Chapter 13 - Meet Dad
Karl P.O.V
Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagising ako ng masmaaga pa sa alarm clock ko at sa katok ni mama sa pintuan. Hindi ko alam kung bakit pero nakakaramdam ako ng excite ngayon. MALAY KO?! Bigla nalang kasi akong napamulat ng wala sa oras. At nagising ako ng 5:23am ng umaga.
Kinusot kusot ko ang mga mata ko at napaupo na ako sa kama. Binuksan ko ang ilaw ng lampshade ko at saka ako nag-ayos ng higaan. Matapos ay saka ako nagayos ng sarili. Diko alam? Naeexcite lang talaga ako ngayon. Tsk.
Nang matapos kong magbihis ay agad din naman akong nagtungo sa labas para makita kung meron nang naluto si Mama pero wala pa. Tulog pa ata ang mga kasambahay namin -___- Kaya kelangan kong magluto mag-isa. Binuksan ko ang hanging cabinet at nakita kong may pancit canton doon kaya ito nalang ang iluluto ko.
Matapos kong mag-agahan ay nagpahinga muna ako sa living room at binuksan ko muna ang T.V. Matapos ng ilang sandali napatingin ako sa orasan ko. 6:04am na. Sakto na to. Pinatay ko na ang T.V saka na ako sumakay ng taxi para pumunta ng school.
Nang makarating ako doon ay wala pang masyadong tao. (Kasi nga maaga pa -___-) 7 pa naman ang first subject ko so.... Makakapaggala pa ako ng ilang minuto.. Naglakad lakad muna ako sa buong campus. 'Ang laki naman pala ng Oakland University.. Hinihingal na ako kaagad.' Ang sabi ko sa isip isip ko.
Nang nakakita ako ng bench ay agad akong umupo para magpahinga. Habang nagpapahinga ako ay biglang may dumaan na kotse sa harapan ko at sobrang pamilyar pa ito.. Tumigil ito sa harapan ko at bumukas ang window ng passenger's seat at nakita kong si Stuart nga pala ito.
"Karl! Ang aga mo naman!" Nakangiti niyang sabi.
"Oo nga eh. Pati naman ikaw oh?" Natatawa kong sagot.
"Haha. Ang aga ko kasing nagising. Lika kape muna tayo." Yaya niya sa akin.
"Saan naman?" Tanong ko habang naglalakad papuntang kotse niya. Binuksan niya ang pintuan ng passenger's seat saka ako pumasok at sinara na ito.
"Sa cafeteria malamang. Diyan lang malapit dito sa school." Tingnan mo -___- Namilosopo pa ang loko.
"Ah.. See.. Okay tara." pagsang-ayon ko sakanya. Ngumiti naman ito saka tumango at pinaandar na ang kotse niya paalis.
Nang makarating kami doon. Agad akong naghanap ng mauupuan at siya na ang oorder. Treat daw niya eh ^0^ Nang nakahanap ako ay agad akong tumungo doon.. Maya maya pa ay sumunod na si Stuart dala ang tray na naglalaman ng dalawang kape at dalawang cake.
Habang kumakain kami ay binabalot kami ng katahimikan. Ang awkward =___=
"Karl." Aniya.
"Hmmm?" Tanong ko pero nakatuon parin ang pansin ko sa cake.
"Bumisita si Dad sa condo ko." Natigilan ako sa sinabi niya at tumingala ako sakanya.
"Oh? Ano daw ang sadya niya dun?" Tanong ko naman.
"Kinamusta niya ako." Aniya sabay subo ng cake.
"Sus ke-plastic naman ng Dad mo. Ang sabihin niya kinakamusta ka niya kung okay ka lang para sa kumpanya niyo. Parang mas mahal pa nga niya ang kumpanya niyo kesa sa'yo eh." Sabay subo ko at inom ng kape.
"Kaibigan ba talaga kita?" Natatawa niyang turan.
"Haha. Sorry. Pero sometimes kelangan nating maging pranka sa lahat ng bagay. Ang point ko lang naman... Baka minemake sure lang ng dad mo ang kalagayan mo sa pag-aaral at para may successor siya sa pagtatrabaho. Eh.. Dapat bukal sa kalooban niyang bumisita doon hindi para sa kalagayan ng pag-aaral mo sa halip ay dapat sa kalagayan ng anak niya." Mahaba kong pagpapaliwanag. Tumango siya at ngumiti.

BINABASA MO ANG
My Sleepy Stuart
Ficção Adolescente(BoyxBoy - ONGOING) Naniniwala ba kayo sa mga uncertain feelings? Mga taong di pa tiyak kung ano ba talaga ang kasarian nila? Naku! Naku! Mahirap ang ganyan. Tunghayan ang storya na aking ginawa. ~~~~~~~~~~~ Hi! Guys! Pls let's all witness kung pa...