Chapter 23 - Forget the past. Live for the future.
"I'm sorry Stuart but Karl and I have business to do. Let's go Karl." Natauhan naman ako kaagad sa pagyugyog sa akin ni Aron. Napatingin ako sakanya at kita sa mukha niyang nag-aalala na siya. Ngumiti ako sakanya at hinawakan ang kamay niyang nakapatong sa balikat ko.
Napatingin naman ako kay Stuart at kay Mika na sobrang inosente dahil nakangiti lang at dahil wala siyang alam. Binalik ko ang tingin ko kay Stuart.
"Oo nga pala may bibilhin pa pala kami at naghihintay ang buong barkada sa condo." Sabi ko.
"Barkada?" Napahakbang paabante si Stuart at pabalik balik ang tingin sa aming dalawa ni Aron. "Naroon sila Andrei? Renz at Julius?" Tanong niya.
"Di mo na kailangang malaman." Nagulat ako sa biglaang pagsagot ni Aron. Napatingin ako sakanya at napangiti siya, he must've realized what he just did.
"I mean surprise nalang. Hahaha. Well sino pa ba namang barkada tinutukoy namin? Wala namang ibang barkada kundi tayo lang." sabi ni Aron.
Napatango naman si Mika at naka awang ang bibig na parang sinasabing 'ahhh'. Mukhang sang-ayon naman si Mika sa paliwanag ni Aron kaya agad na kaming namaalam pauwe.
Pagkarating namin sa condo agad naming ibinalita ang nakita namin ni Aron sa mall sa barkada.
"Oh talaga?" Natatawang sabi ni Andrei. "Ibang klase talaga ang Stuart na yun no? Pagkatapos kay Karl kay Nikki tapos Mika naman? Aba! Mas grabe pa siya sa akin!" Agad namang binatukan ni Julius si Andrei.
"Aray ko po!"
"Kung anu-ano pinagsasabi mo." Sabay irap sakanya ni Julius.
"Steven?" Tanong ko dahil wala na siya sa upuan niya.
Bigla akong kinabahan nang makita kong bukas na ang pinto. "Si Steven!" Sigaw naming halos sabay nina Renz at Andrei.
"Guys! Paano ba yan?! Sunog yung itlog!" Napalingon kaming lahat sa kusina.
Nakahinga naman ako ng maluwag nang makita si Steven na naroroon. "Bakit mo kasi sinunog?!" Natatawang sabi ko saka lumapit sakanya.
"Ikaw kasi! Pakwento kwento ka eh may niluluto ako. Buti nalang natakbo ko eh di sana nasunog na condo mo." Aniya. Kinurot ko naman siya sa tagiliran.
"Aray!" Inda niya.
"Ano nga pala yung kinukwento mo?" Tanong ni Steven.
"Wala! Itapon mo na yan bago pa mag-amoy sunog ang buong condo ni Karl. Nakakahiya!" Sigaw ni Aron habang papalapit siya sa amin.
Nagsamaan naman sila ng tingin na ikinatawa ko. Hays! Namiss ko tuloy ang ganitong barkada. Napatingin ako kila Julius, Renz at Andrei na nagtatawanan sa salas. Napalingon ako kina Aron at Steven na nagbabatukan at nag-aasaran. Nakakamis ang ganitong samahan. Sa limang linggo kong nawala sa piling nila. Parang natumbasan lang ng isang araw at dahil yun sa oras na meron kami. Kung kami ang magkakasama, napapadali ang mga bagay, mas lalo na ang mga bagay na gusto kong mangyare, ang maka-move on. Gaya nga ng sabi nila. Forget the past. Live for the future.

BINABASA MO ANG
My Sleepy Stuart
Teen Fiction(BoyxBoy - ONGOING) Naniniwala ba kayo sa mga uncertain feelings? Mga taong di pa tiyak kung ano ba talaga ang kasarian nila? Naku! Naku! Mahirap ang ganyan. Tunghayan ang storya na aking ginawa. ~~~~~~~~~~~ Hi! Guys! Pls let's all witness kung pa...