I dedicate this chapter to my one of my most admired writers RobertAdler! Follow him guys! Maganda ang books niya hahaha. Matuturn on kayo :D
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Karl P.O.V
Kay bilis ng araw at ngayo'y Friday na. =____= At sa hindi inaasahan ay biglaan ang pagtatawag ni Andrei para sa isang trip sa beach. Bakit ganun no? Kapag napagpaplanuhan hindi natutuloy, kapag biglaan natutuloy. =____= Malay ko ba? Pero totoo yan hindi ba?
Hindi na sana ako papayag na sumama pero ipinaalam na ako ni Steven sa parents ko kaya NO CHOICE na naman. Si Steven yun eh? Malaki ang tiwala nila mama sakanya. Nakita niya narin si Papa. Ibinalita niya ito kaagad sa mama at papa niya kaya maya't maya andito na sila. Kasama ang van nila Steven.
Ang van nila ang gagamitin namin para sa field trip, si Steven ang driver. -____- Sana makabiyahe kami ng safe. >___< Sa pagkakaalam ko kasi hindi makapasa-pasa si Steven sa driving skills niya dahil sa hindi niya alam ang ginagawa. Pero I think himala ngayon dahil nakapasa na siya. -___-
Nagaayos na ako ng masusuot ngayon dahil alam ko namang wala kaming tigil sa pagligo pagdating doon. Ngunit may problema ako. =____=
HINDI AKO MARUNONG LUMANGOY.
Kaya kinakabahan ako eh. Kaya rin ayaw kong sumama pero si Mama naman parang Globe na simcard. Go lang ng Go. Eh bat di nalang kaya siya ang sumama no? Mukhang mas excited pa nga siya kesa sa akin -____-
"Anak! Dalian mo! Maya maya andito na sila Steven." See what I mean? Tsk.
"Opo ma!" Sumbat ko kay mama.
Papatapos na ako ng biglang may bumusina na malakas sa labas ng bahay.
*beeeeeep!*
'Sila Steven na ata yan' sabi ko sa isip isip ko.
Agad kong tinapos ang ginagawa ko at saka ko na ito dinala palabas ng kwarto. Pagkarating ko doon bumungad na sa akin kaagad ang yakap ni Tita Carmela ang mommy ni Steven.
"Karl! Haha. Nasa labas na si Steven hinhintay ka." Sabay kalas niya sa yakapan namin.
"Sige po tita. Mauna na ako mama papa!" Sigaw ko nang makarating na ako sa pinto.
"Sige anak! Mauna kana." Sabat ni mama saka ako lumabas.
Pagkalabas ko ay pumasok ako kaagad sa van ni Steven. Pero nang napalingon ako sakanya ay nakasimangot siya.
"Oh? What's with the duck face?" pambibiro ko.
"Bakit ang tagal mo? Daig mo pa si Mama kung magbihis." Aniya.
"Sorry huh? Ang bigat kasi ng dala ko." Sarcastic kong turan.
"Tss. Para yan lang pala eh tssss." Aniya. Napaikot nalang ako ng mata sakanya.
Sa passenger's seat na ako sumakay para hindi ako gaanong mahilo. Pinaandar na niya ang sasakyan at isa isa na naming pinulot ang mga tropa. MGA KUTONG TROPA. Sa huli ay si Stuart na ang sinundo namin kasi nga ang way ng papuntang condo niya ay ang way din na kung saan ang punta namin.
Nang makaabot na kami sa lugar niya ay nakita na namin siyang naghihintay sa shed malapit sa building ng condo niya. Dumungaw ako sa bintana nang mapalingon siya sa gawi namin at saka ako kumaway. Nakita ko namang napangiti siya at kumaway rin.
"Stuart! DALI'AN MO!" Sigaw ko nang medyo malapit na kami sakanya.
Agad din naman siyang sumakay nang pinagbuksan siya ng pinto nila Andrei. Simula nang makasakay si Stuart ay di na matigil ang ingay at bangayan sa loob ng sasakyan. Siyempre para di ako ma'OP nakiki sabay narin ako sa trip nila. Medyo boring din pala sa passenger's seat hehe.
BINABASA MO ANG
My Sleepy Stuart
Ficção Adolescente(BoyxBoy - ONGOING) Naniniwala ba kayo sa mga uncertain feelings? Mga taong di pa tiyak kung ano ba talaga ang kasarian nila? Naku! Naku! Mahirap ang ganyan. Tunghayan ang storya na aking ginawa. ~~~~~~~~~~~ Hi! Guys! Pls let's all witness kung pa...