Chapter 11 - Truth Behind Judgements

215 22 8
                                    

I wanna dedicate this chapter kay boss erolko11. Fan na fan niya po ako pagdating sa stories niya. Especially yung The Modern Family which is boyxboy. Sana po ay maging magaling din po akong writer katulad niyo! ^_^ I love his works so basahin niyo rin guys! He's a great writer. ;)

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Karl P.O.V

Nakagising ako sa isang nakakabagot na katok mula sa pinto ko. Bigla namang sumakit ang ulo ko. Napahawak ako sa sentido ko sa sobrang sakit. "Aargh!" Ang sigaw ko sa sakit. Napansin ko ring iba na ang suot kong damit. Huh? Sino kaya nagpalit sa akin? Ang sabi ko sa isip isip ko.

"Anak? Okay kalang?" Rinig ko si mama mula sa labas ng kwarto.

"Uh-O-okay lang." Ang sagot ko dito.

"Magready ka na at malelate ka na sa school." Napalingon naman ako sa orasan. It's already 6:21am. Nakakatamad! >////<

"Pwedeng wag muna ako pumasok ng first subject ma? May Hang-over kasi ako." Ang reklamo ko.

"Ano kamo? Gusto mo bang bigwasan kita dyan? Lumabas kana diyan at para makainom ka ng kape, at mabawasan ang hang-over mo." Galit na sumbat nito at narinig ko nalang na naglakad na paalis si mama.

"Aargh!" Sigaw ko saka ko ginulo ang buhok ko ng husto.

Well? Wala akong nagawa kundi ang sumunod. Naligo na ako, Nagbihis at nagpagwapo. Pagkababa ko dumeretsyo na ako kaagad sa kusina. Nakita kong umiinom ng Kape si Mama. Agad naman akong umupo sa harapan niya at ininom na din an kapeng nasa harapan ko. Nilapag ng yaya namin ang mga pagkain sa harapan namin nang meron na ang mga ito at saka kami kumain ni mama.

"Ma? Sino nga palang naghatid sa akin dito kagabi?" Tanong ko kay mama.

Ngunit di siya lumingon at nagpatuloy sa pagkain. "Si Stuart. Kaibigan mo." Sagot naman niya. Muntikan na ako mabulunan sa sagot niya.

"Ha? Eh-- Sino pong nagpalit sa akin?" Tanong kong muli.

"Eh di siya. Pinaghabilin na kita sakanya. Aba! Di na kita kaya eh no? Malaki ka na! Iinom inom ka kasi di mo naman kaya." Aniya na pabulong na ang huli pero narinig ko parin.

'Aba! Ang galing mo naman mother? Ikaw kaya nagsabing pumunta ako sa party tapos mnagrerekalmo ka kung bakit ang hina ko uminom? Ay grabe siya oh?' Ang sabi ko sa isip isip ko.

Naku! Kung si Stuart ang nagpalit sa akin kagabi? *gulp* O____O NAKITA NIYA ANG KATAWAN KO? >///////< Nakakahiya! T_T

Hindi nalang ako sumagot bagkus tinapos ko na ang pagkain ko at saka ako nagsipilyo at umalis na.

Pagkarating ko sa school, nakayuko akong naglakad nakikita naman ng peripheral vision ko kung may mababangga na ako. Pero sa hindi inaasahang pangyayare, mukhang binigo ako ng vision ko. Dahil nabunggo ako ng pagkalakas lakas na parang naheadbutt ang ulo ko sa sakit.

"Aray!" Sigaw ko nanag mapaupo ako at napahawak ako sa sobrang sakit kong ulo.

"S-sorry. Karl?" Napamulat ako ng mata dahil sa pamilyar na boses. Si Andrei pala ito.

"Ano ba yan! Hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo!" Bulalas ko pero sa totoo lang ako ang hindi tumitingin sa daan.

"Sorry." Aniya nalang saka nagbow.

Hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy na sa paglalakad. Narinig kong tinatawag pa ako nito pero di na ako lumingon. Umagang umaga ginogood time nila ako? Pakshet siya ah? -____-

My Sleepy StuartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon