Chapter 29 "Night 13"

28.7K 1.1K 142
                                    


CHAPTER 29“NIGHT 13”
PRINCESS YUI MERCADO

“Ganoon pa rin ba ang kailangan nating gawin, Lee?” Tanong ko sa kanya gamit ang earplug.

“Yes, don’t worry this is the last time na hihingi ako ng tulong sa’yo. May tracker naman ako kaya masusundan ko ang mga kilos mo.” Mabuti naman.

“Maglakad ka na at malapit ka na sa ferris wheel.” He speaks at napakunot ako ng noo. Ferris wheel? Ang layo ko sa ferris wheel?

Isang announcement ang umalingawngaw sa buong paligid kaya napahinto ako sa paglalakad.

“Players please gather at the hall.”

Kakasimula pa lamang ng game ah? May nahuli na?

Pagkarating ko sa hall. “Sino ang nawawala?” Tanong ni Jin.

I scan my eyes kung sino-sino pa ang mga nandito. Ako, Len, Chlloe, Maya, Jin, Macky, Bambie, at Adrian. “Wala naman nawawala, kumpleto tayo.” Sagot ni Chlloe sa kanya.

“Hi players! Why don’t we play the vise versa of the game? Ako ang magtatago at kayo ang maghahanap sa akin.” Isang boses ang narinig namin mula sa mga megaphone.

“Paano kami makakasigurado na sa loob ka talaga ng park magtatago?” Tanong ni Macky. Si Fierce nga nadaya, hindi malayong maulit ‘yon ngayon.

“You have an hour para hanapin ako. If you can’t find me with in an hour, kailangan ninyong magsakripisyo ng isa sa inyo,”
Sumeryoso ang mga mukha namin, ang dapat lang naming gawin ay mahanap siya. That’s it.

“Game start!”

“Okay guys, let do this by pair,” Si Jin ang strategist ng grupo namin so we have a big trust on him. Si Bambie at Jin, Macky at Maya, Len at Chlloe, ako at si Adrian ang magkaka-partner. Kung gaano kalaki ang tiwala ko kay Jin, ay siya naman ang pagdududa ko kay Adrian.

Naghiwa-hiwalay na kami at medyo nauuna akong maglakad kay Adrian kaya may chance akong makausap si Lee.

“Lee, alam mo ba kung nasaan si Rena? Kailangan namin siyang mahanap.” Mahina kong bulong.

“Wait, I will just finish first ang ginagawa ko rito sa silid na ‘to before ako pumunta sa hideout niya.” Paliwanag ni Lee kaya naman kailangan lang namin maghintay ng ilang minuto.

“Yui, maghanap na tayo,” Kailangan kong umakto ng normal. Dapat hindi niya mahalata na may kinakausap ako.

“Adrian, magkita tayo sa tapat ng carousel. Ako ang maghahanap sa right side at ikaw naman sa left side.” Paliwanag ko.

“Sure. Let’s meet after 30 minutes.” Sabi niya at naghiwalay kaming dalawa.

LEE PARK 

Pumasok ako sa AV room kung saan nagtatago si Rena, tanging mga liwanag lang ng mga screens ang nagbibigay liwanag dito. Mga screen ito na naka-connect sa bawat isang CCTV para ma-monitor ang bawat galaw ng mga players.

Habang umiikot ang paningin ko sa mga screen ay nakita ko ang mabilis na pagtabo ng isang babae “Yui, nakita ko na. Sa basement ng hotel.”

“Kung pinaplano mong magpunta doon, it’s much better kung magsasama ka ng kasamahan.” Paalala ko sa kanya, walang nakakaalam sa mga mangyayari. Baka isang patibong lang iyon.

“Kaya ko ang sarili ko,” Sagot niya sa akin at narinig ko ang mabibigat na paghinga niya sa kabila.

“Hey! Safety mo ang inaalala ko rito! Hey!” Hindi ko maiwasang mapasigaw dahil sa kanyang kinikilos.

Parang isang chess ang larong ‘to, isang maling move lang then you’re out. Sa nakikita kong ikinilos ni yui, maaaring ma-checkmate siya ni Rena.

Plano kong sundan si Yui ngunit kataka-taka na nakahinto lang siya sa iisang lugar sa may tracker samantalang tumatakbo siya.

Hindi kaya nalaglag niya ang tracker!? Shit! Kung ganoon, lalong nasa panganib ang buhay niya!

Mabilis akong tumakbo palabas ng AV room. Wala na akong pakialam kung makita ako ni Rena, ang mahalaga ay makapagligtas ako ng isang buhay.

I’m hoping na hindi ako mahuli

THIRD PERSON

Habang ginaganap ang laro ay hindi inaasahan ni Jin na malalaglag niya ang earplug na nakuha niya kay Yui, iyon ang dahilan kung bakit hindi ma-track ni Lee si Yui.

Pagkapasok na pagkapasok ni Yui sa loob ng hotel ay gumapang kaagad ang kaba sa kanyang katawan. Ang dilim sa buong hotel at kailangan niya pang makarating sa basement. Kailangan niyang mahanap si Rena, kun’di ay isa na naman sa kanila ang mamamatay.

Pagkaliko ni Yui sa isang pasilyo ay kataka-takang bukas ang ilaw dito. Pinatay niya ang ilaw at doon lumabas ang mga straight red lights na nakaharang sa daan. Patibong.

“Hindi mo ako maiisahan, bitch.” Sabi ni Yui, mabuti na lamang at gumana ang senses niya at naramdaman niyang may mga trap sa paligid.

Iniwasan niya ang bawat lasers at sinigurado niya na kahit ang buhok niya ay hindi didikit dito. Nung malagpasan niya ang mga laser, nandoon na ang pinto pababa sa may basement.

Akmang bubuksan niya na ang pinto ngunit biglang sumagi sa kanyang isip na baka may patibong na naman dito. Gumilid si Yui at isinandal ang katawan sa pader, mabilis niyang binuksan ang doorknob at saktong pagkabukas niya ay may malaking axe ang biglang sumalubong sa kanya.

“Hindi mo ako mapapatay, bitch.” Bulong niya sa kanyang sarili.

“Yui! Nasaan ka na!?” Sigaw ni Lee sa kabilang linya.

Nabanas siya sa mga ginagawang pagpayo ni Lee kaya itinapon ni Yui ang earplug na nasa kanyang tenga, ‘bakit ba ginagawa niya akong sunud-sunuran? Kaya ko naman ang aking sarili.’

Haharapin niya si Rena at buo na ang kanyang desisyon.

Nawalan ng contact si Lee kay Yui at sobrang nabanas siya. Iniisip niya hindi alam ni Yui ang mga kayang gawin ni Rena.

Pagkapasok niya pa lamang sa hotel ay dali-dali siyang tumakbo ang patungo sa basement. Nabilib si Lee nung makita niyang nalagpasan ni Yui ang lahat nung mga traps na nandoon.

Pagkababa niya ng basement ay narinig niya agad ang sigaw ni Yui. Hindi na nagtangkang bumaba si Lee sa mismong basement bagkus ay sumisilip na lamang siya sa hagdanan pababa. Hindi siya maaaring makita ni Rena, kun’di ay masisira ang lahat ng kanyang plano.

“Ngayong nahanap na kita, safe na kami!? Nahanap kita, bitch!” Sabi ni Yui.

“Here’s your prize.” Biglang ikinalansing ni Rena ang mga susi na nasa kanyang kamay, “Eto yung susi sa lock palabas nung park. Ayaw mo bang kuhanin ito para makalabas na kayo ng iyong mga kasamahan?” Tanong niya pa.

Hinihiling ni Lee na huwag sanang kumagat si Yui ngunit hindi niya hawak ang utak ng dalaga. Biglang tumakbo si Yui at nakarinig na lamang siya na para bang isang pisi na naputol.

Nabigla si Lee nung biglang may bumagsak na axe sa direksyon ni Yui at nahati siya sa dalawa.

“Wrong move dear,” Nakangising sabi ni Rena habang pinagmamasdan si Yui na naliligo sa kanyang sariling dugo. “Hindi mo nalagpasan ang huling trap, ikaw naman kasi, tatanga-tanga ka. Now, who’s the winner bitch!?”

“It’s a game over for Princess Yui Mercado!”

Nakakapanlata para kay Lee na hindi niya natulungan ang taong tumulong sa kanya. Napakuyom siya ng kanyang kamay, may namatay na naman dahil sa kapabayaan niya.

Death Game: Battle For LivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon