Chapter 9 - A Kiss

195 17 3
                                    


Karl P.O.V

Nakalipas ng ilang mga araw ay naging ganun parin ang pakikitungo naming magbabarkada sa isa't isa. Si Stuart medyo cold parin, si Aron medyo FC hehe, si Andrei Sobrang FC -____- napakakulit ng isang to! Parang may bulate o kiti kiti sa pwet na parati nalang nangungulit pati sa classroom kaya hindi ako makaconcentrate mag-aral. Si Steven? Ayun Stalker parin ni Samantha. -____- Malay ko ba dun at bakit ayaw niya pang umamin. Si Renz at Julius ganun padin naman friendly hehe. Walang pinagbago.

Naghilom na rin ang sugat ko kaya medyo may konting sakit parin ang ulo ko. Siguro ay bruise lang ito kaya kaya ko na. Kaya ko nang magstress hehe. Joke. Napapadalas narin ang dalaw ng barkada sa bahay kaya kilalang kilala na nila si Mama. Anak na rin tawag ni Mama sakanila. Nakakaasar nga eh -____- Pero okay na rin yun kasi mukhang unti unti na ring nagkakasundo ang dalawang magkaribal.

Ay! Magkaribal ba nasabi ko? Ay sorry! Ang dalawang leon kako sana -___-

Nandito ako ngayon sa library, sobrang busy sa pagaadvance reading. Mahirap na at baka bumagsak ang grades ko -____- Ayoko pa namang madisappoint sila mama sa akin. -___-

Habang nagsosolve ako ng business calculus ay biglang may tumabi sa akin. Hindi ko ito pinansin dahil busy nga diba? Abala ako sa pagsusulat.

*Poke Poke*

"Busy ako. Please next time nalang ang pangungulit." Sambit ko dito.

"Napakastudious mo masyado. Nakakalula kayang tingnan yang sinosolve mo." Sabi niya. Kilala ko na kung sino to kahit diko na lingonin. -___- Si Andrei.

"Eh di malula ka. Pake ko." Masungit kong sambit habang abala parin sa pagsosolve.

"Mr. Sunget naman nito." Aniya.

*Poke Poke*

May nagpopoke sa akin sa kabilang tagiliran ko -__- Napalingon ako dito. Si Aron.

"Oh? Mangungulit ka din ba?" Mataray kong tanong.

"Hindi naman." Aniya,

"Tch! Umalis nga kayong dalawa. Please lang. Kelangan kong magconcentrate." Talagang biniBI ako ng dalawang to. -___-

"Karl."

"Ano?" Naiinis kong sambit. Si Steven ata itong makulit na to. Isa pa to eh.

"May assignment ka na sa--"

"Meron na. At kung mangongopya ka nasa bag ko lang kaya please wag magulo?" Masungit kong sabi.

"Sungit." Narinig kong bulong niya kaso diko nalang pinansin.

Nang natapos ko na.

"YES!" Sigaw ko.

"Sshhh!" Sabay sabay nilang sabi. Napalingon naman ako sakanila. Andito pala silang lahat. >/////< Si Andrei, Aron, Steven, Renz, Julius. At siyempre si Stuart. -___-

"Sorry." Nahihiya kong sambit. Niligpit ko na ang gamit ko at tatayo na sana pero bigla ako hinawakan ni Aron sa kamay.

"Ano?" Naiirita na ako huh?

"Bakit ba ang sungit mo? Dipa namin tapos yung assignment mamaya ka na umalis." Aniya. Dun ko lang napagtanto na lahat pala sila kinokopya ang assignment ko except si Stuart na. Ayun -___- TULOG as always.

"Bilisan niyo ah? Malelate na tayo oh?" Reklamo ko sakanila.

"Opo." Sabay nilang sagot.

FAST FORWARD

Pagkatapos ng klase ay umuwi na ako kaagad. Ayoko nang magstay pa sa school. Niyayaya ako ni Steven sa bahay nila para sa isang party pero ayoko. Pinayagan ako ni mama pero ayoko. >////< Okay lang yun kay mama kasi sa bahay naman nila Steven kaya okay lang. Hindi naman CLUB -____-

My Sleepy StuartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon