CHAPTER 20 “NIGHT 9”
LEN CALDER DICKSONNagtatago ako ngayon sa imbakan ng mga mascot. “Napakainit naman sa lugar na ito, kaloka!”
Bakit ba kasi open area itong park!? Pero medyo feeling sad ang lola ninyo dahil sa tensyon na nangyari kanina. I hope na maayos nila ‘yon.
May isang maskara ang pumukaw sa atensyon ko, iyon ang maskara na madalas gamitin ng killer. Balak ko sana itong lapitan ngunit isang malakas na kalampag ang aking narinig. Kung killer ‘to… shemay ha! Kapag nagkataon ay pangatlong beses ko ng masasali sa mga death games.
May pumasok sa silid na ito at napaupo ako upang isiksik ang sarili ko sa isang gilid na natatabunan ng makakapal na mascot.
Kahoy lang kasi itong sahig kaya dinig na dinig ko ang bawat yabag ng paa. Ang naririnig ko lang ay sunod-sunod na padyak ng paa. Napatakip ang kamay ko sa aking bibig para maiwasan makagawa ng ingay.
Ilang minuto lang ang nakalipas ay nakarinig na ako ng takbo palabas. Tumayo ako at inilinga ang aking mata sa buong paligid… wala na ulit tao.
Nabaling ang tingin ko sa maskara… wala na ito. Sinubukan ko pa itong hanapin pero wala na ito sa buong paligid.
Maglalakad na sana ako palabas pero isang panyo ang nakapukaw ng atensyon kong muli. Wala ito kanina, baka nahulog ito ng taong pumasok kanina. Pinulot ko ito.
Isang pangalan ang nakaburda sa gilid ng panyo.Chlloe
Kay Chlloe ba ang panyo na ito? Siya ba ang kumuha ng maskara?
Si Chlloe ang pumasok dito kanina? No! Hindi iyon magagawa ng kaibigan ko.MACKY REYES
Ilang oras na din akong nagtatago, mahigit tatlong oras na at hindi ko alam kung may nakita na ang killer ng isang tao na paglalaruan ang buhay. This is a death game after all and we’re all battling for our lives.
Hindi ako nananatili sa iisang lugar, nadala na ako sa nangyari sa bookstore dati. It’s not a good idea to stay in one place hanggang maubos ang oras.
“Players! Please gather at the park entrance! Please gather at the park entrance!”
Isang announcement ang narinig ko doon sa megaphone na nakadikit sa street lights. Ibig sabihin nito ay ligtas na akong gabi, may ibang buhay na siyang paglalaruan.
Habang naglalakad ako at lalagpas na ako sa ferris wheel… may isang litrato ang nalaglag sa aking tapat. Lumingat ako pero wala akong nakitang tao, napadako ang tingin ko sa litrato.Namilog ang mata ko at nagsitayuan ang balahibo ko, hindi pwede… matagal ng wala ang babae na ito, patay na ‘to!
Eto yung babaeng aksidenteng napatay ni Fierce.Tumingin muli ako sa Ferris Wheel, paniguradong nandoon pa ang taong naghulog nito, tatakbo na sana ako…
“Papa Macky! Pumunta na raw tayong lahat sa entrance park, hindi tayo sasakay sa ferris wheel.” Sigaw ni Len kaya napatigil ako. Kasunod niya si Bambie, nasa hindi pa ring magandang kundisyon ang balikat niya… but I guess, kinakaya naman ni Bambie.“T-tara na.” Aya ko sa kanila, hindi ko alam kung bakit sobrang kinakabahan ako. Kami ba ang may kasalanan kung bakit ito ginagawa nung killer?
Pagdating namin sa entrance ng park ay kami na lang pala ang kulang.
“May kulang pa ba?” tanong ko.
Nagsimulang magbilang si Maya at isa-isa kaming itinuro. “Isa, dalawa…siyam. Siyam lang tayo rito ngayon!”
Kumunot ang noo ko, sampu dapat kami. “Tignan ninyo kung sino pa ang nawawala!” Sigaw ni jin. Lumingon-lingon kami sa paligid.
“Si Honey, nawawala.” Nanginginig na sabi ni Bambie.
Biglang nabuhay muli ang screen na nakadikit sa mataas na gusali.
“Good day players! All of you will participate on the game tonight! There’s a paper on the bench,” Napatingin kaming lahat dito at tumakbo si Adrian para kuhanin ito. “That’s your first clue, in order to find Honey and save her… You need to answer all those questions. You have one hour to save her… timers start… now!”
Namatay ang screen at naging numero ang lumaba, 59 minutes and 59 seconds.
BINABASA MO ANG
Death Game: Battle For Lives
HorrorThis is a work of fiction. Names, characters, business, songs, places, events, and incidents are either product of author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coi...