CHAPTER 3 “DAY 1”
LEN CALDER DICKSONNaloka ang lola ninyo sa mga nangyari kahapon! Sinong hindi matatakot doon? Wala ngang nakakain ng dinner sa amin dahil sa takot… sinong gaganahan na mag-dinner pa kung ganoong senaryo ang iyong masasaksihan?
Sinubukan din namin maghanap ng labasan nung araw na iyon… wala, bigo kami. Na-obserbahan din namin na puno ng CCTV camera ang buong paligid na parang pinapanuod ang bawat galaw namin.
“Len, tara na. Sabay-sabay na daw tayong mag-almusal,” Sigaw sa akin ni papa Fierce. Kinilig naman ang lola ninyo dahil si Fierce talaga ang pinakagusto ko sa mga lalaking nandito. Hindi kasi siya ilang sa mga beki na gaya ko.
Hinawakan niya bigla ang kamay ko at hinatak. Ako yata ang unang magkaka-love life dito! I can feel it! “Bilisan mong maglakad, nagugutom na ako.”
Sabay-sabay kaming kumain sa isang restaurant sa park na ito, the good thing, lahat ng basic needs namin ay nandito sa park. Mabilis na natapos kumain si Lei kaya napalingon kaming lahat sa kanya.
“Kakabisaduhin ko pa yung park,” Tipid niyang sagot.
“Hintayin mo ako. Sasama ako sa’yo.” Isinubo ni papa Macky ang huling kanin at tumayo na rin.
Sumama rin si Fierce kaya naman napilitan akong sumama na rin.
Mukhang napilitan lang si Lei na isama kaming tatlo sa pag-iikot. Puro rides at establishments ang nakikita ko rito sa theme park. Hindi siya mukhang abandonado dahil sa totoo lang, nagpa-function pa ang lahat nung rides.
“Maghiwa-hiwalay tayo sa pag-iikot,” Suhestiyon ni Lei at tumango naman sila. “Kapag may nakita kayong kahina-hinala, just shout.”
Nag-ikot ako sa buong paligid at hindi ko alam kung theme park pa ba talaga siya or parang isang malaking community. May parang school, mayroong gymnasium… Nakakaloka! Theme park pa ba talaga ito!?
Saktong alas dose ay nagkita-kita kami at nagpalitan nung mga impormasyong nakalap namin.
MACKY REYES
Matapos namin mag-ikot ay nandito kaming lahat sa malawak na ground ng park. Naisip ni Phillip na dito daw kami kumain. Lagi kaming sabay-sabay kumakain para raw mas makilala namin ang isa’t-isa at mas mapalalim pa raw ang pagkakaibigan namin.
“Anong gagawin mo kung sakaling makita mo ang killer sa harap mo?” Biglang nagtanong sa akin si Andrew, ngayon lang kaming nagkausap na dalawa.
“Wala, baka murahin ko na lang siya ng murahin dahil alam ko na rin naman na mamamatay na ako no’n,” Natatawa kong sagot at natawa na rin naman siya. Seryoso, hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling magkaharap kami. “E ikaw? Anong gagawin mo?” Pagbabalik ko sa kanya ng tanong.
“I will run. Hindi ako papayag na mamatay ako sa larong ito.”
Natapos ang pagkain na ginawa namin at nung bandang hapon na ay naghiwa-hiwalay na kami. Napatigil ako sa paglalakad nung biglang tumunog ang isang bell na gumawa ng ingay sa buong lugar.
“Players, be ready! Our game will start in two hours!”
BINABASA MO ANG
Death Game: Battle For Lives
HorrorThis is a work of fiction. Names, characters, business, songs, places, events, and incidents are either product of author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coi...