Author's Note: Hello guys! I am so back! Let me just ask you kung okay lang ang flow ng story? Is it boring na? Is it exciting parin ba? or is it too cheesy na? Ganun. Can you guys tell? I need comments. Ghamsahamnida!
-o0o-
Karl P.O.V
After a week we've been very busy sa school because of projects and activities. But what worries me more is that -- Stuart is getting absent for these past few days. Lulubog lilitaw siya sa klase and I don't know kung bakit.
I even asked him once kung bakit but he said-- "Business matters." or "Puyat lang dahil sa business meeting." Diko nga alam kung saan doon ang papaniwalaan ko na dahil pareho lang naman ang sentro ng rason niya. 'Business'-- yan yun.
Andito ako ngayon sa library with Steven and Andrei. Kung maitatanong niyo kung okay na kami ni Steven. Oo okay na okay na kami. Tignan niyo.
"ARAY!" reklamo ni Steven. "Bakit ka nambabatok bigla?" aniya.
"Wala lang." Sagot ko saka ako nagpatuloy sa pagbabasa.
"Pambihira." Aniya pa.
"Si Sammy?" Tanong ko.
"Nandoon naghahanap ng libro." Ang sagot naman niya.
"Uh-- Karl asan si Stuart? Papasok daw ba siya ngayon?" Biglang singit ni Andrei.
Natigilan naman ako sa pagbabasa saka ako tumingin kay Andrei.
"Oh? Anong klaseng tingin yan? Galit ka ba?" Tanong niya.
"Hindi." Saka ako lumapit ng tingin. "Naiinis lang." Ang bulong ko.
"Di ka ba nalulula diyan sa binabasa mong libro mo? Grabe! Ang kapal oh?" Ang sabi ni Andrei sabay turo sa librong hawak ko.
"Eh ano ngayon sa'yo? Ako naman ang nagbabasa ah. Maghanap ka ng babasahin mo rin." Ang reklamo ko saka ako nagpatuloy sa pagbabasa.
Kainis naman si Stuart. Ano ba talaga ang problema niya? Kelangan ko siyang maka-usap ng maayos. Oo! Tama! MAAYOS!
Agad akong tumayo sa kinauupuan ko. "Oh? Natapos mo ng basahin yan? Pambihira. Ang bilis ah!" Biglang sambit ni Andrei.
"Tumigil ka nga Andrei kundi mababatukan ka talaga sa akin." Pagbabanta ko sakanya.
Agad naman niyang tinakpan ang batok niya. "Hehe. Natakpan ko na. May--"
*PAAAAK!*
"ARAY!"
"SSSSSSHHHHHHHHHH!"
BINABASA MO ANG
My Sleepy Stuart
Teen Fiction(BoyxBoy - ONGOING) Naniniwala ba kayo sa mga uncertain feelings? Mga taong di pa tiyak kung ano ba talaga ang kasarian nila? Naku! Naku! Mahirap ang ganyan. Tunghayan ang storya na aking ginawa. ~~~~~~~~~~~ Hi! Guys! Pls let's all witness kung pa...