa pagpunta ng mga clubs -____-
"Medyo okay na po ako ma." Sagot ko naman habang isinusubo ang kinakain ko.
"Wag mong kalimutan ang mga gamot mo ha?" Bilin ni mama.
"Opo" maikli kong sagot.
Naka apat na pinggang kanin ata ako. Hehe. Paborito ko kasi talaga ang adobo. :)) Pagkatapos naming kumain ay nagboluntaryo na akong maghugas ng pinggan. Nung una'y ayaw ni mama pero nagpumilit ako. Habang naghuhugas ako ng pinggan ay biglang tumunog ang door bell namin.
"Ako na" Sagot ni mama saka siya pumunta doon sa pinto.
"Hi.. Sino sila?" Rinig kong tanong ni mama sa tao.
"Ah.. Andito siya teka pasok ka muna." si mama.
"Mama? Sino yan?" Tanong ko mula kay mama.
"Anak.. Anak... May bisita ka. Aron daw ang pangalan." Saglit akong natigilan sa paghuhugas ng pinggan. Unti unti ko munan prinoseso sa utak ko kung ano yung sinabi ni mama. What? Si Aron? Bakit daw?
Nagmadali na akong tapusin ang hinuhugasan kong mga pinggan pagkatapos ay inayos ko na ang mga ito.
"Ma usap lang kami ha?" Sambit ko kay mama. Means kelangan namin ng private talk.
"Sige anak. Ikaw huh? Imbes na babae ang magpunta dito puro lalake naman." Pambibiro ni mama. Para akong naestatwa sa sinabi ni mama. Hindi pa kasi alam ni mama ang tungkol sa kasarian ko.
"Ito naman joke lang. Sige na naghihintay na ang bisita mo." Aniya. Tumanago nalang ako bilang pagtugon. Pumunta na si mama sa itaas sa kanilang kwarto ni papa. At ako naman ay dumeretsyo sa sala kung nasaan ang kumag na bisita ko -_____-
"Oh? Aron? Naparito ka?" Tanong ko sabay upo sa kaharap niyang sofa.
"Uh-- Gusto ko lang sanang makausap ka." aniya.
"Kinakausap mo na ako eh. So ano pakay mo dito?" Tanong kong muli.
"Gusto ko lang sana humingi ng tawad sa nangyare sa iyo. Hindi pa kasi ako nakakahingi ng tawad sayo kasi pinipigilan ako ni Stuart eh." Aniya na nakayuko. Hindi ko alam pero its been days pero para sakanya fresh parin lahat ng pangyayare.
"Ano kaba? Matagal na kitang pinatawad noon pa. Alam ko namang walang may gusto ng nangyare." Pagpapaliwanag ko dito.
"Ah eh. Ganun? Akala ko may tanim kang galit sa akin.. Kaya hindi moko pinapansin." Hmmm? Ganun nalang ba siya kababaw mag-isip? Eh-- Kaya hindi ko siya mapansin pansin kasi isa pa ayaw ni Stuart. At saka hindi ko kayang lumapit sakanya no? Ang sakit kaya ng ulo ko. -____-
"Haha. Hindi naman sadyang masakit lang talaga ang ulo ko. Ako pa ang lalapit sayo? Hehe ikaw naman." Pambibiro ko dito.
"Haha. Oo nga." Natatawa niyang sambit.
"Eh-bakit ba kasi nagkakakuluan ang dugo niyong dalawa ni Stuart?" Tanong ko sakanya.
"Malay ko dun? Siguro ay pinapahalagahan niya masyado ang ego niya." Sagot niya habang kinukudkod ang batok niya.
"Tssss. Gwapo nga ang yabang naman." Bulong ko.
"Ano?" Gulat na tanong ni Aron.
"Uh-eh wala! Hehe." Sagot ko. Pati ba naman yun? Narinig niya? Ang lakas naman ng pangdinig niya. 20/20 ba ang kumag na to? -____-
"Uh- pwede ka bang magkwento about sa life niyong magbabarkada kung paano kayo nagkakilala? Kung paano kayo nagkasundo? Kung-- basta lahat!" Tanong ko dito.
"Uh- paano ba haha." Sambit niya.
"Uhm... Ganito kasi yan. Highschool palang magkakakilala na kami, si Stuart ay matalik ko na talagang kaibigan. Simula highschool ay talagang pinagkakaguluhan na kami ng mga babae." Pagtutuloy niya sa sinasabi niya. Ang yabang din pala nito no? Hehe. Tumango lang ako para ipagpatuloy niya ang sinasabi niya.
"Sobrang hindi talaga kami magkasundo ni Stuart sa maraming bagay. Parang walang araw noon na hindi kami nagtatalo. Pero ngayon, medyo nababawasan na. Nang nagcollege kami dito na namin nakilala sina Julius at Renz. Dahil sa astig at cool din sila. Naging barkada na din namin sila. Apat na kaming pinagkakaguluhan ng Oakland University. Pero hindi namin masyado ineentertain ang mga makabasag eardrums na tili ng mga babae." Natawa naman ako.
"Hehe. Nakakatawa pero totoo. Yet here nakilala ka na namin at ni Steven." Nakangiti niyang sambit.
"Eh. How about sa life ninyo?" Tanong ko.
"Uh-- ako seperated na ang parents ko. Pero pareho parin akong nakakakuha ng benefits sakanila. Siyempre anak nila ako at dapat lang na hindi nila ako pabayaan. Nasa London si Dad, while si mom ang kasama ko dito sa pinas. Si dad ay isang business man doon, manager siya ng kumpanya nila. Si mama naman ay isang business woman din. Kaya naisipan kong magbusiness course." Aniya. Tumango tango lang ako.
"At si Stuart? Uhm.. I don't know much about him pero ikukwento ko nalang ang nalalaman ko. His parents are seperated too. But opposite lang sa akin. His father is left here at the Philippines with him. Si mama niya ang umalis sa pinas kasi nga hindi na daw niya kaya ang makapiling pa ang dad ni Stuart. Pero sa pagkakaalam ko ay may iba na kasing family ang mother niya. That's why. Pero his dad is never like that. Loyal ito sa mommy niya till they got seperated. Pero that didn't bother Stuart. Nagsisikap siya ngayon and isa siyang manager ng isang branch ng kumpanya ng dad niya sa Bataan. Kaya siya nag-aaral ng business course ay dahil mas mapabuti ang pagmamanage dito." Tumango tango nalang ako. Kaya ba ganoon makapagsocialize si Stuart? Hehe. Kasi walang mother ang kawawang lalake? Pero I pity him :/
Nagkwentuhan lang kaming dalawa hanggang sa inabot na kami ng sobrang gabi. Ikwinento ko din sakanya ang background ko siyempre para fair. Nang makahalata na akong medyo late na. Agad kong iniba ang topic.
"Gabi na dika pa ba uuwi?" Tanong ko sakanya. Ibahin ko lang ang topic.
"Uh-- Oo nga sige mauna na ako." At tumayo na siya. Tumayo na din ako at sinabing.
"Hatid na kita sa labas." Sambit ko tumango lang siya at ngumiti.
Nang nasa labas na kami muli siyang humarap sa akin.
"Salamat Karl huh?" Sambit niya sabay ngisi. Hindi ko alam pero sobrang attracted ako sa dimples niya. Nasabi ko na bang may dimples siya? Hehe. Sobrang lalim LOL.
"Haha. Welcome sige mauna kana baka hinahanap ka na ng magulang mo." Pagtataboy ko sakanya hehe. Pero anbigla ako sa sunod niyang ginawa. O_______O Bigla niya akong niyakap kaya napayakap narin ako sakanya. Siyempre ang bastos ko naman kung hindi ako yayakap pabalik. -____- Ramdam ko ang init ng katawan niya at ang hininga niyang mabango at mainit sa leeg ko. >/////<
Kumalas na kami sa yakapan namin at tuluyan na niyang nilisan ang bahay ko at saka ako pumasok sa bahay. Pagkahiga ko sa kwarto ko ay nakatulala ako sa ceiling. Hindi mabura bura sa isip ko ang ginawa ni Aron kanina. Hays! Tigil na tigil! Karl! Wag kang assuming friendly hug lang yun. >////<
At tuluyan na nga akong naaidlip
zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz.
~*~
Guys! 15 Votes para sa susunod na kabanata :))

BINABASA MO ANG
My Sleepy Stuart
Teen Fiction(BoyxBoy - ONGOING) Naniniwala ba kayo sa mga uncertain feelings? Mga taong di pa tiyak kung ano ba talaga ang kasarian nila? Naku! Naku! Mahirap ang ganyan. Tunghayan ang storya na aking ginawa. ~~~~~~~~~~~ Hi! Guys! Pls let's all witness kung pa...