CHAPTER 19 “DAY 9”
MACKY REYES“Fierce!” I shouted at hinatak siya palayo. Inagaw ko rin ang kutsilyo niya at mabilis na itinapon sa isang gilid. “Fierce tumigil ka na!”
Ilang minuto ang lumipas at mukhang nahimasmasan na ang kaibigan ko. “M-Macky,” Kumapit sa akin si Fierce. “Napatay ko siya! Tangina!”
“Walang ibang makakaalam nito, okay? Isisikreto natin ‘to. Walang ibang makakaalam.” Saway ko kay Fierce at pilit siyang pinapakalma. Aksidente ‘to, walang may gusto nito.
“Macky… ayokong makulong.” Sabi ulit ni Fierce sa akin. Nagsimula na siyang mag-panic.
“Itatago natin ang bangkay, okay? Kalimutan mo ang nangyari sa gabing ito… okay?”“Ahhh!” Napabalikwas ako ng kama at mabilis na naghabol ng aking hininga. Bakit muling bumalik sa alaala ko ang bagay na iyon?
Bumangon ako at pinagmasdan ko ang repleksyon ko sa salamin. Naghilamos ako, no Macky! Pinangako mo sa sarili mong kakalimutan mo na ang tungkol doon. Huwag mong hayaan na gumulo pa ulit ito sa’yo.
Pagkarating ko sa restaurant para kumain… sa labas pa lang ay naririnig ko na ang sigawan kaya napatakbo ako papasok, anong nangyayari?
“Umamin ka nga! May alam ka dito sa kagaguhang ‘to, ‘diba!?” Malakas na sigaw ni Fierce ang aking narinig. Nagmadali akong pumasok… si Maya ang sinigawan niyang iyon. “Ikaw ang killer, ‘diba!?”
“Anong ako!? Gaguhan ba ‘to Fierce? Ano bang pumasok sa kokote mo!? Umagang-umaga!” Hinawakan ko sa braso si Fierce and try to calm him down.
“May litrato ka rito sa parkeng ito Maya! Nakita ko! Kahit si Adrian ay alam din ang tungkol sa bagay na iyon!” Pagpapatuloy ni Fierce at inilabas ang isang litrato, what are they talking about?! Bakit nagkakagulo ng ganito dito?
Pumamewang si Maya at inayos ang hibla ng buhok na humaharang sa kanyang mukha. “Seriously? Isang grade school picture ko? Iyan lang ang pruweba mo?” Sarkastikong sabi ni Maya.
“Hey Fierce! Kahit ako ay may grade school picture dito sa wallet.” Ipinakita ni Chlloe ang wallet niya. “This is not a strong evidence, maaaring nahulog lang ‘yan ni Maya.”
“Nahulog!? Tangina—“
“Fierce, stop! Umagang-umaga ay gumagawa ka ng gulo!” Pagsigaw ko. “Halika na, okay?”
Kahit kaibigan ko sila parang mas gusto ko lang muna manahimik...... I want to hear the truth...... mamaya ko na lang sasabihin yung nalalaman ko.
“Guys! Hindi tayo ang magkakaaway dito sa larong ito, ang game master ang kalaban natin dito, hindi ang isa’t isa.” Sabi ni Honey.
“We’re team here guys. Huwag ninyong pagbasehan ang simpleng litrato.” We will solve this.
We are team, huh?
THIRD PERSON
“Mukhang malapit na nilang malaman ang totoo ah?” Sabi ng isang kasabwat sa killer.
Humithit muna ito ng sigarilyo bago nagsalita. “Huwag kang mag-alala ako rin naman ang magbubunyag ng katotohanan… ilalabas ko ang baho ng bawat isa sa kanila,”
“Ipapaalala ko sa kanila ang kagaguhan na ginawa nila sa kapatid ko.”
BINABASA MO ANG
Death Game: Battle For Lives
HorrorThis is a work of fiction. Names, characters, business, songs, places, events, and incidents are either product of author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coi...