CHAPTER 33“LAST BATTLE”
THIRD PERSONNakatayo lahat ng natitirang players sa park entrance, lahat sila’y kinakabahan sa maaaring mangyari sa gabing iyon.
Biglang nabuhay ang screen at tumambad sa kanila ang mukha ni Rena.
“Congratulation players! Out of 16 players ay kayong pito na lamang ang natitira sa larong ito! Will you manage to survive in our last game o baka naman matulad kayo sa mga kasamahan ninyong hindi papalarin na makalabas sa lugar na ito?”
Seryosong pinapakinggan ng bawat players ang mga sinasabi ni Rena.
“Chlloe, Len, Maya, Bambie, Macky, Jin, Adrian. Kayo na lang ang mga natitirang manlalaro ng death game. Sa labing limang araw na pananatili ninyo rito ay sinubok ang inyong kakayahan na laruin ang iba’t-ibang klase ng laro. Physical challenge, endurance challenge, mental challenge. Sinubok ko rin kayo kung malalaman ninyo ang kwento sa likod ng mga nangyayaring ito. Eto na ang huling laro, players! Will you manage to survive?”
Isang gabi na lang, iyan ang iniisip ng pitong manlalaro. Kaunti na lang ay makakaalis na sila sa lugar na iyon.
“Hello Lee,” Bulong ni Macky ngunit makalipas ang ilang minuto ay walang tumutugon sa kanya.
Tumalon sa konklusyon si Macky na baka may nangyari ng masama kay Lee.
“Players, please proceed to the basement of hotel.”
Nagsimulang maglakad tungo sa basement ang mga players.
Kanina pa sinusubukan ni Macky na contact-in si Lee ngunit walang sumasagot. Isa lang ang ibig sabihin nito, napatay na ni Rena si Lee.
“Macky, tara na,” Napaigtad si Macky ng marinig niya ang boses ni Maya. Humabol si Macky sa paglalakad ng mga kasama.
“Huwag ka ng mag-overthink, Macky. Eto na, makakalabas na tayo sa impyernong ito.” Sabi sa kanya ni Maya.
Iniabutan ni Macky ng pampatulog si Maya, kumunot ang noo ni Maya. “Para saan ‘to?”
“Trust me, magagamit mo ‘yan.”
Ngumiti si Maya at hinubad niya ang suot niyang kwintas at inilagay sa leeg ni Macky. “Para saan naman ‘to?” Nangingiting sabi ni Macky.
“Para kahit saan ka pumunta! Sa impyerno, sa langit, sa purgatoryo, o kahit saan pa! Basta suot mo ‘yan, kasama mo ako.” Nakangiting sabi ni Maya at hindi naman maalis ang ngiti sa labi ni Macky.
Para kay Fierce, para sa pangakong binitawan nila sa isa’t-isa, sisiguraduhin ni Macky at Maya na makakalabas silang buhay sa park na iyon.
Humabol si Macky at Maya sa mga kasamahan hanggang sa marating nila ang tapat ng hotel.
“Sandali,” Napatigil sila sa paglalakad nung biglang magsalita si Bambie. “Magdasal tayo.”
Pumaikot silang pito at naghawak-hawak ng kamay, taimtim silang nagdasal dahil ito ang pinakamabisang panlaban nila sa pagkakataong ito… ang proteksyon ng panginoon.
Matapos nilang magdasal ay nagtinginan sila ng mata sa mata. “Para kay Mei, Phillip, Lei, Sugar, Honey, Andrew, Yui, Fierce, Minami,” Sabi ni Jin. “Lalabas tayong pito.”
Niyakap nila ang isa’t-isa bago naglakad papasok.
Maingat ang bawat hakbang na kanilang ginagawa papasok ng hotel, walang ingay ang maririnig at tanging mga yabag ng paa lamang nila. Umiikot din nila ang mata nila sa paligid at nagmamasid. Kilala nila si Rena, alam nilang maglalagay ito ng trap sa lugar na ito.
BINABASA MO ANG
Death Game: Battle For Lives
HorrorThis is a work of fiction. Names, characters, business, songs, places, events, and incidents are either product of author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coi...